Chapter 42

76K 1K 51
                                    

(Edited)

Julia's POV

Una sa lahat, hindi nga ako nakatulog!

Nagliligpit na kami ng bagahe namin. Nakakapanghinayang lang kasi biglang nagka emergency raw kasi si master tungkol do'n sa factory na minamanage niya. Nabanas sakanya yung mga kaibigan niya pati si Yoona at Minmin. In short, nabanas sakaniya lahat imbis sa amin ni Frisa. Masaya naman na ako na nakarating ako dito, Masaya din ako dahil nagkalinawan na kami ni master. Medyo nanghihinayang lang, kasi diba? Sayang yung binayad ni Suho sa pagrent ng room sa hotel. Bago ka kasi magacheck in dapat babayaran mo na kung ilang days ka dun. Kaya ayun, nanghihinayang ako sa binayad niya.

Nung nasa airport kami ay nagulat ako ng hawakan ni master ang kamay ko at isinuksok sa jacket na suot niya.

"Such many eyes looking at you baby. I want to pull all of those and burn it." Sabi niya at napatawa nalang ako ng mahina. Ang cute cute niya talaga.

Sa byahe lang ako nakatulog. Medyo nangalay pa nga ako kase yung ulo ko nilagay niya sa balikat niya, pinatungan niya pa ng ulo niya.

Nung nagising na ako at nakita kong pinaglalaruan niya ang kamay ko.

'Natatanging puso, nawala nalang bigla." Kanta niya at napatawa naman ako. Gagayahin niya ba si Xian Lim? Kaso kaniya puso? Hindi daliri?

"Hinanap ko, hinanap ko hawak mo na pala."

(Tone: Sampung mga Daliri)

May magdodonate na ba nang ovaries? Please?

"Nagtatagalog ka naman pala eh." Sabi ko at siniksik niya nanaman ang mukha niya sa leeg ko.

"I do. But I'll practice more so I can satisfy you baby." Tanging sabi niya at gusto kong ihampas sakaniya ovaries ko.


Sobrang saya ko, may kapalit kaya ito?

**

Nandito na kami sa Manila. Namiss ko yung pollution dito! Medyo fresh air kasi sa boracay eh!

Dumiretso kami sa bahay nina master, pero pagkatapos mag ayos ng gamit heto nanaman, pinipilit ako ni Yoona na mag mall.

"Please Julia! Please Frisa! I beg you two." Pagyayaya ni Yoona sa amin.

"Hindi ba kayo napagod sa byahe?" Napapagod na tanong ko.

"Parang awa niyo na." Lalo pa silang nagpacute nila Minmin. Ugh, paano kami hi-hindi kung nakuha pa nilang magtagalog?

~

"What do you want to do first?" Tanong ni Minmin sa amin.

"Matulog." Sabi ko. Medyo close na din kami.

"Eh! Julia naman eh! Let's go shopping!" She said and pulled my arm.

Habang nagsusukat sukat sila at nagsabi naman si Frisa na naji-jingle daw siya kaya sinamahan ko na lang siya, nagpaalam naman kami sakanila. Kanina ko pa nga napapnsin ang pagtingin tingin niya sa cellphone niya. Para siyang namomroblema na ewan. 


Anonymous' POV

*Phone rings*

Kinakabahan ako na tinignan yung screen ng cellphone ko, hindi ko alam kung bakit. Pagkatingin ko dito ay unregistered number. Sino naman to?

"Hello?"

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon