Chapter 19

82.3K 1.2K 34
                                    

(Edited)

Kris' POV

I headed to the bathroom and took a half bath. I never expected mom going to my condo. Well I can't blame her, I never went here.

While I was busy drying my hair with a towel, I heard something clicked. That's why I hurriedly wore my body towel and went out. I thought I was going to see a clear room, but I saw a girl with her opened eyes looking at me.

What the f*ck is she doing here?

"Jessica what are you doing here?!" I shouted at her. But instead of answering me he lowered her eyes and saw me......half naked

Sh*t.


Julia's POV

Nagulat na lang ako ng tumingin siya sa akin.... ng may kasamang malademonyong ngiti. At dahil nga awkward eh ako na ang nag umpisa. Aba! Baka mapanis ang laway ko niyan.

"Ahm, hello po?"

"Iha, let's talk." Biglang seyosong sabi nang mama niya. Umupo naman ako sa sofa ng dahan dahan lang. Baka kasi maulit yung kaninang "sinong may sabing umupo ka" moment.

Kaso hindi naman. Hindi ko alam pero feeling ko may hindi magandang mangyayari at lalo na't ganito akong kinakabahan.

"Pano nga pala kayo nagkakilala ng anak ko?" Kalmado pero medyo kinikilig na tanong niya. Ang bipolar pala ng nanay niya no?

Pero... pano nga ba?

Sasabihin ko ba yung totoo? Pero baka magalit si master sa akin! Pero ano naman kung magalit siya diba?! Pero sabi niya magpanggap kami eh! Pero kasi mama niya naman toh. Kaso nagpapanggap nga kayo!

Tae ka Julia, bahala na!

"Uhm, nagkabungguan po kami sa school nung first day. Transferee po kasi ako." Yun naman talaga diba?

"Then? Nabighani ba siya sayo at hinalikan ka niya agad?" Sabi niya at lalong umusog papalapit sa akin.

Napatanga naman ako sa mama niya. Naimagine ko na yun nga ang nangyari, ugh! Iniling iling ko ang ulo ko. Putcha, ni hindi ko nga naimagine ang itsura ko nung nahal-ewan!

"A-ah? Hindi po. So nakabunggo ko po siya tapos ang sabi niya po sa akin na tumabi kaso inaway ko po siya. Alam niyo po kasi, ang baho nang ugali niyang anak ni- a-ah este, ang mean niya ahe-he-he." Awkward kong sabi. Tokwa! Babatukan ko talaga sarili ko mamaya!

"Alam ko na kung gaano ka sama ang ugali nung gunggong na yun. Hahaha anyways... pano kayo nagkasundo?" Tanong nang mama niya. Ay oo nga noh?

"Ahm, days later po umamin siya saakin na hindi siya sanay na wala ako sa tabi niya simula nung inasar niya ako noon. Kinikilig po ako kapag nakikita ko siya kaya sinubukan naming, kaya heto kami." Pagsisinungaling ko. Medyo iniimagine ko rin pano nga kung ganun ang nangyari no?

Kaso... asa naman ako diba? Pwede na akong maging author ng pocketbooks sa lawak ng imagination ko!

"Jinja?! Kami rin ng dad niya eh!? Alam mo ba noon? Naalala ko pa nong binasag ko yung salamin ng kotse ng dad niya. Hahahaha ang epic ng mukha niya nun eh!" Natatawang sabi ng mama niya. Confirmed. Ibang klase talaga siya mag isip. Mas matindi pa kay master.

"Tapos nung niyaya niya akong makipag-date, aba't ang loko! Sa kotse ako dinala! Dun daw kami magdi-date. Pero ang sweet niya kasi eh, hihihi." Kinikilig na sabi niya.

Manang mana ata sakanya yung kakambal ni master. Maya maya lang... "Iha pakikuha naman nung bag ko sa kwarto ni Kris masakit na din yung paa ko eh. Tumakbo lang kasi ako papunta dito." Sabi niya sa akin. Sasagot na sana ako kaso..."Please?" Pagpapacute niya, Kahit na may anak na siya ang cute niya pa rin mag puppy eyes.

"A-ah eh, sige po." Sagot ko at pumunta sa may mga kwarto. Kaso nung nasa harap na ako ng pinto medyo kinabahan ako. Ay hindi pala medyo, as in sobrang kaba talaga!

Hindi ko rin alam kung bakit. Para bang nung pakiramdam ko nung araw na ang daming kababalaghan ang nangyari sa akin? Ganun! Napailing nalang ako at nagbuntung hininingang binuksan ko iyon at sinilip kung nandun ba si master.

Silip sa paligid. Tingin sa taas. Silip sa floor.

Confirmed. Wala

Nakahinga naman ako ng maluwag nun. Pumasok na ako at hinahanap kung nasaan yung bag ng mama niya.

Hinanap ko sa kama: WALA

Sa ilalim ng kama: WALA RIN

Sa may mga table: WALA PADIN

Sa library niya: WALA TALAGA

Sa may workplace/study table niya: WALA NANAMAN

Sa may mini sala niya: WALA

At ngayon ko lang nalaman na malaki pala ang kwarto niya. Kasing-laki na ata ito nang buong bahay namin. Habang naghahanap ako ay bigla akong may narinig na nag click.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni master atsaka tumakbo papunta dun. Sinusubukan kong buksan pero wala! Wala talaga! Hindi kinakaya nang maskels ko! Sinubukan ko ulit kaso ayaw! Ayaw patinang nung doorknob!

Naghanap lang ako nang susi dito sa kwarto. Aba malay ko kung may duplicate key pala siya! Busy-ng busy pa ako sa paghahanap nang biglang may bumukas na pinto.

Napalingon ako dun sa pinto nang kwarto ni master pero hindi naman yun yung bumukas. Naghanap pa ako ng ibang pinto at nakita ko din! Gulat na gulat akong nakatitig sa lalaking may ari nang kwartong ito.

Nasaan na napunta ang maskels? Tinakbuhan na ako? Walang wala ang maskels ko sakaniya! Kailangan ko nang mag gym pag nagkapera.

Mula sa wet hair niya papunta sa fresh at gwapo niyang mukha papunta sa makisig niyang katawan at sa... oh Lord! Pipikit ako! Pipikit talaga ako! Pramis hindi ko titignan.

"What are you doing here Jessica!?" Medyo napalakas na tanong niya. Hindi ako nakasagot agad kasi busy pa ako sa pagtitig sa abs niya. Kung hindi ako nagkakamali ay 19 palang siya pero ung abs... putspa, liveshow ito!

"Hey stop drooling." Mayabang na sabi niya sabay lapit sa akin. Hinawakan ko naman ang labi ko kung naglalaway nga ako. Wala naman ah!

"W-wala kaya!" Pagtanggi ko. Napatawa naman siya ng mahina. Bakit ka nauutal Julia! Wag mo ipakitang naaapektuhan ka!

Mas lalo pa akong napatulala nang mapatawa siya nang mahina. Tokwa, ang gwapo niya tumawa. Nakakainggit yung gums niya.

Mas lalo siyang lumapit sa akin

"Hep hep hep!" Itinaas ko ang kamay ko na para bang pinipigilan ko siya sa kung ano mang susunod na gagawin niya. Napatigil naman siya at napangisi pa ang gunggong!

"Wae? Why are you stopping me? You don't like it?"

(Wae? – Why?)

"W-wag kang lalapit! Jan ka lang!" Warning ko sakaniya sabay dinuro duro ko kung saan siya nakatayo ngayon. Dali dali akong tumakbo at naghanap ng iba pang pinto. Ayun!

Kaso.. ayaw. Putchang pinto, ayaw bumukas! Please naman, kahit ngayon lang parang awa mo nang pinto ka, makisama ka naman! Hindi ko na kaya ang nararamdaman kong init dito sa loob!

Kinalabog ko ang pinto ng kwarto ni master. Baka kasi nanjan pa yung mama niya at nagbabakasakaling bubuksan niya yun. Kaso imbis na impit nang pinto, ay tunog ng susi sa labas ang tanging narinig ko, with matching halkhak pa!


"Enjoy guys! Bye!"

No... no no no no! Hindi pwede!

This can't be. Bakit ba kasi ang tanga ng naglagay ng saradura ng pinto! Nasa labas yung susian! Hindi to pwede! I'm locked! Were locked!


Lord naman eh. Bakit naman siya pa!?

~~AgentBlue143

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon