Gutom At Mga Guwapo

3.6K 132 4
                                    

KA INATO, ang restaurant na solusyon sa pang one week na gutom ng team stress—sina Dawn, Victoria, Belle at Dream. Pare-pareho silang wala na halos energy nang bumaba mula sa sinakyang asul na tricycle. Mga isang oras lang naman silang nakipag-diskusyon sa hotel staff matapos nitong sabihin na wala ang  pangalan ni Dream. Inisa-isa nilang ibinigay ang mga pangalan, baka nagkamali lang ang contact ni Dream.

Wala pa rin. Pangalan na ni Dawn ang huling binigay sa mismong sandaling malapit nang magdilim ang paningin niya sa gutom. Wala talaga. Ibig sabihin, wala silang hotel na pag-iiwanan ng gamit!

Parang mga robot na sabay-sabay na-lowbat ang team stress nang tuluyang mag-sink in sa kanila na naloko sila ng travel agent. Tour package lang ang meron sila pero pati ang budget sa hotel accommodation, tinangay!

Mas malala pa sila sa mga TNT sa ibang bansa na na-deport—hila ang 'buong buhay', gutom na gutom, wala nang energy, walang pera at walang tutuluyan dahil fully booked na ang mga malalapit na hotels sa area.

Nag-Google si Belle, may iilang hotel na may available rooms pa. Ang problema—hindi na kaya ng budget nila kahit isang gabi lang sa taas ng rate. Palala nang palala ang problema. Pare-pareho silang wala nang kakilos-kilos sa kinatatayuan, hawak ang kanya kanyang mga cell phones at tulala.

"Kumain muna tayo," basag ni Dawn sa katahimikan. "Mag-isip tayo ng solusyon kapag busog na. Mamatay tayo ng dilat nito kung tutunganga lang tayo. Ang init mga bhe, o! Lagas na ang sunblock natin! Lagas na nga ang bulsa, pati ba ganda? 'Wag gano'n. At one na week na ang gutom ko." Kung posible lang maglupasay sa kalsada, ginawa na ni Dawn.

Magkakasunod na tumingin sa kanya ang mga kasama bago magkakasabay halos na kumilos. Kanya-kanyang bitbit at hila ng mga gamit, naglakad nang magkakasunod sa mababagal na hakbang. Pakiramdam ni Dawn ay para silang mga kawawang mamamayan ng isang nabagyong lugar at patungo sa evacuation center, lulugo lugo dahil nawala ang lahat ng ari-arian.

Gusto niyang sumigaw ng: Bukas luluhod ang mga tala!

Pinara ni Dream ang unang tricycle na dumaan. "Sa pinakamalapit na restaurant," sabi nito sa driver na nag-ala tourist guide naman—nag-recommend ng mga restaurants sa Puerto Princesa. Wala na sa kanila ang nakinig. Kung tama siya ay gaya niya ang mga kasama, malapit nang magdilim ang paningin sa gutom.

Paghinto sa Ka Inato, kanya-kanya na naman silang hila ng mga gamit. Sa isip ay inihahanda na ni Dawn ang sarili. May paglalagyan sa nobela niya ang manggugulang na travel agent. Saka na niya pagkakakitaan ang ngitngit sa manlolokong iyon. Kakain muna siya—kakain siya nang marami at aasang kakalma ang mood niya.

Wala mang kamalay-malay si Piolo Pascual—este si Sir Four sa nangyari sa kanila, hindi mapigilan ni Dawn na sisihin ang Publisher ng PP. Kung hindi kasi sa nakaka-stress na assignment nito, hindi nila maiisip na biglaang magtungo ng Palawan nang walang plano. Kung hindi nila naisip maghanap ng inspirasyon sa Palawan, walang mag-a-arrange ng tour package. Kung walang nag-arrange ng tour package na may kasamang hotel accommodation—na wala naman pala pero binayaran nila—hindi sana sila nag-ala TNT na na-deport sa nakapainit na kalye ng Puerto Princesa. At hindi sana sila pumasok sa Ka Inato na sukbit ang mga bags, hila ang kanya-kanyang maleta. Hindi sana sila pinagtitinginan ng mga taong nauna sa kanila sa resturant.

Saklap talaga!

Ah, deadma! Sa isip ni Dawn. Wala kayong magagawa sa gutom ko! Pinigilan niya ang sariling iikot pa ang tingin, baka kasi maging Impakto at Impakta na sa paningin niya ang mga kasabayan nilang kumakain.

Paglapit ng waiter ay kanya-kanya silang kuha ng menu. Parang hindi magkakakilalang nagkanya-kanya ng order. Hindi na rin sila nagkuwentuhan. Sa hula ni Dawn, pagod, gutom at stress ang dahilan.

Saan na kami pupunta pagkatapos kumain?

Nakaka-stress ang tanong na iyon na walang sagot.

Kakain muna si Dawn. Saka na niya iisipin ang problema. Mas gagana ang utak niya kapag busog na. May solusyon naman ang lahat ng problema, hindi ba? Pero paano kung sa pagkakataong iyon ay wala? Kung na-delay ang solusyon na hulog ng langit? Nganga sila sa kalye ng Puerto Prinsesa! Sa kalye sila matutulog!

Pagdating ng pagkain sa mesa ay nagkanya-kanya na rin sila ng kain. Parang hindi na magkakasama. Hindi na pinansin ni Dawn ang mga kasama, maging ang mga tao sa paligid. Naka-focus siya sa sariling gutom. Inahanda na niya ang sarili para ubusin ang grilled squid, steamed lapu-lapu at native chicken tinola. Nasa platter ang rice na good for three persons pero sa gutom ni Dawn ay kakayanin niyang itaob iyon.

"Thor!" boses lalaki ang narinig ni Dawn. Natigil siya sa pagnguya. Sa lahat ng naman ng pangalan, ang hate pa niya? Ilang Thor ba mayroon sa mundo? Kayang-kaya niyang pagtiyagaan—oo, pagtiyagaan talaga para bongga—ang Thor ng Avengers pero ang Thor sa airport? Ah, gusto niyang i-uppercut. Nag-angat siya ng tingin—grupo ng mga lalaki sa kabilang mesa ang pinagmulan ng pagtawag. Tatlo, pang-apat ang ang bagong dating na tinawag. Kung hindi lang siya gutom, nagawan na niya ng profile sa isip ang mga lalaki at pag-uwi sa bahay ay ililipat na lang niya sa blank pages ng kanyang manuscript.

Natigil rin pati ang pagsubo ni Dawn nang maamoy niya ang pamilyar na scent pagdaan ng kung sino sa tapat ng mesa nila—ang scent ni Toryong Impakto!

Naman! Wala na bang katapusan ang parang may sumpang araw na ito? Sa isip ni Dawn, pinilit lunukin ang masarap na steamed lapu-lapu na biglang nawalan ng lasa matapos maisip ng dalaga ang posibilidad.

Hindi. Walang gagawin sa Ka Inato ang Toryo Impakto na 'yon, parang mantra na inulit-ulit ni Dawn sa sarili. Naibunton niya sa pagkain ang inis. Malalaki ang subo niya, sunod-sunod, pati pagnguya ay beast mode, sabi pa ng makabagong kabataan.

Nakarinig siya ng mga boses lalaki—nag-uusap. Naalala ni Dawn ang mga lalaki sa plane, si Toryong Impakto at ang sinabi nito na ala nagging wife siya na kulang sa halik. Tumaas ng hundred percent ang pagka-beast mode ng dalaga.

Gigil na gigil ang pagnguya nang mag-angat ng tingin—na nabitin agad nang mukha ni Toryong Impakto ang masalubong ng mga mata niya. Nakatingin sa kanya ang lalaki, literal na nakanganga na parang nasa state of shock pa. Pero nang magtama ang mga mata nila ay biglang ngumisi. At hindi man lang itinago ng weset ang paglapad ng ngiti!

Tinatawanan ng Impakto ang ala PG—patay gutom—niyang paglantak sa pagkain!


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon