Chapter 32

15.9K 133 53
  • Dedicated kay MsRuthieRuth05 and Ms_JeannKim2
                                    

Chapter 32

   "Jade, please come home with me," nagmamakaawang sabi ni Andy sa asawang kanina pa tahimik mula nang umalis sila sa bahay nila Mirasol.

   "Hindi pa ako ready, Andy. Nasaan na nga pala si Fiona?" wika ni Jade pagkatapos ng pananahimik.

   "Hindi ko alam at wala akong pakialam sa babaeng iyon. Hanggang kailan mo ba ako titiisin, Sweetheart? 

    Hindi nito sinagot ang tanong ng asawa. Tahimik na nakatingin si Jade sa bukid na dinadanan nila. Malakas pa rin ang bugso ng ulan. Samantalang si Mark ay nakatulog na sa likod ng kotse.

   "Sweetheart? Umuwi na tayo,  please."

   "Just give me another week, Andy. Gusto ko lang makasama muna ang mga magulang at kapatid ko."

   "Sige, pero payagan mo naman akong makatabi ka sa pagtulog."

   "Nope," irap ni Jade.

   "Ang lupit naman ng asawa ko," nagtatampong sambit ni Andy.

   "Parusa ko sa iyo iyan dahil manhid ka pagdating sa kinakapatid mo!" asik niya.

   Napabuntong-hininga na lang ng malalim si Andy.

   

   Halos hating-gabi na nang dumating sila sa bahay ng Dimaguiba. 

   Napansin ni Jade ang matinding pagod sa mukha ng asawa. May habag siyang nadama dito.

   "Andy, Mark dito na kayo matulog ngayong gabi," sabi niya bago pa magbago ang isip niya.

   "Totoo, Sweetheart?" masayang bulalas ni Andy.

   "Ay salamat naman at naawa sa amin," bulong ni Mark sa sarili. Napailing ito sa dalawa.

   ""May sinasabi ka Mark?" tanong ni Jade.

   "Wala sabi ko kaya pala in-love na in love si Andy sa iyo ay dahil  malambing ka pala," nakangisi nitong sagot.

   Nagdududa man ay hindi na pinansin ni Jade ang sinabi ni Mark.

   "Pero pasensiya na kayo ha, sa sahig ng sala lang kayong pwedeng matulog. Malaki naman ang banig namin," anunsyo niya sa dalawang lalaki  na kapwa hindi nakakibo sa pagkabigla.

   Tatlo lang ang kuwarto nila sa bahay. Ang isa ay para sa magulang niya, ang pangalawang silid naman ay kuwarto ni Kristin at Julia at ang pangatlo ay kuwarto ni Brad na kasalukuyan niyang ginagamit ngayon habang dito siya nakatira.  Si Brad ay doon naglalatag ng banig sa sahig ng mga magulang nila habang ginagamit niya ang silid nito.

   Unang nakabawi sa pagkabigla si Andy. "Sweetheart, pwede bang tumabi sa iyo tonight?"

   "Hindi!" kaswal niyang sagot.

   "Kukunin ko lang ang mga unan ninyo at kumot," sabi ni Jade saka pumasok sa silid.

   "Pareng Andy, narinig mo? She's really serious! Ayaw ka talagang patabihin sa kanya!" hindi makapaniwalang bulalas ni Mark. "Try to convince her, Pare. At least isa man lang sa atin ay makatulog ng maayos ngayong gabi. Andy, puntahan mo na ang asawa mo at baka sakaling magbago pa ang ihip ng hangin," taboy ni Mark sa kaibigan.

   "Malabo iyon, Mark. May sumpong talaga," napakamot sa batok si Andy.

   "Oh men, this is going to be an interesting night!" napatirik ang mga mata nito sa kisame.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon