Chapter 40

12.3K 123 64
  • Dedicated kay @itsmemariec and @MarieMayone
                                    

Chapter 40 

Please play the music video on the right screen. You'll appreciate this chapter more with that music. Thank you.

   Nag-panic ang lahat nang makita nilang hinimatay ang bride sa bisig ng groom. Binuhat ito ni Andy at sinakay sa kotse. 

   "Wait Andy, sasama ako," humahabol na sabi ni Lucille. "Luke, bahala ka na muna kay Sam. Sasama ako sa kanila sa ospital," baling nito sa asawa.

   "SIge ako na ang bahala dito. Mag-ingat kayo," nag-aalalang sagot ni Luke.

   Nag-takeover ang mga magulang ni Andy, ang bestman ni Andy na si Mark at si Luke sa mga naiwang guests na naguguluhan sa nangyari.

   "Please proceed to the hotel for the reception, I'm sure Mrs. Wu is going to be fine," anunsyo ng wedding planner pagkatapos makipag-usap sa mga magulang nila Andy at Jade. 

   Dahan-dahang nag-alisan ang mga panauhin sa simbahan para tumuloy sa hotel kung saan gaganapin ang wedding reception.

   "Where's my mommy and daddy, Lola?" inosenteng tanong ni Kian kay Dona Clara.

   "May pinuntahan lang, Kian. Babalik din agad ang daddy at mommy mo," reassure nito sa apo.

   "I want my mommy and daddy," nag-uumpisang tumulo ang mga luha nito.

   "Hey, buddy. Come here, we will wait for your daddy and mommy in the hotel," sabad ni Luke. Binuhat nito ang batang lalaki sa kaliwang braso dahil buhat nito sa kanang braso si Sam.

   "Kian, don't cry na, nandito naman ako," sabi ni Sam sa kababata sabay abot ng maliit nitong palad sa kaibigan.

   Tumango lang si Kian at saka yumakap sa leeg ni Luke.

   

   Habang nasa daan sila papuntang ospital ay hindi mapalagay si Andy. Namumutla si Jade at parang hirap itong huminga. Umuusal naman ng panalangin si Lucille para sa kaligtasan ng matalik na kaibigan. Pagkaraan nang ilang minuto mula nang umalis sila sa simbahan ay nagmulat ng mga mata si Jade.

   "Sweetheart, anong pakiramdam mo ngayon?" nag-aalalang tanong ni Andy.

   "Andy, I feel so t-tired at nahihirapan akong h-huminga," mahinang usal ni Jade.

   "Malapit na tayo sa ospital. You will be okay, Sweetheart!" madiing sabi ni Andy kahit sa puso niya ay nandoon ang matinding kabang nararamdaman.

   Muling pumikit ang mga mata ni Jade para magpahinga.

   "Jade, everything will be fine," bulong ni Andy sa asawa.

   "Mr. Wu, we need to admit your wife in Cardiac ICU. She's having signs and symptoms of heart failure," malumanay na sabi ng doktor. Kasalukuyang nasa kabilang kuwarto si Jade nang oras na iyon kasama si Lucille. 

   "What do you mean?" pigil-hiningang tanong ni Andy. Nanglalamig ang mga palad niya. 

   "Nagka-flu ba ang asawa ninyo lately?" tanong nito, hindi nito sinagot ang tanong niya.

   "Yes, last week ay dalawang araw na nilagnat ang asawa ko pero ayaw naman niyang magpa-check up. Uminom lang siya ng Paracetamol. Ano ba ang problema talaga, doc? Paanong nagka-heart failure ang asawa ko? nanglulumong tanong uli ni Andy. Para siyang kandilang unti-unting nauupos.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon