Chapter 6

1.4K 28 4
                                    

Buong araw akong pinapansin ng mga taong ‘di ko kilala. Anong magagawa ko? Sikat na eh.

Bwahahahahaha. Ano pa? Tanggapin ko nalang. Totoo naman eh, diba? <( ̄︶ ̄)>

Masaya din pala no? Feeling mo, close ka sa lahat. Ganun din kaya nararamdaman ni Josiah?

At speaking of Josiah! Marami palang nakakita saming sabay na naglalakad sa hallways.

Eh ang mga tao dito, grabe kung makagawa ng istorya. Kaya nung uwian, ginisa ako agad ng dalawang mahal kong kaibigan.

“VIAN! May kumakalat na chismis!” sabi ni Belle ng ubod ng lakas.

Teka nga, artista ba ko? Chismis agad?

Sikat na nga ata talaga ako ah. Chumichismis pa sila tungkol sakin. Hay. Ano na naman kayang istorya ang nagawa nila?

“May nagsasabing kayo na daw ni Josiah. May iba naman, nag-holding hands daw kayo. May nagsasabi namang nakita kayong naghahalikan. Ano ba yun, Vian?” halos pasigaw na tanong sakin ni Shia.

Buti nalang at nasa loob na kami ng kotse ni Belle. Wala nang nakarinig kundi kaming tatlo at si manong driver.

May naramdaman akong init sa katawan ko, tapos biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Parang mali kasi yung narinig ko eh.

Ano nga daw ulit yun?

Sinong naghahalikan? Ako at.... sino?!

(((( ;°Д°))))

“HA? Saan niyo naman nakuha ang chismis na yan?” tanong ko.

Pinipigilan ko lang sarili ko.

Pero ‘pag malaman ko kung sinong gumawa ng istoryang yun, babalatan ko siya ng buhay.

ヽ(o'皿′o)ノ

Pero seriously, nakakatakot ang imagination ng mga tao sa school. Out of this world talaga.

San naman nanggaling yung ‘naghahalikan’?!

Pweh! Kahindik-hindik ang pag-iisip ng mga tao!

Ewww! (>_<)

“Pinag-uusapan kanina sa classroom,” sabi ni Belle. “Nandun pa si Amber!”

NAKU PO.

PATAY NA KO. PATAY NA TALAGA KO.

Paalam na sa lahat ng mga kaibigan ko. Lalo na sa dalawang ‘to, na halos sintensyahan na ko ng kamatayan.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta sa banda namin, lalong lalo na sakin, kasi syempre ako yung mamamatay, diba?

WAAAAAAAHHH.  (╥_╥)

Anong klaseng buhay ba ‘to?! Siguradong patay na talaga ko.

Tulad ng nakasulat dun sa Red Card na binibigay ng F4 sa Meteor Garden...

I’ll be dead.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon