Chapter 41

76.2K 1.1K 46
                                    

(Edited)

Warning: Sobrang corny ng chapter na ito XD. 

Frisa's POV

"Anong gagawin mo kapag nalaman mong may kapatid ka sa labas... at ako yun?"

Nangilabot naman ako sa sinabi niya. Ano bang nakain niya? Kung titignan mo yung itsura niya, hindi siya nagbibiro. Seryoso ito at tila naghihintay ng sagot.

"Edi papapasukin kita?" Nag-aalanganing sagot ko at tila nagtataka ang mukha niya ng bigla siya tumawa ng malakas. Nakitawa nalang din ako sakaniya. Ayoko nang gano'n. Ayoko nang seryoso siya. Nakakapangilabot.

Balewalain mo na lang yun Fris. Balewalain mo na lang.

Paalis na sana ako para puntahan si Chanyeol ko, nagtatampo na yun eh! Kaso, hinawakan niya ako sa braso.

"Teka!"

"Bakit? Kain tayo! Gutom na ako eh."

"Ano? Anong gagawin mo?"

Bakit ba siya nagtatanong ng ganyan?

"Hays, ano bang nakain mo Buds?" Sabi ko. Budi as in buddy ang tawagan namin. Parang bisaya version lang niya.

Tahimik lang naman niya akong tinitigan. Yung tipong naka poker face.

"Siyempre tatanggapin kita. Isa pa hindi ka naman masamang kuya eh, mabait ka, gwapo talented! Oh? Tatanggi pa ba akong maging kuya ka? Tsaka wala naman na akong magagawa dun. Kesa kainisan kita tatanggapin na lang kita. Walang namang mangyayari kapag tinaboy pa kita. Masasayang lang yung mga oras na pwede tayong magkabonding eh." Mahabang paliwanag ko which is half true. Yes matatanggap ko siya pero kung sakali totoo nga, hindi padin maiiwasan na masaktan ako. Napangiti lang siya at hinila na ako papunta sa may buffet.

Ano bang nangyayari sakanya, lately kasi nagiging wierd siya. Yung tipong palagi siyang nanjan, hindi naman sa ayaw ko pero dati hindi naman siya ganyan. Mas protective siya ngayon, mas malambing.

Nalilito na tuloy ako sa nararamdaman ko!

Julia's POV

"Master dun tayo dali! Baka kasi may isda don! Dali!" Yaya ko sakaniya pero ayaw niya padin akong bitawan. Nasa may dagat na kami at niyayaya ko siya sa mas malayong part. Wala kasing isda dito, minsan kasing naligo kami dati sa dagat may mga isa sa medyo malayong part. Nakakatuwa lang hawakan, madulas.

"Baby, no." Tanging bulong niya sa tenga ko.

"Dali na kasi! Ang KJ nito!" Nagtatampong sabi ko.

"Baby..." Tinignan niya pa ako nang masama, nakipagtitigan naman ako.

"Ugh, you have to hold my arms tightly okay?" He surrendered at nangiti naman ako.

Unti unti na siyang naglakad at nakasunod naman ako. Mas nauuna siya eh. Nakakapit ako sa braso niya na medyo naka extend sa likod. Baka daw kasi may kung ano anong matapakan kapag ako nauna. Nakapagpalit na pala ako. Naka beach shorts lang ako pero suot ko parin yung Tshirt ni master. Ang bango eh! Yung kahit nasa tubig ka maaamoy mo yung pabango niya. Ugh.

"A-aray ko." Daing ko. Ramdam kong napalingon siya sa gawi ko. Bigla nalang nanlalabo ang paningin ko.

"Masakit... a-ah!" Napabitaw ako sakanya kasi hinawakan ko ang ulo ko. Ang sakit!

Ang sakit ng ulo ko! Parang pinupukpuk ng martilyo sa sakit! Para akong lalagnatin na ewan. Sobrang sakit! Hanggang sa nakainom na ako ng tubig. Hindi na ako makahinga!

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon