Chapter 76

43.4K 844 154
                                    

(Edited)

Jualia's POV

"W-wag mo nang ituloy ito... anak."

Agad agad akong napadilat at napatingin sa nagsalita at halos mapanganga ako sa nakita ko.

S-siya?

Si sir Haime?

Si Sir Haime ay isa sa mga pinakapaborito kong propesor dahil sobrang bait niya. Para siyang barkada lang naming mga estudyante niya. Pero...hindi ko akalain na...


"Ingat kayo sir!" Ani ko kay sir Haime na isa sa mga pinakapaborito kong propesor. Niyakap niya ako at ng bumitiw siya ay halos maluha luha na ang mga mata niya. Siguro ay dahil sobrang lapit lang talaga naming mga estudyante niya sakaniya. Sobrang bait kasi talaga niya.


H-hindi...


Bakit hindi ko siya namukhaan. Kaya siguro sobrang lapit ko sakaniya. Kaya pala ang gaang ng pakiramdam ko sakaniya!  

"Anong ginagawa niyo dito?! Wag na wag kang mangingielam!" Sigaw ni Christine.

"Anak! Tigilan mo na ang kabaliwan mo! Nalaman mo nang wala silang kinalaman dito diba?! Kaya tigilan mo na to!" Sabi nung lalaki at magtatangka sana siyang lumapit kay Christine nang diinan niya ang pagkakatutok niya nang baril sa akin.

Ugh, Lord! Wag po! Please....

"Meron! Sila ang nagpa-kidnap kaya meron silang kinalaman dito! Sana kasama ko pa sila. Sana... nakikita ko pa yung ngiti nila. Pero ano? Nang dahil sakanila, nawala lahat. Lahat ng pangarap ko para sa pamilyang to!" Sigaw ni Christine.

"Bakit ba kasi hindi mo ako maintindihan ha pa?! Ni hindi ka manlang pumunta sa burol ni kuya! Maski nung inilibing siya wala ka! Eh nung na-ospital si ate?! Ni minsan naisipan mo bang dumalaw?! Hindi! Bakit?" Sunod sunod na sabi niya. "Kasi busy-ing busy ka kaka-spy jan sa anak mo! Sa anak mong iniwan mo noon! Dahil dito pa diba? Dahil sa babaeng ito?" Sabi niya at napatanga naman ako.

A-ako?

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo padin ba naiintindihan ang lahat? Siya... siya yung nawawala mong ama! Kapatid kita! At dahil sayo, dahil sainyo ng mga kapatid mo! Nawala ang atensyon sa amin ni papa! Napunta sainyo lahat! Yung efforts niyang mag-hire ng spy para lang malaman na safe kayo? Ni minsan hindi niya naisip na gawin sa amin yun! Yung manmanan kayo? Eh hindi niya nga kami magawang tignan!"

"Eh bakit ka saakin nagagalit? Hiningi ko ba ang atensiyon niya?! Alam mo ba ang pakiramdam nang maiwan nalang? Yung papangakuan ka niya na babalik siya pero wala, naghintay ako sa wala! Alam mo ba?!"

Akala niya ba siya lang ang nasasaktan sa mundong ito? Akala niya ba siya lang ang may pakiramdam dito?!

"Yun na nga eh! Bakit ikaw... ikaw na hindi naman nanghihingi ng atensyon, binibigyan niya. Ikaw na wala namang ganitong kabigat na dinadala, minamanmanan niya. Pero kami, ako? Ako na nangangailangan ng ama. Wala, ni minsan hindi niya yun napansin." Sabi niya, marahas na pinahid ang luha niya. Ako? Putspa. Hindi ko na kaya ang lahat.

"Hah, iniwan ka? Ako? Nasa tabi ko na, parang wala padin. Parang mas gusto kong pangakuan niya ako na babalikan niya ako, kasi alam kong kahit papaano; mahal niya ako. Pero hindi, kasi habang tumatagal na nasa tabi namin siya, mas lalo kong nararamdaman na hindi niya kami mahal. Alam mo ba ang pakiramdam non?!" Galit na galit na sabi niya sa tabi ko.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon