Chapter 35

771 11 2
                                    

Ang bilis talaga ng panahon. Ba’t kaya ganun? ‘No? Tignan niyo nga, Foundation Day na naman.

Parang kelan lang nung tumugtog kami sa Foundation Day kasama ang Maharlika. Teka. Nararamdaman ko na. Magdradrama na naman ako nito. AISH.

Pero syempre ngayon, hindi namin palalampasin ang pagkakataong tumugtog ulit. EXCUSED FROM CLASSES YUN NO! Mwahahahaha. Sarap na naman ng buhay nitooo!

“Veeee-yaaaan!” biglang salubong sakin ni—sino pa?—Zac. “San ka?”

“Music room. Tatambay. Cutting kami ngayon. Hihihi,” sagot ko naman.

“Ahh, oo nga pala. Tutugtog kayo,” bitter niyang sabi. Bwahahaha! Sarehh! “Kala niyo kayo lang excused? Huh! Kami din kaya! Sasayaw kami! Behh!”

Waht. At nag-belat pa talaga siya. Tss.

“Ano? Anong sayaw? HAHAHAHAHA. Yang mga joke mo talaga, ang hirap i-gets pero nakakatawa. Hahahahaha!” pang-aasar ko sakanya. “Anong sayaw niyo naman? Gangnam? Gentleman? WAHAHAHAHAHAHA!”

Bwahahahaha. Iniimagine ko palang siyang sumasayaw ng kung anong pang kinder, humahalgapak na ako sa kakatawa eh! WAHAHAHAHAHA!

Masaya itooooo! Minus pogi points! Bwahahahaha!

“Yabang mo!” Bigla niya akong hineadlock tapos ginulo yung buhok ko.

“HOOOYY! MAAWA KA SA BUHOK KOOO!”

Binitawan niya din ako sa wakas. Hahahahaha.

“Ang yabang mo kasi eh! Humanda ka sa Foundation Day! Isusumpa ko, maiinlove ka sakin sa sobrang galing kong sumayaw! Sinusumpa ko, Vian!” sigaw niya sa gitna ng hallway. “Para sayo yung sasayawin namin! Tandaan mo yan! Sisiguraduhin kong maiinlove ka talaga sakin!”

Baliw talaga ‘to.

Ang dami na tuloy nakatingin samin at malaman pinag-uusapan na kami. Ano ba kayo?! Alam ko namang nagbibiro lang siya eh! Wahahahahaha!

Pero sisiguraduhin ko talagang papanoorin ko siya, nang mabawasan ang pogi points niya. Hahaha!

“Alam mo, ang ingay ingay mo talaga! Ba’t kaya ganun, no?” sabi ko. “Tss. Diyan ka na nga!”

“Hahahaha! Para sayo, Vian!” pahabol na sigaw niya habang palayo na ako sakanya.

Pfft. Baliw.

Makapag-jamming na nga! Buti nandito na sina Belle at Shia. At buti silang dalawa lang!

“Oh, masaya ka?! Nanalo ka sa lotto?” puna ni Belle

“Hindi! Baka nalaman na niyang anak siya ng dating presidente!” singit naman ni Shia

O.o?!

“ANO?!”

“Hehehe. Joke lang,” bawi ni Shia. Tss. Pinalilibutan ata ako ng mga baliw. “Pero ba’t ka nga nakangiti diyan na parang baliw?”

Kasama pala ako sa mga baliw. Hehehe. (^__^)\/

Teka. Nakangiti daw ako?

Oo nga. Di ko manlang namamalayan, nakangiti pala ako ng sobra-sobra. Naalala ko yung kalokohan ni Zac kanina sa hallway.

Puro kalokohan. Pero... wah! Ba’t di ko maalis ‘tong ngiti ko?!

“Oh! Tignan mo, Belle! Nasisiraan na ata ng bait! Nakangiti parin oh!” sigaw na naman ni Shia.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon