Will You Marry Me?

3.3K 133 4
                                    

"HINDI obvious na gustong-gusto mo dito," narinig ni Dawn ang boses ni Thor galing sa kung saan. Mga lampas seven PM, nasa garden set siya, nakahilig sa mga bisig at nakatingin sa isang direksiyon. Ang isip ni Dawn ay abalang bumubuo ng mga eksena—at napapangiti siyang kilig scene at hindi morbid ang nakikita niya sa isip. "Dawn?" naramdaman niya ang pag-upo ni Thor sa tapat niya.

"Hmn?" ungol lang niya. Bigla nitong sinilip ang mukha niya. Napaangat si Dawn ng mukha sa gulat—halos mag-kiss na kasi sila!

"Gising ka?" si Thor na ngingiti-ngiti. Hindi man lang nagtangkang ilayo ang mukha. Biglang na-conscious si Dawn. Ang lapit lapit nito at tutok pa kung tumitig. Pati yata pores niya ay nakikita na ng loko. Pero kung magre-react siya, baka naman mahalata nito na hindi siya komportable. Kinalma na lang ni Dawn ang sarili.

"Kung gusto kong matulog, Toryo, wala sana ako dito," sabi niya. "Nag-iisip ako, shhh ka lang diyan—"

"Ano'ng iniisip mo?"

"Kilig scene," si Dawn na nakatitig pa rin sa bagong trimmed na halaman sa inaabot ng tingin niya. "'Wag mo akong guluhin. Halos one month na akong hindi makapagsulat. Kasalanan ng friend mo pero atin atin na lang. Masasaktan ka 'pag tsinika mo kay Sir Four. "Kasalanan ni Four?" susog ni Thor, nasa tono na hindi naniniwala na magagawa ng kaibigan ang kung anumang ginawa sa kanya.

"Siya lang naman ang reason bakit kami nasa Palawan ngayon," si Dawn na hindi na pinigilan ang sariling magkuwento. "Napa-unwind kami ng wala sa oras. Iniisip nga naming apat hanggang ngayon kung ano'ng problema niya at bakit naisip kaming parusahan, eh."

"Parusahan?"

"May sari-sarili kaming genre na simula no'ng naging writers niya kami, do'n na kami comfortable. Smooth naman ang publisher-writer relationship, mataas naman ang sales namin. 'Tapos bigla bigla, in-assigned niya sa amin ang mga bagong genre—walang tatanggaping manuscript from us kung hindi ang assigned story. Gothic ang genre ko—rom-com ang in-assigned sa akin," bigla siyang umayos ng upo, nagulat si Thor. Kung hindi lang mabilis na nailayo ang sarili ay naumpog siya rito. "'Tingin mo, paano magiging madali sa akin ang rom-com story kung mga Impakto, Impakta, bampira at kapre ang mga kilala kong characters? Madugo at marahas ang mga story ko kahit pa may kasamang romance. Mas gusto ko ng dahas kaysa kilig scene. Happy mood sa story? Hindi ko alam kung saan ko huhugutin. Na-try ko na sa Google pero walang effect, eh. Pati si Google, nakikiisa kay Sir Four. Ang lupit lang!" kasunod ang frustrated na pag-ungol.

Natahimik si Thor.

Napatingin si Dawn, nagtaka. Pagbaling niya ay nagkasalubong ang mga mata nila. Nakatingin pala sa kanya ang lalaki.

"Bakit comfortable ka sa marahas na story?"

"Madaling maka-relate sa emosyon—fear, anger, pain—madali na lang laruin. Mas nabibigyan ko ng buhay ang mga characters kasi pinagdaanan ko ang pakiramdam, ganoon siguro..."

"Dati ka bang Impakta?"

Natawa si Dawn, hindi sa tanong kundi sa seryosong tono ni Thor.

"Aswang?"

"Tigilan mo ako, Toryo—"

"Kasasabi mo lang na mas nakaka-relate ka sa mga characters mong impakto at impakta. Kadugo mo sila, aminin mo—" hinampas niya ang loko. Naging busy sa pagsalag ng mga hampas niya habang tumatawa.

"Hindi joke ang struggle naming mga writers! Hindi mo talaga maiintindihan kasi wala ka sa lugar ko—"

"Ang feelings ng impakta at impakto? Hindi ko balak intindihin kahit mag-belly dance ka pa sa harap ko, Diomeda Makulimlim!" halakhak na matunog ang kasunod.

Na-shock si Dawn. Nakanganga at nanlalaki ang mga mata pagkarinig sa buong pangalan. Daig pa niya ang sinabugan ng bomba. Pinakatatago-tago niya ang buong pangalan dahil doon pa lang, parang may galit na sa kanya ang mga kinilalang pamilya.

"Where did you get that, huh?" napa-english siya sa pagkawindang. Pakiramdam ni Dawn, nahubaran siya bigla ni Thor. Walang nakakaalam na sa likod ni Dawn Mendez ay isang mabantot na pangalan.

Lalo nang tumawa si Thor, mas naaliw pa yata sa hindi maipintang mukha niya.

Hindi gustong marinig ni Dawn na uulit ulitin nito ang real name niya para pikunin siya. Tumayo siya para mag-walk out—na hindi natuloy, pinigilan ni Thor ang braso niya. Napatingala si Dawn. Nakatayo na sila paharap sa isa't isa. Ang alam niya ay matangkad siya pero kailangan pa rin niyang tumingala sa lalaki. Six footer ba ang isang ito?

"Ano'ng height mo?"

"Five eleven," ngingiti-ngiting sagot nito. "Crush mo ang height ko?"

"Hindi pa naman pang kapre," sabi niya at binawi sana ang braso pero hinigpitan lang ni Thor ang hawak.

"May proposal ako, Dawn—"

"No," sabi agad niya wala pa man ang tanong.

"No na agad?"

"Hindi ako magpapakasal sa 'yo kahit sumayaw ka pa ng hubad."

Abot tainga na ang ngisi ng Toryo. Parang balak maghubad. "Sigurado ka?"

"Don't you dare!" tawa niya. "Baka ma-engkanto ako sa alaga mong sing itim ng puwet ng kaldero—" tawa na nang tawa ang bruho hindi pa man siya tapos magsalita. Ang next scene ay umaatras na si Thor at pinoprotektahan ang sarili sa mga hampas niya. Pareho na silang tawa nang tawa. Hindi na namalayan ni Dawn kung ilang minuto silang tumawa lang. Naramdaman na lang ni Dawn na hawak na ni Thor ang mga bisig niya at nawawala na ang tunog ng mga tawa nila.

Nang maging tahimik na ang paligid, nakatayo na lang sila nang magkaharap, nakatitig sa mga mata ng isa't isa.

Parang huminto bigla ang mundo kasabay ng paglakas ng heartbeat ni Dawn. Hindi rin niya mabawi ang tingin. Pinilit niyang mag-focus, nag-isip ng paraan para makaalpas sa spell ni Toryo. May sa Impakto talaga ito, nahihipnotismo yata siya.

Hindi puwede!

"A-Ano, mag-propose ka na!" sa wakas ay nagawang sabihin ni Dawn.

"Will you marry me?"


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon