Chapter 44

611 8 0
                                    

“Josiah? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nasa classroom namin?”

“Nagpalipat ako ng section. Bakit? Ayaw mo ata akong makasama eh,” sagot naman nitong boyfriend (hehehe) ko na nakaupo na sa tabi ng pwesto ko.

“H-Ha? H-Hindi ah! Syempre gusto ko,” sabi ko agad. Pero kasi... upuan kaya ni Zac yun!

Kawawa naman siya. Sinaktan ko na nga (>.<) inagaw pa nitong si Josiah yung upuan niya. Tch. Syempre ayaw ko namang sabihin na dapat katabi ko si Zac, mamaya mag-iskandalo na naman ‘to.

“Yun naman pala. Eh bat nakatayo ka pa diyan? May hinahanap ka ba?” tanong pa ni Josiah, parang nagbabanta.

Hinahanap ko si Zac. Wala kasi siya eh. Iisa nalang ang bakanteng upuan. At sigurado akong kay Zac dapat yun. Pero asan na siya?

“A-Ahh... E-Ehh... Wala,” sabi ko.

“Oh, edi umupo ka na.”

Fine. Edi umupo na ako. Linagay niya naman agad yung kamay niya sa balikat ko at hinila ako papalapit sakanya. Pero wala parin talaga si Zac. Asan na kaya yun?

“Good morning, class,” biglang pasok ni ma’am. Nako, late na talaga si Zac. Tch. Asan na ba yun? “Mr. Vargas, please keep your hand to yourself.”

“Pero ma’am, nangangalay yung kamay ko eh! Mas komportable ako ‘pag ganito!” reklamo pa ni Josiah.

“Mr. Vargas!” suway ulit ni ma’am. Talagang ‘di siya patitinag eh. Yan tuloy, napagalitan pa si Josiah.

“Tch, sungit,” bulong ni Josiah habang inaalis yung kamay niya sa balikat ko.

“Ma’am, good morning. Sorry, I’m late.”

Napatingin ako sa pinto.

Si Zac. Sa wakas.

“It’s alright, Mr. Ramos. Please take your seat.”

Napatingin si Zac sa tabi ko at nakita niyang nakaupo na si Josiah. Napatingin din siya sakin, kaya ngumiti ako. Pero umiwas siya agad ng tingin at pumunta sa bakanteng upuan sa likod.

Aray.

Gusto ko siyang puntahan; kausapin. Pero hindi pwede kasi nandito si Josiah. Kailangan kong magkunwari na wala akong nakikita.

“Alright everyone, please go to your partners and continue to work on your project,” sabi ni ma’am. “Mr. Vargas, pair up with Mr. Protacio.”

“Pero ma’am! Si Vian nalang partner ko! Magkatabi na kami eh!” reklamo ulit ni Josiah.

“Ms. Constantino already has a partner. Now, do as I say if you really want to be in this class,” striktong sabi naman ni ma’am.

“Tch. Kainis,” bulong nalang ulit ni Josiah at hindi na sumagot. “Sino bang partner mo?”

”S-Si... Zac,” sabi ko at agad na umiwas sa tingin niya.

Narinig kong huminga siya ng malalim at para bang pinipigil ang sarili niya na magwala. Natakot ako bigla. Pakiramdam ko kaya na niyang pumatay ng tao.

Lumapit siya sakin at bumulong. “Sabihin mo sakanya na kapag sinubukan niyang hawakan ka manlang, ililibing ko siya ng buhay.”

Tumango nalang ako at umalis.

Naramdaman ko yung galit sa boses niya, at alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.

“Hi, Zac,” sabi ko ng may ngiti habang umuupo sa tabi niya.

“Oh, ok lang ba kay Josiah na nandito ka?” sabi niya at pinilit na ngumiti.

“Hindi nga eh. Pero... wala naman siyang magagawa,” sagot ko at ngumiti din.

“Kung gusto mo, palit nalang kami ni Josiah ng partner. Okay lang naman sa akin.”

“Hindi na. Mabubuhay naman yun eh. Sayang din yung mga nagawa na natin.”

“Mabubuhay nga siya, eh mukhang ako naman ang hindi. Parang pinapatay na niya ako sa titig niya eh,” sabi ni Zac at mapait na tumawa.

“Wag mo nalang pansinin. Akong bahala sayo.”

Natawa siya. “Baka ikaw pa nga protektahan ko eh.”

Napangiti ako nang marinig ko ang tawa niya. Ilang araw lang kaming ‘di nagkita, pero namiss ko na agad.

Oo, namiss ko nga. Nasanay na kasi akong naririnig ang tawa niya.

“Zac, sorry talaga ha,” mahina kong sabi. “Alam ko nasaktan kita. I’m sorry.”

“Ano ka ba, okay lang ako. Wag mo ngang sinisisi ang sarili mo. Makaka-move on din naman ako eh,”  sabi niya. “Gusto ko masaya ka. Eh kung kay Josiah ka masaya, tatanggapin ko yun ng buong-buo.

“Mahal kita eh.”

*DUG DUG... DUG DUG... DUG DUG...*

“.... A-Ahh... E-Ehh...” Hindi ako makapagsalita. -__-

Natawa siya bigla. “Oh dali na. Magtrabaho na nga tayo.”

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon