Chapter 18

18.2K 109 67
  • Dedicated kay Pia Bee and Rose Cua Watts
                                    

Chapter 18

"Magpahinga ka na Andy, kahapon ka pa walang tulog," naaawang mungkahi ni Lucille sa pagod na lalaking nakabantay sa tabi ng asawa. Halos hindi ito umalis sa tabi ni Jade, tatayo lang ito kung pupunta ng banyo o makikipag-usap sa mga medical staff. Ang pangkaing dinala ni Lucille ay halos hindi nagalaw.

"Okay lang ako, Lucille. Thanks sa tulong mo," tahimik nitong wika.

"Ako na muna ang magbabantay sa kaibigan ko para makatulog ka," patuloy nito sa pangungulit.

"Mahirap na baka hanapin ako ni Jade pagnagising," tanggi nito.

"Very stable na siya, Andy. In fact, for discharge na siya later."

"I know, hindi ko lang maiwasang hindi mag-alala pa rin kasi."

"Matibay si Jade, Andy. She will eventually recover, tingnan mo."

Hindi kumibo sa Andy. Patuloy nitong pinagmamasdan ang magandang mukha ng asawang mahimbing na natutulog.

Nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Please come in," mahinang sagot nit Andy.

Sumungaw ang mukha ni Luke, bahagya itong nakangiti.

"Hi, kukumustahin ko lang sana si Jade," paalam nito.

"Tuloy ka, Luke" imbita ni Andy. "Please have a seat."

"How is she?"

"She's doing okay. Luke, gusto kong magpasalamat sa lahat ng tulong mo sa asawa ko. I owe you a lot pare" simula ni Andy.

"Ginawa ko lang ang gagawin ng kahit na sino sa situation ni Jade."

"Thank you," simpleng wika ni Andy sabay abot sa palad nito sa kaharap.

Tumango lang si Luke at saka kinamayan si Andy.

"Whew, I never would have imagine this scenario," nakangiting bulalas ni Lucille. "Baka naman maging bff pa kayo niyan," patuloy nito.

Nagkangitian lang ang dalawang gwapong lalaki sa sinabi ni Lucille.

"Salamat naman at hindi na kailangang mag-referee sa inyong dalawa di Seth," biro nito.

"Hi," mahinang tawag ni Jade na nagising sa ingay nila.

"Hi, Sweetheart! kumusta na ang pakiramdam mo?" nakangiting sabi ni Andy sabay halik sa noo ng asawa.

Sumilay ang bahagyang ngiti sa mga labi nito kahit malungkot pa rin ang mababanaag sa mga mata nito.

"Snow White, mabuti naman at nagising ka na. Ang himbing kaya ng tulog mo," masayang sabi ni Lucille sa kaibigan.

"Hello Jade! I'm glad you are doing well," saad ni Luke.

"Thank you sa inyo," simple niyang sabi.

"Jade, mamaya lang ay pwede ka ng umuwi," pagbibigay-alam ni Andy.

Tumango lang si Jade sa sinabi ng asawa.

"Naayos ko na ang kuwarto mo, Tita. At saka nagluto ako ng mga paborito mong mga ulam para naman ganahan ka ng kumain," bida ni Lucille.

"Thanks, Lucille pero wala akong ganang kumain pa," tahimik niyang tanggi.

"Ano ka sasali sa beauty pageant o kaya'y magmomodel. Ang laki na nga ng ipinayat mo!" nakakunot ang noo nito.

"Salamat sa concern mo pero wala talaga akong appetite pa," medyo naiirita niyang wika.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon