Chapter 28

15.3K 124 60
  • Dedicated kay CharlMaeNaves and Lorie Sy
                                    

Chapter 28

Author's Note: Please play the multimedia on the right side "Reaching Out" by Xian Lim while reading this chapter to fully appreciate it. You'll see why at the last part of this chapter. Thanks.

   "Bakit mo hinayaang umalis si Andy kasama ang bruhang Fiona na iyon?" nakaismid na himutok ni Lucille. Kasalukuyan silang naghahapunan kasama si Luke na nakikinig lang sa usapan nilang dalawa.

   "Okay lang iyon, Lucille. Sabi naman ni  Andy balikan lang sila ni Fiona," kaswal niyang sagot.

   "Ewan ko ba, Tita. Parang kinakabahan ako sa Fionang iyan," nakakunot ang noo nito habang sumusubo ng adobong manok.

   "Lucille, huwag mo ngang pinakakaba si Jade," sabad ni Luke.

   "I'm just expressing my opinion, Luke!"

   "Kung ano-ano kasing naiisip mo," ani Luke.

   "Huwag na kayong magtalo. I'm sure mamaya lang ay nandito na si Andy at Fiona," awat ni Jade sa dalawa.

   "By the way, two days na lang pala kami dito sa inyo, Jade. Tumawag kanina iyong landlord, pwede na raw kaming lumipat sa condo," anunsyo ni Luke.

   "Naku Lucille, sobrang mami-miss kita," bulalas ni Jade.

   "Tita naman, para naman kaming pupunta ng ibang planeta. Parati pa rin tayong magkikita siyempre," sabi sabay yakap sa kaibigan. "Pero mami-miss din kita," humikbi na ito ng tuluyan.

   "Women!" naiiling na mahinang sambit ni Luke. If I lived a million years I would never understand women!

  "Andy, ano sa tingin mo doon sa na-hire kong sous chef?" tanong ni Fiona. Katatapos lang ng meeting nila kay Rene Abelardo, ang bagong sumisikat na chef sa isang restaurant sa Tagaytay na inoperan ni Fiona ng mas malaking suweldo at benefits para magtrabaho sa bubuksan niyang bagong negosyo.

   "I think he'll be fine, Fiona" wika ni Andy.

   "Now let's put my business aside and enjoy the rest of the night," nakangiting sabi ni Fiona. Nakatitig ito ng malalim kay Andy, nangungusap ang mga mata na parang may gustong ipahiwatig sa lalaki.

   "Fiona, we have to head home now," matigas na sabi niya.

   "Why? The night is young and full of promises."

   "Naghihintay si Jade sa akin," tahimik niyang sabi.

   "Come on now, Andy. Under ka siguro ng asawa mo ano?" tuya nitong tanong sa kinakapatid.

   "My wife is not like that, Fiona," depensa niya.

   "So prove it, samahan mo akong uminom sa bar," nanghahamon ang tingin na ipinukol nito.

   "One drink and then we have to go," naiiritang wika niya. 

   Tingnan ko lang kung makauwi ka ngayong gabi.


   Pagkatapos umorder ng alak sa bar si Andy ay nagpaalam ito kay Fiona na pupunta ng restroom.

   Ang magandang pagkakataon nga naman ay umaayon sa akin. Iyong ang naglalaro sa isip ni Fiona ng sandaling iyon.

   Oras na maibigay ang inorder nilang alak ng bartender ay kinuha ni Fiona ang maliit na tableta sa pitaka at inilagay sa baso ng alak ni Andy. Sa ingay at dami ng tao nang oras na iyon ay walang nakapansin sa ginawa ni Fiona.

   Masayang nakangiti si Fiona nang bumalik si Andy sa bar.

  "Your drink is here, Andy," inabot ni Fiona ang baso sa kinakapatid.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon