Chapter 21

841 12 0
                                    

‘Di ko alam kung bakit, pero kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko ngayon.

Naalala ko nung unang naging “kami”. Na halos nakayakap siya sakin nun sa harap ng maraming tao. At talagang seryosong-seryoso pa niyang sinabi na girlfriend niya ako.

Tapos bigla kong naalala nung sinabi niyang gusto niyang totoong maging kami. Talagang todo handa pa siya nun. Picnic sa loob ng school.

At ako naman ang naparanoid kasi kala ko makikipag-“break” na siya sakin nun. Tapos nung bigla niya akong hinalikan sa sobrang kadaldalan ko.

>/////<

Tapos yung mga jamming naming buong banda. Na sa mga kanta na kami nag-uusap.

At yung araw na nag-intermission kaming magkasama. At niyaya niya ako sa prom.

At yung prom.

Grabe ang gabing ‘yun.

‘Di ko makakalimutan.

Dahil hanggang ngayon, ramdam ko parin yung pagmamahal nung gabing yun.

>///////<

Kinikilig na naman ako eh.

Kahit wala siya, pinapakilig niya ako eh. Aish.

Buti nalang nasa banyo ako. Walang makakapansin na sobrang namumula na akong parang sili.

Pero ewan ko ba. Bigla kong namiss ng sobra-sobra si Josiah.

Kaya pagkatapos kong maligo, dumerecho agad ako para icheck kung online si Josiah bago manlang kami lumabas ng bahay.

Pero wala eh. Kaya nag-message nalang ako. Pangatlong message ko na ‘to. Isang linggo na din kasi kami dito.

Uyyy. Kamusta ka na diyan? Namimiss na talaga kita.

Wala pa siyang reply sakin. Isang linggo na.

Hanggang ngayon, wala pa.

At grabe, sobrang namimiss ko na siya.

Miss na miss ko na ang gitarista ko.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon