Chapter 14

1.1K 21 0
                                    

***

Nakaupo si kuya sa sala nang lapitan ko siya’t kausapin.

“Kuya, pinapasama ka ni Josiah dun,” sabi ko sakanya.

Nag-imbita kasi si Josiah sa bahay nila. Ewan. May kung anong trip ata silang magbabarkada. Party daw. Pinapasama na din ni Josiah si kuya.

“Sorry , Vian. May date kami ni Ava ngayon,” sagot naman niya. Fine. Kayo na ang may date. “I-take home mo nalang ako ng pagkain ha.”

“Asa ka,” sabi ko. Ayaw pa kasi sumama eh. -__- “Hatid mo nalang ako dun, kuya.”

Tinignan niya ko na para bang ‘di makapaniwala sa sinabi ko. “Asa ka.” Aba’y gayahin daw ba ako. “Mag-jeep ka nalang. Malapit lang naman eh.”

Sa totoo lang, ‘di ko alam kung saan ang bahay nila Josiah. Syempre, dahil ang alam niya’y kasama si kuya, ‘di na niya ako sinundo.

“Anong klaseng kapatid ka ba? -__- Sige naa. Maawa ka.”

Tumingin siya sa relo niya at tumayo. “Nako, kailangan ko nang mag-ayos,” sabi niya na sarcastic pa.

Aish. Kainis talaga. ‘Di na magbabago isip ng kuya kong walang awa sakin. “Fine. Aalis na ‘ko. (-__-)”

“Sige sige. Ingat ka,” sabi niya na para bang walang pakialam sakin. Tss. Nakakainis ka po, kuya.

Sumakay ako ng jeep tulad ng sabi ni kuya. At base sa mga naririnig ko at sa isang time na sinabi ni Josiah kung nasaan ang bahay nila, bumaba ako sa Luna Street. Pagkatapos nun, ‘di ko na alam ang gagawin ko.

Tawagan ko na kaya si Josiah? Mawawala ako ‘pag ‘di ko pa siya tinawagan eh. Isa pa, makulimlim at mukhang uulan na. Wala pa naman akong dalang payong.

Haaay. Kuya kasi eh. -__- Kasalanan mo ang lahat ng ‘to.

“Oh, Vian?” sabi ni Josiah nang sagutin niya ang telepono.

“Josiah, nandito ako sa Luna Street. Saan ba ang bahay niyo?” derecho kong tinanong. Wala nang padalos-dalos pa. Natatakot na ko eh. Walang katao-taong dumadaan.

“Ha? Wala ka bang kasama?”

“Wala eh.”

“Papunta na ako. Wag kang aalis diyan.” Aalis pa ba naman ako?

“Sige. Ingat,” sabi ko at binaba na ang telepono. Saktong bumuhos ang malakas na ulan.

Wow ha. Ganda ng timing. -__- Grabe. Ang saya.

Kalahating minuto pa lang ang nakalipas, basang-basa na ako.

Wala naman kasing masilungan. Parang subdivision kasi dito; at gaya nga ng sabi ko, walang masyadong tao. Sinabi din ni Josiah na wag akong umalis. Baka mas lalo pa akong mawala pag umalis pa ako dito.

Heto akoooooh, basang-basa sa ulaaaan! Walang masisilungaaaan!

‘Tek, nababaliw na ‘ko.

Ang lamiiig. Grabe. December pa naman. Sobrang lamig ng hangin, tapos umuulan pa.

Nanginginig na ako. Halos ‘di ko na kayanin. Madali pa naman akong ginawin. -__-

Sakto, may humintong BMW sa harap ko. Siguradong si Josiah na ‘to. Ang guardian angel kooo! Lumabas si Josiah na may hawak na payong. Dali-dali niya akong inalalayan at pinasakay sa kotse.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon