Chapter 70

55.5K 846 65
                                    

(Edited)


"Confirmed that EXO will be performing their first solo concert without Kris"

Me:Shit, shit shit shit shit.

--

Julia's POV

Ang sakit ng ulo ko putcha! Pagkadilat ko ay... teka. N-nasa van ako?

Alam ko na! Ito yung part nang isang movie na may mangki-kidnap sa bida dahil sa angkin niyang kagandahan!

"Kidnap! Tulong! Kidnap!" Sigaw ko at napalingon naman ako sa paligid.

"Manahimik ka!" Sabi nang kidnapper na medyo... pamilyar ang boses.

"Paano akong hindi mag-papanic eh nakidnap na nga ako! Anong gagawin ko? Tatawa hanggang sa mairita kayo tapos pakawalan niyo ako?! Wala akong perang dala at walang mag-raransom sa akin kaya pakawalan niyo na ako please!"

"Hindi namin kailangan nang pera mo!"

"Eh ano? Ah... ano may chupachups ako sa bulsa ko! Teka... n-nasaan ang buls- Bakit ganito ang suot ko mga manyakers kayo!"

"Manahimik ka nga sabi!"

"Ayoko nga! Manigas ka jan!" Sabi ko at akmang bubuksan ang pinto nang van nang pigilan nila ako.

"Wag putcha!" Sigaw nilang nang sabay sabay tapos natanggal ko naman ang bonet nang isa sa kanila.


"S-Sehun!?" 

Napairap siya sa akin at binatukan yung mga kasama niya. Anakng! Anong kalokohan nanaman ito?!

"Ang hirap mo namang patahimikin ate eh." Angil niya.

"Ano bang kalokohan to hah?!" Naiinis na sabi ko. Kinabahan talaga ako. Akala ko ending na nang buhay ko.

"Hoy! Tanggalin niyo na nga mga bonet niyo! Nahuli na tayo eh! Mga puthpa kayo!" Sabi niya at sabay sabay silang natanggal. Sina Kai, Tao, Sehun, at.... Kyungsoo?

"Inosente ako Julia, napasama lang ako, ang sabi kasi ni Kai sa kusina niya ako dadalhin." Sabi ni Kyungsoo at napailing naman ako.

"Saan niyo ba kasi ako dadalhin? Teka...si Krisca! Saang lupalop nang Pilipinas niyo dinala ang anak ko!" Nagpa-panic na tanong ko. Baka nawala na siya? Magagalit ang daddy niya! Magagalit si master!

"Teka! Anong anak?! Paanon-" Hindi ko siya pinatapos at sinabunutan ko siya. "Yung anak ko! Iilang oras palang kaming magkasama niwala niyo na siya?!"

"A-anak?" Sabay sabay nilang tanong at napa-pitik sa hangin si Tao. "Yung aso?!" Tanong niya at tumango naman ako. Binigay naman nila sa akin si Krisca na galing sa likod. Buti nalang hindi nila ginawang pulutan or ano! Kung hindi, iluluto ko din sila!

"Krisca kamusta na baby? May masakit ba sayo?" Parang ewang tanong ko sa aso.

"Arf arf!"

"Sinaktan ka nila? Oh sasaktan ko din sila ah?" Sabi ko sa aso at hinampas ko sila, isa isa. Opo, naabot ko sila. Magaling ako eh.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon