Chapter 9

20K 96 48
  • Dedicated kay Emerose Macapaz and Kristina Chiu
                                    

   Chapter 9

    

    Nagpapalag siya para makaalpas laban sa lakas ng lalaking sumunggab sa kanya.

   “Let go of me, you jerk,” sigaw niya.

   “Be quiet or I’ll kill you, bitch!” banta ng lalaking kano na sa tantiya niya ay nasa gulang na disi-otso anos lang.  May peklat ito sa kanang mukha, madumi ang buhok, mukhang naka-droga, nakaumang ang patalim sa kanyang mukha.

   “What do you want?” lakas-loob niyang tanong dito.

   “Give me all your money now,” utos nito sa nakakatakot na boses.

   “Here, you can have my bag. Just please let me go,” sabi niya. Ninenerbyos man siya ay pilit niyang hindi pinahalata sa lalaki. Kinuha nito ang bag niya at saka ngumising parang demonyo.

   “Bitch, I’m not done with you yet. You and I are going to have a good time,” tuso nitong sabi habang hinihimas ang pisngi niya.

   Itinulak niya ito para tumakas pero matigas pa sa bakal ang brasong pumulupot sa kanya.

   “Somebody help me, “ ubod lakas niyang sigaw habang pinipilit kumawala sa pagkakahawak ng durugista.

  

  Diyos ko tulungan ninyo akong makaligtas. Maawa na po kayo sa akin.


   “Let go of her now,” kalmado pero madiin na utos ni Luke.

   “Leave us if you don’t want to get hurt, man,” galit na sabi ng durugista.

   “I said let go of her,” lalong tumigas ang boses ni Luke.

   Sa isang iglap ay unundayan ng suntok ni Luke ang addict. Naglabanan ang dalawa. Tumilapon ang kutsilyo ng addict ngunit nakapulot ito ng pipe na pinangbira kay Luke, tumama ito sa right collar bone ng huli kung kaya’y napasubsob ito sa semento.

   “Luke,” gimbal na sigaw ni Jade. Sinaklolohan niya si Luke. Pilit nitong bumangon para lumaban pero napasalpak uli ito.

   Sa takot ng addict ay kumaripas ito ng takbo dala ang bag niya.

   “Luke, nasaan ang cell phone mo? Tatawag ako ng 911,” nanginginig niyang sabi habang hinihintay iabot ni Luke ang cell. Namimilipit ito sa sakit.

   Wala pang 10 minutes ay dumating ang ambulance kasama ang dalawang police cruisers. Binigyan agad ng pangpaunang lunas si Luke at saka isinakay sa ambulansya, sumama na rin si Jade dito.

   “Lucille, please puntahan mo ako dito sa Mount Sinai Hospital ngayon,"  tinawagan niya ang kaibigan oras na matapos siyang kunan ng police statement. Si Luke ay kasalukuyang nasa loob ng OR.

   "Jade, ano bang nangyari? Kanina ka pa hinahanap ni Andy hindi ka raw sumasagot sa cell phone mo,” ani Lucille.

   “Mahabang kuwento pero na-mug ako ako at nasaktan si Luke,” mangiyak-ngiyak niyang sumbong.

   “Ano? Okay ka lang ba? Pupunta na kami ni Seth ngayon din,” balisa nitong  sabi.

   “Okay lang ako. Si Luke ang hindi ko alam, nasa OR pa siya,”  napakagat siya sa labi.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon