Chapter 51

72.1K 1K 40
                                    

Edited

~

Julia's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng blue magic. Wala lang, habang hinihila ko kasi siya kanina... may nahagilap akong napakacute na stufftoy.

"Baby, anong meron next week?" Tanong niya sa akin. Pinanindigan talaga niya yang pagtatagalog ah? Lalo siyang nagiging attractive eh.

"Ahm, second quarter na? Tapos na ang exam? Ah! Bakasyon na!" Panghuhula ko. Sa amin kasi ay hanggang secondquarter lang. Kumbaga para siyang semester. Kakatapos lang nang first quarter at last quarter na ang second. Ngayon ko lang naalala na malapit na din pala ang bakasyon namin.

Exam na kasi bukas. Yung kanina ay quiz lang pero parang exam din kaya review quiz ang tawag. Tatlong araw lang naman ang exam at next week ay... second quarter na? Tama naman ako eh diba?

"Bakit?" Tanong ko. Napangisi naman siya.

"Wala." Sabi niya sabay ginulo yung buhok ko.

Bakit ba ang hilig nilang manggulo ng buhok?

Bigla akong napatakbo dun sa part na puro aso. Mukha siyang Siberian husky at ang cute cute niya!

"You want that baby?" Tanong ng malalim na boses. Medyo napatalon ako ng konti, magugulatin na ba talaga ako? Kasi naman pasulpot sulpot siya!

"A-ah? Di na! Ang mahal eh! Tara!" Sabi ko sabay hila nanaman sakanya palabas ng shop. Ang mamahal dun!

May nakita kaming 5D na parang sine. Basta maliit lang siya. Hindi ko alam ang tawag eh. "Pasok tayo don master. Panoodin natin yung Evil Dead." Yaya ko at di naman siya pumalag.

"Why do I like it when you call me master? But I love it when you call me baby? I can't choose." Sabi niya at napangiti nalang ako.

Pumasok naman na kami sa loob and... it's a blast! Ang ganda! Ang galing.

Hindi naman kami natakot parehas dahil mahilig ako sa ganoong genre nang movies. Mukhang hindi naman nabored o natakot si master kasi ganon din ata siya.

Pagkalabas naman ay inilabas niya ang phone niya. "Hey baby, let's take a remembrance." Sabi niya at tumango naman ako.

Tumabi ako sakaniya at ngumiti sa camera. Nakakahiya kasi may mga tumitingin tingin sa amin na nagse-selfie pero okay lang. Ikaw ba naman makakita nang nagse-selfie na couple sa mall, di ba mapapatitig at mapapasabi ka din nang "ew, PDA". Pero mukhang walang oras si master para pakielam ang iba.

I was about to push the capture button when he forcely held my jaw and... kissed me. I was stunned when I heard a sound and there, I found him smiling alone while looking at the phone.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong mas dumami ang tumitingin sa amin. Napatakip nalang ako sa mukha ko. Ugh, nakakahiya.

"Nakakahiya naman eh." Bulong ko at nakita kong mapalingon si master.

"What? I'm just a proud boyfriend baby. Anything bad being one?" Inosenteng tanong niya at napailing nalang ako.

"Ang sweet ni kuya."

"Proud boyfriend daw eh, taken na. Sayang."

"Ang sweet nila. Mga nasa 200 volts ang sparks. Hihihi."

Napapangiti nalang ako sa narinig ko. Hinila ko na ang kamay ni master at umalis sa bandang iyon.

**

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon