Chapter 46

576 6 0
                                    

“Dahil lang naddrive mo na yung kotse mo, kung saan-saan mo na ako dinadala a. Baka mamaya kidnapin mo na rin ako,” sabi ko nang mahatid na ako ni Josiah sa bahay.

“Kikidnapin talaga kita! Baka mamaya mawala ka pa sakin eh!” sagot niya naman.

Tch. Baliw. At ako naman tong napangiti agad.

Eh syempre, diba!

“Josiah, salamat talaga sa gabing ‘to. Namiss talaga kita, sobra-sobra,” sabi ko bigla. Kanina pa kasi ako kilig na kilig! Hindi parin talaga ako makapaniwala na nagawa ni Josiah ang lahat ng yun para sakin.

“Kaya sana wag ka na ring magalit kay Zac. Nandito naman na ako eh. Nandito na ako sayo,” dagdag ko.

Tinignan ko siya at pinanood ang magiging reaksyon niya. Narealize kong pinipigil ko pala ang paghinga ko habang pinapanood siya. Natatakot parin kasi ako, baka kung ano na namang gawin niya.

Huminga siya bigla ng malalim. At naramdaman kong biglang tumibok ng sobrang lakas ang puso ko.

Eto na... (>__<)

“Ok,” sabi niya.

o.O Eh?

“Fine, sige. I’ll back off,” sabi niya tapos ngumiti.

HAAAAAYYY. SA WAKAS!

“Salamat,” sabi ko naman ng may ngiti. HAY nakahinga talaga ako dun! Pero teka, may naalala ako...

“Umm... Josiah, ano na nga palang nangyari dun sa... dapat na papakasalan mo?”

Umiwas naman siya bigla ng tingin. “Ayoko munang pag-usapan yan.”

“Ano?! Anong ibig mong sabihin? Hindi parin ayos yan?”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Masyado lang kasi akong nakahina ng maluwag, kaya nagtuloy-tuloy na naman ‘tong bibig ko.

At syempre, nagkamali na naman ako.

“Pwede ba, Vian?! Sinabi ko na ngang ayokong pag-usapan eh! Akong bahala dun! Wag kang atat!” sigaw niya.

Aray naman.

Okay na tayo kanina, diba?

Ish. Hindi na ako makasalita. Hindi ako makaglaw. Natatakot na naman ako.

Narinig kong bigla siyang huminga ulit ng malalim.

Napapikit ulit ako at naghanda sa kung anong pasabog ang pwedeng mangyari.

“I’m sorry. Ayoko lang masira ang gabi natin, ok? Sa susunod na natin pag-usapan yan. Let’s just enjoy the night,” kalmadong sabi niya, tapos ngumiti.

“Ok. Sorry din,” sabi ko lang. Medyo takot parin ako eh. “Sige, papasok na ako ha. Salamat ulit.”

“Basta para sayo,” sabi niya ng may ngiti.

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at bumaba ng kotse.

Hayy... basta. Kami na ulit ni Josiah. Yun ang mahalaga.

***

“Psst! Pssssst!... PSST! Vian!”

o.O

Anong... nangyayari?

“Zac? Anong ginagawa mo diyan?”

Nakatago ba naman sa likod ng isang pinto.

“Halika dito!” bulong niya. Lumapit naman ako agad. Pero parang may tinataguan talaga siya.

“Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nagtatago diyan?”

“Baka makita ako ni Josiah na kausap ka eh. Mahirap na, baka di ako makauwi ng buhay,” bulong niya.

“Hahahaha. Baliw ka. Ok na yun! Hehehe. Ano ba, anong sasabihin mo?”

“Ano... yung project natin. Ayusin na natin bukas?”

“Ah, yun lang ba? Sige, walang problema! San tayo magkita?”

“Sa park nalang. (^___^) O sige, lalayas na ako. Baka mahuli pa ko ni Josiah e,” sabi niya sabay tingin pa sa paligid. “Bukas ha!”

Tapos agad siyang tumakbo papalayo na parang kriminal na hinahabol ng mga pulis.

Tch. Isang baliw. ( ̄ー ̄)

Ang tanong... sasabihin ko ba kay Josiah ‘to? 「(°ヘ°)

Er... Hay nako. Bahala na!

“O, babe. Tagal mo a. Namiss tuloy kita. Hehehehe,” sabi agad ni Josiah pagdating ko sa canteen.

Ahihihihi. ♥(ノ´∀')

“Ayan, binilhan na din kita ng pagkain para ‘di ka na mapagod. (ω)

Mygoodness. Ang pa-cute naman nito! (人´∀'*)

“Nagpapa-cute ka ba?” mataray na tanong ko. Naks. “Mataray”.

“Oo, effective ba? (^ ω ^)”

Aba, nag-pout pa. At may kasama pang puppy eyes! Si Josiah ba talaga ‘to?!

“Hmm... oo. Hahahaha. Tama na! Masyado ka nang cute. Baka mainlove na lalo ang lahat ng tao sayo.”

“Wala akong pakialam. Ang importante lang, inlove ka sakin,” sagot niya.

... Waaaaaaaaahhh!

“Nga pala, nakuha mo ba yung naiwan mo sa classroom?” tanong niya bigla.

“A-Ahh... E-Eh... Oo. Hehehehe.”

Naalala ko bigla na nag-usap din kami ni Zac nung papunta akong canteen galing sa classroom. Ihh. Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Josiah. Sabi niya naman na ok na siya kay Zac, pero hindi parin ako masyadong sigurado.

Aish. Bahala na.

“Ah, okay,” sabi lang ni Josiah.

Hmmm...

Ngumiti nalang ako at ‘di na nagsalita.

Tinanong niya lang naman kung nakuha ko yung naiwan ko sa classroom, diba?

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon