Chapter 40

75.8K 1K 80
                                    

(Edited)

Julia's POV

Lalapitan ko na sana si master para magsorry dahil sa di ko pagpansin sakanya. Medyo naiinis lang kasi ako bigla kapag kakausapin niya ako kaya lumalayo na lang ako kasi baka kung ano pang masabi ko sakanya kapag nainis ako.

Kaso bigla akong hinila ni Frisa at ni Yoona papunta sa may hotel room ni Yoona.

"Gosh! Look girls! I bought these! Hihihihi!" Sabi ni Yoona at itinaas ang... wait... 2 piece swim suits.

Gosh! don't tell me... 


No.

Nginitian nila akong dalawa nang malademonyo.

"Oh yes my dear sister-in-law... you're gonna wear this too!" Tuwang tuwang sabi ni Yoona at pumapalkpak pa. Tumawa naman si Frisa.

Yung totoo? Mga kaibigan ko ba ito?!

"Nagugutom na pala ako. Geh bye!" Sabi ko sabay takbo.

Pero sa kasamaang palad, humadlang pa yung necklace ata na pebble yung pendant kaya heto ako. Plakda. Ugh.

"Hahahaha! Deabak!"

(Daebak – Awesome)

Ngayon alam ko nang ibang klaseng kaibigan sila. Imbis na tulungan ako ay tinawanan pa ako. Nakuha pa nga ni Frisa na kuhaan ako nang litrato. Tsaka lang nila ako tinulungan nang maka move on na sila kakatawa. Ang sakit nang balakang ko.

"Hahaha! You... hahaha, o-okay?" Tatawa tawang tanong niya.

"Oo naman ikaw ba naman madapa ng pasubsob eh... okay na okay lang ako." Sarkastikong sabi ko at napatawa nalang kami.

**

"Guys! Wag naman kayong ganyan, hindi ko ata kayang lumabas ng nakaganito eh!"

Tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Red na swimsuit ang binigay niya sakin. Masasabi kong okay lang tignan at hindi naman masagwa. Kaso ayoko talaga na nakikita ako nang iba na nakaganito. Ayoko nga nang atensiyon di ba?

Nakakailang lumabas!

"Dali na bruha! Lumabas ka na jan!" Alam niyo naman siguro kung sino yun?

"Oo na po Fris!" Naiinis na sabi ko at lumabas mula sa CR.

Napalingon ako sakanilang dalawa. Mga thirty seconds bago sila nagsimulang magsisigaw na parang may sunog. Mapapa facepalm ka nalang sa sobrang kahihiyan.

"O to the M to the G! Siguro akong mas lalong maiinlove sayo yung baby mo! Hihihihi!" Namula ako naman sa pinagsasabi ng bruhang to lalo na nung pinagdiinan niya ang salitang baby mo. Ugh!

"You're so pretty girl! I so love you na talaga!"

Nagsuot muna ako ng short tapos white tshirt. Ayokong lumabas ng nakaganun noh! Nagpunta na kami sa may beach pero hindi ko inaasahan ang eksenang aabutan ko.

"I missed you baby!" Sabi niya sabay niyakap si master.

At mas nagulat ako nung ngumiti si master sakanya at niyakap ito pabalik.

"I missed you too baby." Sagot niya.

Ano to? Gaguhan?

"Omona! Imo!" Napasigaw na sabi ni Yoona at tumakbo palapit rito at niyakap rin yung babae. Close din sila? Sino ba siya? Sineniyasan kami ni yoona na lumapit doon. Imo ba ang pangalan niya?

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon