Chapter 1

4K 52 9
                                    

“Let’s all welcome... MAHARLIKA!”

Sigawan ang lahat ng tao.

Napakaingay.

Aakalain mong nasa isang concert ako ng kung anong sikat na banda sa sobrang pagwawala ng mga tao. Maski sina Shia at Belle na best friends ko, halos magwala na din.

Ang totoo, nandito lang kami sa school. Nasa loob ng auditorium, for a first day of school welcome party.

Ewan ko ba kung anong sumanib sa administration ng school ngayong taon at naisipan nilang magpa-welcome party. Pero kung sabagay, mas ok na ‘to kaysa lesson agad. -__-

“To the freshmen, welcome to The Masters’ Academy,” sabi ng lead vocalist ng Maharlika. Si Patrick. “To the rest, WELCOME BACK! Let’s rock this place!”

At ayun. Tumugtog na sila. Awit ng Kabataan ng Rivermaya.

At syempre, sigawan na naman ang lahat.

Maingay. -__-

Tahimik kong pinanood ang Maharlika; ang nag-iisa at pinakasikat na banda dito sa TMA. Lahat ng estudyante, kilala sila. Syempre, kasama na ako dun.

Alam na alam ko din kung bakit sobrang sikat ang Maharlika dito sa TMA, at kung bakit lahat ng babae dito sa auditorium ay nagwawala.

Dahil ang Maharlika ay isang grupo ng mga napakagwapong musikero.

Tch.

Aaminin ko, naging crush ko din sila noon. Nung una akong pumasok dito.

Eh kasi sobrang gagaling nga naman talaga nilang mga musikero. Magaling talaga sila. At bukod dun, sobrang gagwapo pa!

San ka pa?!

Pero matapos ang ilang linggo, wala na akong pakialam sakanila. Eh sa dami ba naman ng mga babaeng nagkakagusto sa mga yun, makikisiksik pa ako?

“On the guitar, Josiah Vargas!” pagpapakilala ni Patrick sa mga kabanda niya habang nasa instrumental ang kanta. “On the bass, Robbie Gonzales! On the drums, Edrey Pascua! And of course, yours truly on vocals.”

Sa totoo lang. Typical boyband sila.

May isang sobrang bait na mahilig magpa-cute, may isang may pagkamang-mang at childish, may isang medyo mature, at isang silent type.

Pero hanga talaga ako sakanila. At gustong-gusto kong pinapanood sila kasi hanga ako sa confidence ni Patrick na magperform sa stage.

Sakin kasi, hanggang pangarap nalang ang ganyan.

***

“Haaaayy! Ang gagaling talaga ng Maharlika! (人´'* sabi ni Belle pagkatapos ng welcome party.

Papunta na kami ngayon sa mga classrooms namin para sa final orientation and stuff like that. Nakakaasar nga lang, kasi ‘di ko kaklase ‘tong dalawang maiingay na ‘to.

“Ang gwapo paaa! () dagdag pa ni Shia.

Tch. Hanggang ngayon crush parin yung bassist at drummer. Sina Robbie at Edrey. -__-

“Magsitigil nga kayo. Tignan niyo, hugis puso na ‘yang mga mata niyo.” Tumigil ako sa tapat ng classroom ko. “Tss. Sige, una na ko. Kita nalang tayo mayang uwian.”

“BABAY!” sabay nilang sabi at tumakbo paalis.

Tch. Pumasok nalang ako sa classroom at pumunta sa pinakadulong upuan sa likod.

Nakakaasar talaga. -__-

Ayoko talaga sa lugar na ‘to. Itong lugar na may mga classrooms at mga taong tinatawag na “teachers”. Ayoko dito.

Kailangan ko ng six-month vacation, twice a year.

“Good morning, class,” biglang entrada ni sir. “Hmm... sino pang wala?”

Ser naman, first day palang eh. Tingin mo ba alam na namin kung sinong wala? Tss.

Unti-unti ko nang pinag-iisipan kung worth it ba ang tuition ko dito. -__-

“Good morning, sir. Sorry I’m late.”

Lahat kami napatingin sa pinto. Pati ako syempre napatingin. Nakita kong pumasok ang isang gwapong lalake.

Ang gitarista ng Maharlika, to be exact.

Si Josiah Vargas.

Medyo nanlaki ang mga mata ko. First time ko atang magkaroon ng kaklase na Maharlika.

“It’s ok. Mr. Vargas, you may sit beside Ms. Constantino,” narinig kong sabi ni sir.

Eh? Constantino? Apilyedo ko yun ah!

Ako nga pala si Vian Constantino. Nice to meet you.

K, back to the story.

O_O?

Nakaupo na si Josiah sa tabi ko.

...

...

Eh pake ko?!

Psh. Makikinig nalang muna ako kay sir. -__-

Orientation... blah blah blah... rules and regulations... blah blah blah...

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

YEEEEES! TIME NA!

“Announcement! May invitational Battle of the Bands na gaganapin two weeks from now. Puntahan niyo lang ako kung gusto niyong sumali,” pahabol ni sir bago kami tuluyang lumabas ng kwarto.

Battle of the Bands?

Hmmm...

Go Maharlika. Ichi-cheer ko kayo.

Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako nina Belle at Shia. Tapos nakita nila si Josiah na lumabas din ng kwarto.

Agad nilang sinundan ng tingin yung inosenteng tao. Hayy. Para na naman silang creepy stalkers.  -__-

*PAK*

*PAK*

Binatukan ko sila.

“ARAY!” sigaw nilang dalawa.

“Nandito ako oh! Ako ang pinunta niyo diba? Tch. Kung saan saan napupunta yang mga mata niyo,” sabi ko.

“Sakit. (>.<)” reklamo ni Shia.

“Uy, nag-announce ba sa inyo yung adviser niyo?” biglang tanong ni Belle. Bilis maka-change topic ahh. “Yung sa Battle of the Bands?”

“Oo. Oh, bakit yun?”

Wag mong sabihing--

“SALI TAYO!”

(-__-)

Sabi na eh.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon