Chapter 30

14.9K 116 56
  • Dedicated kay Carine Marcera and Sittie Maongkong
                                    

Chapter 30

Walang gumalaw sa kanilang tatlo, namayani ang katahimikan sa paligid ng silid. Walang may gustong bumasag nito. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang oras na iyon para kay Jade. Pagkaraan ng ilang segundo ay parang nahimasmasan si Andy sa nangyari, dali-dali itong tumayo at lumapit sa asawa.

"Jade, sweetheart this is not what you are thinking. Please let me explain what happened," nagsusumamo ang mga mata nito. Nang akmang hahawakan nito sa braso si Jade ay iniwaksi ito ng babae.

"What do you want me to think, Andy? Ha? Ikaw na nakatapis lang ng tuwalya at ang malanding kinakapatid mo naman ay nakasuot ng manipis na pantulog dito sa kama pa natin ay walang nangyayaring kababalaghan?" mahina pero mariin niyang bigkas. "Andy, dito pa sa kama natin? How could you?"

"Sweetheart, nagpapatulong siyang alisin ang necklace niya na nasabit. I was trying to tell her to get out of our room when she lost her balance," nagmamakaawang sabi ni Andy sa asawang nanggigilid na ang mga luha.

"Hah! What a convenient excuse! Hindi ako pinanganak kahapon," sarkastikong sabi ni Jade.

"Pero iyon ang totoo, Jade! Please sana maniwala ka naman sa akin," halos lumuhod si Andy sa pagmamakaawa.

Hindi pinansin ni Jade si Andy, lumapit ito kay Fiona na kasalukuyang nakaupo sa kama nila at nakikiramdam kung saan hahantong ang usapan ng mag-asawa. Bago pa rumistro sa utak nito ang plano ni Jade ay dalawang malakas na sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi nito. Nagimbal ito sa ginawa ni Jade, hindi nakahuma sa pagkakaupo.

"Napakawalanghiya mong babae ka, pinatira ka namin dito sa pamamahay namin tapos ito pa ang igaganti mo. Ahas ka! Get out of our room, get out of this house or better still get our of our lives for good! Humanap ka ng lalaking walang asawa kung nangangati ka," nasusuklam na sabi ni Jade.

Hawak ang kanang pisngi na nag-uumpisa ng mamula. "Well Jade, I guess Andy needs a woman who can satisfy him anytime and he found me," nang-uuyam nitong wika.

"Damn you, Fiona! Get out NOW bago pa kita kaladkarin sa labas. Huwag na huwag ka ng magpapakita dito, ni anino mo ay ayaw kong makita. Am I clear? Now, get out!" Naniningkit sa galit ang mga mata ni Andy.

"Andy, you can't do this to us! Alam kong mahal na mahal mo ako," nagmamakaawa nitong sabi.

"Fiona, parang kapatid lang ang turing ko sa iyo. Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito sa amin. Umalis ka sa harapan ko ngayon din bago pa magdilim ang paningin ko ay mapatay kita," matigas na sabi ni Andy. Nakakuyom ang mga palad nito, halatang pinipigil ang sarili.

"Andy, I love you so much. I know you love me too, di ba?"

"You are insane, Fiona! Get out NOW!" singhal ni Andy.

"Paano ang nangyari sa ating dalawa?" para itong baliw na nagmamakaawa.

"What? Walang nangyari sa atin, you are hallucinating!"

Hindi ko na kaya ito, I have to get out of the house now. Ito ang nasa isip ni Jade.

Nagmamadaling lumisan si Jade, iniwan ang dalawa sa silid na nagtatalo.

"Jade! Please wait up!" habol ni Andy sa asawa. Nang mapansin niyang nakatapis lang siya ng tuwalya ay napakamot ito ng ulo sa inis. Nagmamadali itong naghanap ng pantalon sa closet para mahabol si Jade.

"Ate? Okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Julia nang masalubong sa may hagdanan ang kapatid na umiiyak.

Hindi pinansin ni Jade ang kapatid, tuloy-tuloy itong bumababa ng hagdanan at lumabas ng bahay.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon