Chapter 24

79.5K 1.1K 15
                                    

(Edited)

Julia's POV

Pagkatapos kong kainin lahat lahat nang inutos niyang lutuin ko ay mga 30 minutes din akong nagstay sa banyo. Nakakainis! Kung hindi lang ako pinalaking magalang at hindi nagsasayang nang pagkain na mamamayan nang Pilipinas ay baka iniwan ko nalang iyon do'n!

At putspa lang, Ngayon ko lang naisipan na pwede ko namang ilagay sa ref. at mamaya nalang ubusin yung iba. Nasan ang utak mo kanina Julia?! Naiwan sa inidoro!? Ugh!

Papunta ako ngaon sa university. Umuwi lang ako sa bahay namin at wala akong ni isang nadatnan. Nasaan sila?

Hindi parin ba nagigising si nanay? Oo nga pala hindi ko pa siya nabibisita, medyo nagiging busy din ako dahil nga sa pakermaster ko na magulo ang utak. Baka sa weekend ko nalang bibisitahin si mama. Kahit papaano ay busy din ako sa pag aasikaso nang ibang requirements na kailangan dahil transferee kami. May mga assignments din kami at early projects.

Naligo na ako, kumain nag ayos ng bahay at pumasok sa university. Medyo maaga pa kasi cancelled yung morning classes namin dahil nagkaproblema doon sa ginagawang building at nadamay ang building namin. Walang extra rooms at hindi pwedeng abalahin ang klase nang iba kaya sinuspend nalang.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng P.E uniform ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang isang natatarantang babae.

"Bruha!" Sabi niya habang tarantang tumingin sa akin. Dali dali kong hinablot yung pinakamalapit na bagay na pwedeng ipangtakip sa katawan ko.

"Ano ba yan bruha! Nagbibihis ang tao eh!" Angil ko. Nakakaloka! 

"Sorry naman diba, pero bilisan mo na jan! Aba! Yung boyfriend mo may kaaway nanaman!" Aniya. Napa-huh naman ako ng slight.

 "Boyfriend? Ako, may boyfriend?"

"Hindi ako? Nasan utak mo ngayon?!"

Boyfriend?


Si PakerMaster?

Frisa's POV

Earlier

Magkasama kami ngayon ni Sehun.

Wala lang nakita ko kasi siya kanina sa may shop ng bubble tea kanina nung naglalakad lakad ako kasi pumasok ako kaninang umaga, eh nabalitaan kong cancelled daw dahil sa meeting ng teachers and staffs tungkol don sa damage nang building kaya napagdesisyunan kong mag stay na lang sa university. Wala namang magawa sa bahay eh.

Nung mapadaan ako sa isang shop ng bubble tea nag-crave ako bigla nun kaya ayun nung nakita ko siyang nakapila sa counter kinawayan niya ako tapos sabi niya sabay na daw kami, mahilig din nga kasi ako dun. Sarap kaya!

"Mahilig ka rin pala tha bubble tea noh? Ang laki ng inorder mo eh." Sabi niya habang mahinang tumatawa. In-order ko kasi yung pinakamalaki. Sabi sa inyo eh mahilig ako dito.

"Oo super! Parehas kami ng papa ko."

Maya maya habang naglalakad kaming pabalik ng university gate ay may nakita kaming mga taong nakapalibot. Nagkatinginan kami at tumakbo para makigulo dun. Ganun naman talaga ang buhay.

"U-uh excuse po! Excuse!" Sigaw ko. Ganyan naman talaga kapag gusto mong maki-chismis. Mga 10 years later ay nakasiksik na rin kami sa wakas hanggang sa may pinakaharapan.

At nanlaki ang mata ko sa nakikita ko...

"Woooh! Go Kris!"

"Wala weak pala kayo eh!"

"Go fafa Kris! Kaya mo yan!"

"Suntukan! Yan sige, bangasan mo pa!"

"Go Kris, go Kris, go go, go Kris!"

Sunod sunod na cheer na ang narinig ko. Nag iinit ang ulo ko! May girlfriend na yan oh! Wala lang dito!

Nandito si Kris at may 5 mga lalaking nakahiga sa sahig at 2 lalaking kasalukuyan niyang sinusuntok o mas tamang gamitin ang term na binubugbog. Napapanganga na lang ako sa nakikita ko. Hindi ako sanay sa ganito.

Tumingin ako kay Sehun ng nakakunot ang noo pero imbis na maintindihan niya ang pinapahiwatig ko ay niyakap niya ako, at nakaharap ako ngayon sa dibdib niya. "Ayokong nakakakita ka ng mga ganito." Sabi niya sabay naramdaman ko na unti unti kaming naalis dun.

Unang una nashock ako dahil diretso ang letter S niya. Hala! Pangalawa, sige, kinikilig ako. Duh! Girly kasi ako, pero hindi ako malandi. Girly lang talaga.

Nung naramdam kong wala nang gaanong tao ay nagtataka akong tumingala sakanya at napakunot ang noo ko. Bakit di pa siya bumibitiw?

"Uhm... S-sehun?" Sabi ko. Bigla naman siyang natauhan at tinanggal yung yakap niya.

"Oh? Mian..."

(Mian - Sorry)

"'Di, okay lang."

"Nga pala, yung kanina. Wag ka nang magtaka dun, normal lang mangyari yun dito."

Normal?

"Paanong naging normal ang pagbubugbugan?"

"What you all knew was we're gangsters right? But we're not. We're just ordinary students here. Ang pagkakaiba lang ay lapitin kami ng gulo. Kaya akala nila gangster kami kasi palagi kaming may kaaway at nagkataong palagi kaming nananalo sa away." Sabi niya. Medyo nagulat pa ako kasi maayos talaga yung 'S' niya.

Tumango nalang ako bilang sagot. Hindi naman pala eh. Pero kasi yung porma nila plus the gulo thingy, mukha nga silang gang.

Naalala ko naman bigla si Julia. Yung boyfriend niya pala! Kailangan niya itong pigilan sa pakikipagbugbugan!

Dali dali akong tumakbo para hanapin siya, hindi na nga ako nakapag paalam kay Sehun. At natagpuan ko nga si Julia sa na nagbibihis.

Pinagmadali ko si Julia at nang matapos siya ay hinila ko agad siya palabas sa may away kanina. Pero imbis na nagbabakbakan na Kris ang makita namin ay mga kalaban na lang niya na nakahiga dun ang nandun.

"A-anong nangyare?" Gulat na gulat na tanong niya.

Sino ba namang hindi ma shoshock kapag may nakita kang 7 taong nakahiga sa sahig na puno ng pasa ang mukha at halos hindi na magmukhang tao sa sobrang bugbog diba? Kahit na nakakapanood ako nang movies na action ay never in my life pa din akong nakasaksi nang ganito sa totoong buhay.

"'Yan, kanina nakita ko yung boyfriend mong nakikipagbugbugan dito." Tinignan niya ako ng mukhang nagulat at... nag aalala. "I think he need you right now. Baka kasi mapakalma mo pa siya." I said as she looked confused.

Finally after few seconds nagsalita na din siya. "U-uhm a-aali-" Hindi pa siya tapos ay pinutol ko na ang dapat sasabihin niya.

"Puntahan mo na." Nagmamadali siyang tumakbo papalayo sa akin.


Pag-ibig nga naman.


~~AgentBlue143

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon