Chapter 31

14.7K 124 48
  • Dedicated kay Jade's Angels/Kim's Angels and The Avengers 2
                                    

Chapter 31

This is dedicated to the following Jade's angels:

Mirasol Lulo, @Tinylianne, @HeatherAlready, @Iamlesdan3 @hellowder, @genevietenneessee and Celica Quitales

   "Naniniwala ka na sa akin, Sweetheart?" tanong ni Andy.

   "Oo naniniwala akong walang nangyari sa inyo kahapon ng bruhang kinakapatid mo pero hindi ko lubos maisip kung bakit iniisip niya na mahal mo siya, bakit hindi mo diniscourage si Fiona,  bakit hindi mo man lang nahalata noon pa na nahihibang na siya sa iyo. Bakit Andy? Di sana naiwasan mo ang mga kalandian niya sa iyo,"  sita niya sa asawa.

   "Jade, I did not encourage her, I treated her like a younger sister," tanggi ni Andy.

   "Bakit hindi mo nahalata samantalang matagal na naming napansin ni Lucille! Manhid ka ba?" angil niya.

   "Kung matagal mo na palang napansin ang kinikilos na mali ni Fiona bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin kahit minsan na may  pagdududa ka," naiinis na balik ni Andy.

   "Dahil ayaw kong sabihin mong napra-praning lang ako!

   "Jade, huwag na nating pag-awayan ito. Sayang lang ang panahon natin sa babaeng iyon. Let's go home na, Sweetheart," akmang aakbayan nito si Jade nang umiwas ang huli. Napakunot ang noo ni Andy sa ginawi ng asawa.

   "Hindi pa ako sasamang umuwi sa iyo," nakahalukipkip na sabi niya.

   "What? Sweetheart, ano na naman ba ito?" naguguluhang tanong ni Andy.

   "Akala ko ba ay liligawan mo ako?" nakairap niyang sabi.

   "For heaven's sake, seryoso ka talaga doon sa sinabi mong ligawan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Andy.

   "Di huwag! Walang namimilit sa iyo, Mr. Andy Wu!" 

   "Okay, sabi ko naman sa iyo gagawin ko lahat ng gusto mo, Sweetheart. Wala namang magbabago dahil kahit naman nang magpakasal tayo ay hindi pa ako humihinto sa pangliligaw sa iyo. So, Mrs. Wu kung gusto mong pormal uli kitang ligawan , tinatanggap ko ang hamon mo magkabati lang tayo uli," masayang wika ni Andy. "Okay na, Sweetheart? Now can we go home," kumpiyansa sa sariling sabi nito.

   "Hindi ako sasama sa iyo sa Maynila dahil dito mo ako liligawan sa Bulacan."

   "You are kidding me, right? Jade, ang layo nito sa opisina at sa bahay natin. Paano akong pupunta dito araw-araw?" nanglalaki ang mga mata ni Andy sa kondition ng asawa, hindi ito makapaniwala sa narinig.

   "Problema mo na iyon!"

   "I can't believe this!"

   "So paano, suko ka na?"

   "I don't give up, Jade! Lalo na sa iyo, Sweetheart," seryoso tinitigan siya nito. "Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan?"

   "Hindi ko pa alam," mataray niyang sagot.

   Napasuklay ang mga daliri nito sa buhok sabay buntong-hininga ng malalim.

   "Umuwi ka na, saka ka na bumalik," pagtataboy ni Jade sa asawa.

   "Dito na ako matutulog ngayong gabi sa kuwarto mo. Bukas na lang ako uuwi," kaswal na sabi ni Andy.

   "Rule number one, bawal kang matulog sa tabi ko."

   "Ha! Sweetheart, sobra ka na ha!" naiinis nitong sabi. Hindi maipinta ang mukha nito.

   Bago pa nakasagot si Jade ay pumasok si Aling Tania ng sala.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon