Chapter 74

47K 852 90
                                    

(Edited)

Julia's POV

Dahil sa sinabi ni tita Zharm ay nagpanic silang lahat at dito nga kami nag-landing sa may clinic nila. I took some tests about... pregnancy and I am so, so nervous.

Hawak hawak niya yung kamay ko. Ang higpit nga nang hawak niya eh. Parang hindi na dinadaluyan ng dugo yung kamay ko.

"B-bakit parang mas kabado ka pa sa akin?" Tanong ko. Ang higpit kasi nang hawak eh. "Siyempre. Mahal kita eh." Biglang sabi niya. Ano ba yan!

"Wala namang connect yun eh!" Angil ko at tinitigan naman niya ako. "Ayaw mo?" He asked and I immediately shook my head. "Mahal nga din kita eh." Tanging nasabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti naman siya tapos hinalikan ako sa noo. Maya maya lang biglang lumabas na si tita Zharm sa loob ng office niya. Pero hindi siya nakangiti.

I knew it.

Sabi ko naman sayo Julia! Wag ka nang mag-expect. I thought I really am pregnant dahil nagsusuka ako sa umaga but that might be just some symptoms sa sakit ko. Nahihilo ako which is also a symptom sa sakit ko. I just exp- "Congratulations to you two! You will have a baby soon. And Julia, you're 2 weeks pregnant!" Masayang sabi niya.

Sabi ko na-hah?

Nagulat ako nang magtatatalon si master sa harap ko. T-totoo?

I looked at him, he was so happy. Kung normal na couple, baka magalit pa siya. He's just 20 and he still hasn't finished studying, tapos ako... ni hindi ko natapos ang senior high school dahil sa sakit ko. Tapos we'll have a baby.

I can't say that I'm sad, well I'm confused but am happy.

Now I'm not alone. I have this child with me. We'll fight this battle together no matter what.

(Sa kotse)

Bago kami umalis ay pinayuhan muna kami ni tita Zharm nang mga Do's and Don't's. Ni-record pa nga ni master lahat iyon eh. Mukhang masaya talaga siya.

"Sobrang saya mo ba?" I asked.

"Oo naman! I'm so happy! Thank you very much baby. I will really really study and work hard for us." Tuwang tuwang sabi niya at hinalikan pa ang likod nang palad ko.

"M-master... tsaka na ako magpapa-opera. Kapag tapos na akong manganak." Sabi ko. Sinabi na din sa amin ni tita Zharm na komplikado ang pagbubuntis ko, dahil sa sakit ko. Pwede daw akong mahilo anytime at matumba, yung pagsusuka ko din ay delikado din.

Sabi nga ni tita Zharm, it'll be a miracle if we both survive.

Pero hindi ko hahayaang mapanghinaan ako nang loob dahil lamang sa 'sabi' na iyon. No one knows, only He knows.

(Sa Bahay)

"Walanghiy* kang gunggong ka! Magkaka anak ka nang baba ka! Nakakaloka!" Salubong sakaniya ni tita Kath at hinampas hampas pa ang balikat ni master. Si master naman ay wala nang ibang ginawa kundi ang ngumiti.

"Hon naman, bawas bawasan mo naman yung bad words mo. Baka mamana nung apo natin." Sabi naman ni tito Daniel. "Pero grabe ka nak, gaya gaya ka naman masyado. Porket medyo maaga kayo inilabas, hay nako..." Tatawa tawang sabi niya at napatawa naman kami.

Sinalubong ako nang yakap ni mama. "Ma..." Wala, ang dami daming pumapasok sa utak ko kanina sa kotse pero bigla nalang nawala lahat nang maharap ko na si mama.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon