Chapter 24

937 12 3
                                    

Helloooo. Hahaha. Grabe. Nakakatuwa na may nagbasa din kahit papano ng update ko. Hahaha. Sorry ha, ganun ang naging update ko. Todo emote. Hahaha.

Anyway, may mga nagbabasa ba diyan na galing sa isang story ko? Hahaha. Paramdam naman kayo! Hihi.

Well, TENKYUUU SA INYO! Ikaw, kung nababasa mo 'to, TENKYUUU! Labyu guys. God bless! :)

-------------------------------------

Anong... anong nangyari?

Natulala lang ako.

“HOY BABAE! Anong nangyari?! Bakit ganun?! Ba’t dumaan lang siya? Bakit ‘di ka niya pinansin?!” narinig kong sunud-sunod na tanong ni Belle.

“Nag-away ba kayo? Diba kayo parin? Bakit ganun? May nangyari ba? Ha? Ano?!” tanong din naman ni Shia.

“Hindi ko... alam.”

Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.

Nakita niya naman ako diba? Nandun lang ako sa harap niya, pero bakit hindi niya ako pinansin?

Baka nagmamadali lang siya. Oo, tama. Baka nga.

“T-tara na. Kain na tayo,” sabi ko nang makalimutan nila ang nangyari. Ayokong mag-isip sila ng kung ano, eh ako mismo hindi ko alam ang nangyayari.

Sa canteen ay nakasama na namin ang barkada ni Josiah. Sina Patrick, Edrey at Robbie. Syempre, tuwang-tuwa na naman ang tropa ko dahil nakasama na naman nila ang mga boyfriend nila.

Pero nagtataka talaga ako kay Josiah. “Uh, Patrick... Si...”

“Josiah?” Alam naman pala niya. “May gagawin daw eh. ‘Di pa kayo nagkikita?”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung masasabi ko bang pagkikita yung kanina, eh hindi niya naman ako pinansin. Hindi rin naman ako sigurado kung nakita niya ba talaga ako o hindi.

“Ah ganun ba,” sabi ko nalang.

Matapos nun ay hinayaan ko na sila at nanahimik nalang ako.

Hindi kasi mawala-wala sa isip ko yung pangyayari kanina. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari eh.

Ito lang ang alam ko: kinakabahan ako. Natatakot ako sa pwedeng maging sagot sa mga tanong ko. Pero alam ko rin na hindi ko hahayaang matapos ang araw na ‘to na ganun lang ang nangyari.

***

ANG TAGAL NAMAN NG UWIAN. Wala din namang ginagawa eh. -__- Kailangan ko nang makalabas sa kwartong ‘to.

Kailangan kong makita si Josiah... ulit.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

SA WAKAS.

Siniguro kong nakalabas na si ma’am bago ako lumabas ng classroom. Ayoko nang maulit yung kanina. -__-

Paglabas ko, tumakbo na ako agad at hinanap si Josiah.

Kailangan ko na siyang makita. Hinding-hindi ako uuwi hangga’t di ko siya nakakausap. Kailangan kong ipakita sakanya na namiss ko siya.

Aish. Asan na naman ba kasi yun?!

O_O

Ayun. Ayun na siya.

Sa wakas nakita ko ulit siya.

Naglalakad siya kasama ang Maharlika. Nahuhuli siya sa paglalakad. Ang mga kasama niya ay nagkukwentuhan, pero siya ay tahimik lang at walang imik.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon