Chapter 27

819 10 0
                                    

“VIAN!” tawag sakin nina Shia at Belle pagdating ng uwian. “Ano, kamusta sa club niyo?”

“’Di parin ako pinapansin eh,” sagot ko. “Pero ayos lang. Lagi ko naman siyang makikita. (^__^)”

Nagtinginan ang dalawa.

 “Sigurado ka ba dito?” tanong ni Belle.

“Oo naman. Gusto ko lang naman bumalik yung kami eh,” sabi ko. “Bigla nalang kasi siyang nawala. Gusto kong malaman niya na kahit anong mangyari, nandito lang ako.”

“Tss. Okay, fine. ‘Di mo kailangang magdrama,” sabi ni Shia.

“Pupunta kami sa mall. Kasama sina Robbie at Charlie. Sama ka?” tanong naman ni Belle sakin.

Hmm. Kasama yung dalawa?

Well, wala din naman akong plano ngayon. At ok lang naman kung kasama yung mga boyfriend nila.

Baka malaman ko na din kung anong nangyari kay Josiah. Baka may alam sila.

“Oo, sige.”

------

“Oh! Vian, musta?” sabi ni Charlie nang makita niya ako finally. “Tagal nating ‘di nagkita ahh. (^__^)”

“’Tol, nakita natin si Vian kanina. (-__-)” basag ni Robbie. “Baka ang gusto mong sabihin, tagal na nating ‘di tumatambay na kasama siya.”

“Ahh! Oo! Yun, tama,” sabi naman ni Charlie.

Minsan talaga ‘di ko maintindihan ‘tong barkada ni Josiah.

Pumunta kami sa McDo para kumain.

Sa McDo kung saan una akong nilibre ni Josiah. Sa McDo kung saan una ko siyang nakasama.

Nakakabitter. -___-

“Ahh, Vian! Balita ko pareho kayo ng club ni Josiah ah,” sabi ni Robbie bigla. “Dun sa library diba?”

“Library? Library Club? Anong ginagawa niyo dun?” –Charlie

“’Tol nagdo-DOTA sila dun. (-__-) Manahimik ka na nga lang. Wala kang naitutulong sa lipunan!” –Robbie

Humarap naman sakin si Robbie.

“Ano? Anong balita? Ano nang nangyari?” tanong niya.

“’Di parin daw siya pinapansin eh,” sagot ni Shia sakanya.

Siya kasi yung tinatanong ehh! Grabe! -__-

But speaking of Josiah...

“R-Robbie... may alam ka ba kung anong nangyari kay Josiah?” tanong ko. “I mean, alam mo ba kung bakit bigla siyang nagkaganto?”

Kung bakit bigla nalang niyang hindi pinapansin ang girlfriend niya.

Grabe. Sakit. >.<

Nagtinginan yung dalawang asungot.

“A-Ahh... Ehh... ‘Di din kasi namin alam eh,” sabi ni Robbie.

At miraculously, biglang nagtino si Charlie.

“’Pag tinatanong kasi namin, ‘di sumasagot. Wala siyang naikukwento. Eh sanay naman kaming ganun siya. Kaya maski kami nagulat sa kung anong nangyari sa inyo eh,” sabi ni Charlie.

W-Wala siyang sinasabi? Ni naikwento manlang?

Wala din palang alam ang barkada niya.

Nakakaasar naman. >.<

“Pasensya na, Vian. Pero kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang,” sabi pa ni Charlie.

Whoa. Yung totoo? Si Charlie ‘to?

“Salamat. (^_^)” sabi ko. “S-Si... Josiah pala. Asan ngayon?” Wala lang. Nacurious lang ako.

“Ang alam ko nasa bahay lang yun eh,” sagot ni Robbie. “’Di na siya masyadong sumasama sa mga lakad namin eh.”

“H-ha? Bakit naman?”

“Ewan ko din,” sagot ni Charlie. “Ang dali na din niyang mainis. ‘Di na siya masyadong nakikitrip samin. Parang laging may problema.”

Parang laging may problema?

Hala! Ano kayang nangyari sakanya?

Hallaaa. Bakit kaya?

Mas lalong kailangan niyang malaman na nandito lang ako para sakanya. Mas lalo niyang kailangang malaman na handa akong tumulong sa problema niya.

“Dibale, ‘pag may malaman kami, sasabihin namin agad sayo.” –Robbie

Hayy. Sana may malaman na din kami.

“Salamat ha,” sabi ko. “Uh, teka. Order lang ako ng fries. ^_^”

Tumayo ako at pumunta sa counter. Kulang kasi yung inorder nilang fries eh. -__-

Nagutom ako sa  kwentuhan namin!

Aish. Haba pa ng pila! -__-

Tumabe kayong lahat! Oorder ang heartbroken!

“Vian?”

O_o?

Oh! Si ano! Si... Si... Sino na nga ulit?!

Ahh! Si Zac! Yung bagong student na katabi ko.

“Oh! ‘Sup bro?” bati ko sakanya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Pasyal lang. (^__^) Ikaw?” sagot niya. “Ate, limang coke float tapost tatlong large fries. Take out.”

Buti pa siya naka-order na. -___-

“Pasyal din. Bago pa dumating ang mga pasakit this school year,” sabi ko. “Sino palang kasama mo?”

Dami niyang binili ehh. Unless super takaw niya, malamang may kasama siya.

“Yung ibang nasa varsity,” sagot niya, tapos biglang ngumiti.

“Nakapasok ako! (^__^),” pagmamayabang niya. Parang bata lang na nagpapakita ng star sa kamay niya. “Nag-tryout kami kanina. Ang galing ko daw!”

“Ikaw na magaling!” Saya nito. -__-

“Oo naman! Hahaha! (^_^)\/ May kasama ka ba?”

“Oo ehh. Bakit?” sabi ko. “Ate, dalawang large fries.”

“Ahh. Wala lang. Iimbitahin lang sana kita sumama samin. Hehe. Sige ah. Una na ko. Hinihintay na nila ako eh.”

“A-Ahh. Osige. Congrats!”

“Salamat! Sige, Vian! Babay! (^_^)/”

Huh. Weird.

Close kami?!

***

HII! Hahaha. Finally, nagupdate na ako dito. Bigla kasing dumadami ang reads. Hahaha. Sa mga nagbabasa nito, THAAAANK YOU! ILOVEYOUSOMUCH! Hihihi. Paramdam naman kayo! Hahaha.

Thaaaaanks talaga! God bless! :>

~LOOOOVE

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon