Dawn Stress

9.4K 171 13
                                    


"MERALCO, matitikman n'yo ang batas ng api!" may sampung 'i' para intense—kung isusulat niya sa blank na document sa screen. Sing-intense ng damdamin ni Dawn nang oras na iyon.

Time check?

11:30 PM.

Eleven thirty, bumabanat siya ng linyang iyon sa pagkaasar.

Sigaw?

Hindi.

Original na linya? Hindi rin. Obvious ba? Kopya!

Kung hindi lang nagdilim ang paligid, puwede sanang i-video ni Diomeda 'Dawn' Makulimlim ang sarili sa gagawin niyang mas malupit na reenactment ng scene ni Amor. Pero ang letc—okay, don't say bad words, Dawn—lettuce na lang—ang lettuce na Meralco, pinutol ang supply ng kuryente sa mismong moment na nakanganga siya sa telebisyon.

Bakit siya nakanganga?

Ang lettuce na manuscript niya ay hindi umuusad!

Matitikman n'yo ang batas ng apiiiiiiii! Isang linyang nakasulat sa blank page bago nag-brown out. Ang weset na cursor kanina, panay ang blink na parang nang-aasar na wala siyang maisulat. Bakit ba kasi napagod na ang utak niya sa mga Impakto at Impakta? Sa mga aswang at kapre? Sa mga bampira at maligno? At pati ang Meralco, naki-join pang apihin siya? May liwanag daw ang buhay?

'Asan?

'ASAN?!?

Napa-inhale exhale ang may giant block na writer.

Paulit-ulit na inhale-exhale.

Mayamaya ay bumuwelo—bumuwelo ng speech para sa sarili habang ang mga hair strands na naka-clam dapat ay kumawala na at nalalaglag sa iba't ibang bahagi ng mukha. Kung hindi lang madilim, isa 'yon sa moment na binobola ni Dawn ang sarili sa natural na ganda ng kanyang buhok. Siya ang buhay na patunay ng 'kinamay lang, umayos na' hair. Actually, hindi nga kailangang kamayin, hangin lang ay ayos na. Ganoon ka-perfect ang hair niya. Ang nag-iisang parte ng buong 'siya' na matatawag niyang maganda talaga.

And the rest?

Papatayin niya sa nobela ang matapang ang mukhang magtatanong.

Itinuloy ni Dawn ang hindi mapigil na pag-speech sa gitna ng madilim na kuwarto. Isang haunted house-like na bahay iyon na nirerentahan ni Dawn. Kapag kailangan niya ng tamang 'mood' para sa work in progress manuscript, nire-rent niya ang bahay. Pamilya ng isang college classmate ang may ari. Nag-migrate na sa ibang bansa ang buong pamilya. Iniwan sa katiwala ang bahay. Wagas makasingil ng rent ang mga katiwala, daig pa ang mismong may-ari. Pero in fairness naman, si Dawn lang ang pinapayagang umupa sa bahay na iyon ng ilang linggo. Discounted na raw ang rate na pang-isang buwan na upa kahit three weeks lang siyang nagtatagal sa lugar. Kung hindi lang talaga may 'magic' para kay Dawn ang bahay na iyon ay hindi siya magbabayad sa presyong pang isang buwan. Ang bahay na iyon kasi ang ilang linggong tinirhan ni Dawn noong isinulat niya ang first horror book niyang Pulang Gabi. Naging bestseller ang libro. Si DM Violet pa si Dawn noon—three years ago.

Sister company ng Priceless Publishing ang kompanyang nag-published ng Pulang Gabi. Last year lang naging contract writer ng Priceless Publishing si Dawn. Two years pa lang nang isilang si Dawn Mendez, ang PP writer na nasa Facebook, Twitter at Instagram.

Writer na walang mukha si Dawn Mendez. Impakta ang display photo niya. Kung hindi tungkol sa books ang mga posts ay mga updates sa mga WIP stories. Walang readers ang nakakakilala sa totoong Dawn Mendez. Isa siya sa mga writers ng PP na hindi nag-aatend ng book signing events. Walang malalim na dahilan. Gusto lang niyang maging anonymous.

BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Where stories live. Discover now