Chapter 46

75.2K 1K 64
                                    

(Edited)

Julia's POV

"Ay fudge! Aw." Naiinis na singhal ko sabay himas sa pwet. Nahulog lang naman po ako sa kama. Yun lang naman. Tumayo na ako at umupo ulit sa kama. Ang sakit! Bakit ba lagi nalang akong nahuhulog?

Nandito ako sa bahay ni mama eh. Sabi ko kay master na kung pwedeng dito muna ako kahit ngayon lang. Sabi niya naman, oo. Ang dami pa ngang sermon kagabi sa phone.

Naligo na ako at ginawa ang morning rituals ko.

Tapos na ako't lahat lahat ng mamalayan kong... naiwan ko pala sa labas yung damit ko. Kaya nagtwalya muna ako. Biglang may narinig akong nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Lumabas na ako since wala namang malisya yan kapag sina Tan at kuya eh.

Lumabas ako ng nagtutoothbrush parin. Puro bula kasi yung bibig ko. Kailangan ko na ding magmadali dahil may hihiramin pa akong libro sa library sa university bago mag-class.

"Kyshjhskhjskh- "

(Translation: Anong kailangan m-)

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa sobrang gulat halos malunok ko pa nga yung mga bula ng toothpaste sa bibig ko.

"WAAAH! Hanong ginagawash mo shito!?"

(Translation: Anong ginagawa mo dito?!)

Kita ko ang gulat sa mukha niya at agad naman siyang napatalikod

"G-get dress! God Jess! You're such a big temptation!"

Napatunganga pa ako saglit pero agad ko namang kinuha yung damit ko at bumalik sa banyo. Napasandal pa ako sa pinto pagkatapos. Shocks! Nakita niya akong nakatwalya lang! Nakakahiya! Gustong gusto ko mag-walling kaso wala na akong time kaya nagbihis ako agad.

Lumabas na ako. Nakita ko pa siyang nakaupo at nakadekwatro pa sa kama ko. At halos matawa na ako sa suot niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Uhm, waiting for my girlfriend?" Sagot niya at napa facepalm naman ako sa utak ko. Ang tino tino niyang sumagot.

"I mean bakit ang aga aga nandito ka? Diba dapat nasa school ka na?" Tanong ko ulit. Hindi ko tuloy napigilang mapairap. Nakakainis eh!

"You're so cute when you're rolling your eyes at me. Hahaha, I'm here to pick you up baby." Nakangiting sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. Nilapit ako sakanya at... yan nanaman siya.

"Bakit ka naka-pink?" Tanong ko at ramdam ko ang mabigat na paghinga niya sa leeg ko.

"Because of someone answered that she didn't love me too." He answered. Napatawa naman ako.

Nagtext siya kahapon at halos ibato ko na ang cellphone ko at ipakita sa lahat ang text niya sa kilig. Mukha pa akong tanga na inaasar nila kuya kasi pangiti ngiti ako habang mag isang nakaupo sa kotse.

"Come, I brought breakfast. Let's eat."

Bumaba na kami. Pwede namang hindi nalang siya bumili. Magluluto naman si mama. Ang gastos talaga niya.

"Oh! Ang tagal niyo sa taas ah! Anong ginawa niyo?"Tanong ni Tan sabay nagtaas baba ng kilay. Nabatukan tuloy siya ni kuya. Kung ano ano kasing pinag iisip! Hahaha yan tuloy!

"Aray ah!"

"Manahimik ka na nga. Ang ingay mo. Kung ano ano pa iniisip mong bwisit ka. Patid kumain ka na." Aya sa akin ni kuya. Napansin ko namang tahimik si Jay.

"Jay? May problema?" Tanong ko sakaniya. Napalingon sakanya lahat. "Pansin kong malungkot ka?" Dagdag ko.

"Wala ate. Iniisip ko lang yung iniisip ni kuya Tan kanina." Aniya at binatukan naman din siya ni kuya Blue. "Mga abnormal." 

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon