Chapter 26

810 6 0
                                    

Nakakasawa na. Gabi-gabi nalang na tumutulo ang mga luha ko. Parang ‘di nauubos. Ang hirap.

Bakit ba ganito? Bakit nga ba kailangan kong tiisin ‘to, kung may magagawa naman ako?

Ngayon pa ba ako magpapaka-babae?

Ayoko na. ‘Di ko kayang maghintay nalang at walang gawin. Ako na mismo ang gagalaw.

Gagawa ako ng paraan para makuha ulit si Josiah. Hindi ko na kaya ‘to. Hindi ko talaga kayang mawala siya sakin.

Kung lalayuan niya ako, ako na mismo ang lalapit sakanya.

Oo, tama.

Nakapagdesisyon na ako.

Gagawin ko ang lahat, bumalik lang sakin si Josiah.

***

“Oh! Anyare?! Himala ito! Nakangiti si Vian!” sabi ni Belle kay Shia nung lunch time.

“Hala! Onga! Si Vian ba talaga yan?!” sabi naman nitong si Shia.

Tss. Mga napapansin talaga ng dalawang ‘to.

Pero sabagay... totoo naman. Nakakangiti na ako ngayon, dahil determinado talaga akong maibalik si Josiah sa buhay ko. Nakakangiti ako kasi alam kong ngayon, may magagawa na ako.

“May bago kang chicks?” sabi nitong si Shia sakin.

“Wala ‘no! Ba’t naman ako maghahanap ng chicks? Loyal ako kay Josiah no!”

“Ok ok! Chill!” sabi ni Shia. “At speaking of, ayan na siya oh.”

Tinuro niya yung nasa likod ko.

Paglingon ko, andun nga si Josiah.

“Hi Josiah! (^_^)” sigaw ko.

Wala na akong pakialam sa sabihin ng iba. Basta gusto kong bumalik siya sakin.

Napatingin siya sakin.

Pero ‘di niya parin ako pinansin.

Ang sakit.

Pero ayos lang. Maipakita ko lang sakanyang ‘di ako susuko.

“Haaaay! Nako, pag-ibig nga naman,” sabi ni Belle.

Tss. Parang ‘di inlove sa boyfriend niya ah. -__-

“Oy, nga pala, anong club sasalihan natin? Dun tayo sa computer club,” sabi naman ni Shia.

“Computer club?! Ano namang gagawin natin dun? Dota?” sabi ko. “Palibhasa kasi nandun mga boyfriend niyo eh.”

“Oy! Di naman,” sabi ni Belle. “Pero syempre kasama na din yun. Hahahaha!”

Sabi ko na eh. -__-

“Oh, ano? Dun na tayo?” tanong ni Shia.

“Tignan ko.”

Pero sa totoo lang, gusto kong malaman muna kung anong club ang sasalihan ni Josiah. Dahil syempre, gusto ko din dun.

Kaya naman nung nakita ko si Patrick, tinanong ko na agad kung anong club ang sasalihan ni Josiah.

“Ang alam ko dun siya sa... yung club dun sa library? Yung club ng mga nagbabasa? Di ko alam kung anong tawag dun. Basta yun! Yung club na ang ginagawa lang ay magbasa,” sagot ni Patrick. “OO, dun siya.”

“Eh kayo?” tanong ko para naman hindi pansin na susundan ko si Josiah. “Sang club kayo?”

“Computer club kami! ^_^” sabi naman nitong si Patrick.

I don’t care. Hahahaha.

Basta ako, alam ko na ang club na sasalihan ko. Buti nalang at pareho kaming mahilig magbasa ni Josiah. At least mageenjoy din ako!

Pagdating ko sa klase, sinalubong naman ako nung katabi ko. Pasalamat siya good mood ako ngayon, ‘di ko siya matatarayan.

“Uy! Anong club sinalihan mo?” tanong niya sakin.

“Yung club ng library,” sagot ko.

“Anong ginagawa niyo dun?”

“Nagbabasa.”

“Yun lang?! ‘Di ko kakayanin yan! Mas gugustuhin ko nalang panoorin yung pelikula kaysa basahin. Di ko talaga makakayanan ‘yan.”

“Tss. Palibhasa kasi tamad ka!”

“’Di naman pagod! Hahaha. Lalo pa akong gumagwapo. (^_^)”

“Lalo ding kumakapal ang mukha mo. (^_^)”

Tss. Ang hangin talaga ng taong ‘to.

“Hahaha! Ako sa basketball club eh. Gusto kong sumali sa varsity,” sabi niya.

“Edi good.”

Wala akong masabi eh. Ayaw ko lang siyang tarayan. Pakialam ko kung gusto niyang sumali sa varsity?

Wala din naman kasi akong hilig sa sports eh. ‘Di ako athletic. Kaya syempre, sa musika ko talaga tinutuon ang pansin ko.

“Ano bang sport mo?” tanong niya sakin.

“Wala. Tss. Tingin mo magssports ako?”

“Pwede rin. Hahaha.”

Tss. Ewan ko sayo. -__-

Makalipas ang ilang oras, hinayaan na kaming pumunta sa mga club namin.

Haaay! Sa wakas! Makakasama ko na ulit si Josiah! *0*

“Huy! Ano na? Computer club na tayo!” sabi ni Shia.

“H-ha? Eh ano... Sa library ako,” sagot ko naman.

“Library?! Anong gagawin mo dun?!” sigaw naman ni Belle.

“Magbabasa. Malamang.”

“Okfine! Kita nalang tayo mamaya!”

Hay! Finally! JOSIAAAAH!

Agad na akong tumakbo papunta sa library.

Pagpasok ko, lahat ng tao nagbabasa. Ang saya! Hahaha. Walang sarcasm diyan ha. Hilig ko din kasi talaga ang magbasa.

Sinabi ko sa club adviser na kasama ako, tapos hinanap na si Josiah.

Ayun siya! (- -,)

Eh? Wala nang upuan sa tabi niya! >.< Ayoko namang paalisin yung katabi niya. May hiya parin po ako.

Kumuha nalang ako ng libro at umupo sa tapat niya.

As in yung tapat na tapat. Yung tipong ‘pag binaba niya yung libro niya, ako agad makikita niya. Bwahaha.

ヽ(;▽;)ノ

Binaba niya yung libro niyaaa!

ヾ(^∇^)

Hiii!

Kumaway ako sakanya, just to let him know that I was here. And I was here for him.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa.

Hindi niya ako pinansin.

OUCH.

Pero ok lang. Titiisin ko nalang. Makita lang niya kung gaano ako kaseryoso sa pagaattempt na maibalik ang kami.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon