Chapter 7

1.5K 36 0
                                    

“VIAN! Gumising ka na!” halos isigaw ni kuya Terrence sa tenga ko.

Aish. Istorbo. -__-

Nakabihis na pala siya. Pero ‘di ko siya pinansin. Nagtalukbong ako sa ilalim ng kumot.

“Ayokong pumasok,” sabi ko.

“Ano? Ano na naman bang trip yan? Dali na. Tumayo ko na diyan at maligo,” sabi niya sabay tanggal nung kumot.

Kainis talaga ‘to. ‘Di na nga ako papasok at baka sakaling humaba pa buhay ko eh. -___-

Umupo ako at sumigaw, “HAHAYAAN MO BA AKONG MAMATAY?!”

“Ano na naman bang pinagsasabi mo?”

At dahil diyan, kinuwento ko sakanya lahat.

“Sobra ka. Tumayo ka na diyan. Baka pati ako ma-late dahil sayo eh,” sabi niya sabay labas ng kwarto.

WAAAAAAAH! Nakakaasar ka kuya! SAGAD! ヽ(●-'Д´-)ノ

Kung ‘di man ako patayin ni Amber, siguradong public humiliation ang abot ko. Yung tipong mas gugugstuhin ko nalang mamatay.

Huwaaaaa. (/□\*)

Pero tumayo na din ako matapos ang ilang minuto.

Sabi kasi ni kuya siya mismo ang papatay sakin ‘pag ‘di pa ako tumayo.

Ang bait niyang kapatid. -__-

Maya-maya, hinatid na ako ni kuya sa school. Habang papalapit na kami, hindi ko maitago ang takot ko.

“Kuya, iligtas mo ako. Please. Ibaba mo na ako dito. Ok na ko dito,” paulit-ulit kong sinabi.

Para akong baliw dun sa sasakyan. Siguro nga mababaliw na ako.

Maya-maya ay huminto din si kuya sa harap ng school.

Wala siyang pakisama. Grabe. -__-

“Oh, eto na. Enjoy public humiliation,” sabi pa niya. Tsss. Nakuha pang mangutya.

Nagmadali ako sa pagpasok. Mission Impossible ‘to!

Pero nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong walang nag-aabang sakin sa labas ng classroom.

Agad akong umupo sa tabi ng taong dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ko. Kung bakit pa kasi nagustuhan ‘to ni Amber eh.

Ish. -__-

Hooh. Lunch time na! Buhay pa ako! YEAH! \(^▽^)/

T-Teka.

Si Amber ba yun?

 ヽ(゜ロ゜;)ノ

TAKBO NAAAAAA!

Patakbo na sana ako. Kaya lang, nakita pala ako.

“Hoy babae!” sumigaw siya.

⊙﹏⊙

Tumigil naman ako. Alam ko, ‘di dapat ako tumigil. Pero, nakakatakot kaya!

Siguradong mahahabol din ako nun. Dami niyang pwedeng utusan para habulin ako. At ‘pag nahuli ako... nako.

Lumingon ako. Dumarami na ang mga nanonood. At nandun na si Amber sa harap ko.

“Hoy! Ang kapal naman ng mukha mong landiin si Josiah! Sino ka ba ha?! Hindi mo ba alam? AKIN LANG SIYA!” sigaw ni Amber na galit na galit. Bumwelta na siya para sampalin ako.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon