Toryong Impakto...Again?

3.4K 133 7
                                    

NAPUTOL ang pagbabalik-alala ni Dawn nang bumangga siya sa matigas na bagay. Medyo naalog ang ulo niya kaya agad bumalik sa kasalukuyan ang isip.

"Aray!" May hawak si Dawn na pack ng sanitary pads at bottle ng mineral water kaya hindi niya mahagod ang nasaktang mukha. Ang kanang kamay niya ay bitbit ang travel bag. "Sakit, ah?" reklamo pa niya.

"Sorry," sabi ng lalaking boses. Sa dibdib pala nito bumangga ang noo niya.

"Sige, okay na—" naputol ang balak na palampasin ang lahat nang pag-angat niya ng tingin ay tumambad sa mga mata ni Dawn ang pagmumukha ni Thor Valdemor. Parang automatic ang reaction ng BP niya, tumaas agad. "Ikaw?!? Ano'ng sorry sorry? Tadyakan kita diyan, eh!" singhal niya sa lalaki. "Tumabi ka nga!" inirapan niya ito. "Ang liit liit ng section na 'to, ikinakalat mo 'yang pang-kapre mong katawan? Tabi! 'Kainis na 'to!"

Pero hindi tumabi ang Impakto, ngingisi ngising tumingin sa hawak niyang pack ng sanitary pads. "Nag. Nag. Nag. Kaya pala mainit ang ulo ng babaeng kulang sa halik," sabi nito, nag-hum pa ng kanta bago ang nanadyang pagdaan sa harap niya. Napasiksik si Dawn sa hilera ng mga pack ng mga sanitary pads para hindi madikit sa katawan nitong sinasadya talaga yatang idikit sa kanya.

Matalim na tingin na lang ang ibinalik ni Dawn sa Impakto. Buhay na buhay ang inis niya hanggang nasa cashier na—at nakasunod na naman sa kanya si Toryong Impakto, na nakipaglandiin pa sa babaeng nasa cashier na kilig na kilig naman. Nagbuga na lang siya ng hangin sa ere bago pa niya masapak ang nakakainis na mayabang na modelo.

"Miss, nagbebenta kayo ng kiss?" ngiting-ngiti ang Impakto sa babae sa cashier.

"Kiss, Sir? Free po kung sa akin," sabi ng babae, nalaglag na yata ang panty. Inilayo ni Dawn ang tingin bago pa niya mahila ang buhok ng dalawa at pag-umpugin. Hinanap na lang ng mga mata niya ang mga kasama na nasa loob pa at nasa iba ibang section ng grocery store.

"I mean, kisses. Hershey's Kisses? Pero kung may Nõka kayo or Delafee dito, mas okay."

Napakayabang talaga! Paano magkakaroon ng Noka at Delafee sa maliit na grocery store sa Palawan? Sarap sikmuraan talaga nitong Toryo na 'yo!

"Ah, kayo talaga sir, ah? Kisses lang po ang meron kami, sandali lang." may tinawag na kasamahan ang babae para kunin ang kailangan. Ang items na ni Dawn ang pina-punch ng cashier na panay pa rin ang ngiti kay Toryong Impakto.

Pagkabayad ay agad naglakad si Dawn, ilang hakbang lang mula sa cashier para hintayin ang mga kasama. Inilapag muna niya ang bagahe at inaliw ang sarili sa pagtitig sa labas.

At dumaan na parang hangin lang sa tapat niya si Toryong Impakto, tubig lang ang bitbit. Ah, matapos lang niya ang assignment, isang horror uli ang gagawin niya na inspired ni Thor. Prince dwarf naman ang role nito. Hideous dwarf na itinakwil ng palasyo.

"Ma'am?" napalingon si Dawn sa pinagmulan ng boses. Ang teenager na alalay ng cashier ang nasa tabi niya. "Pinapabigay po ng ex husband n'yo."

Nakanganga na napakurap-kurap si Dawn. "E-Ex husband?" gagad niya, wala sa loob na niyuko ang sinasabi nitong 'ipinabibigay' ng ex husband. Ang chocolates ni Toryong Impakto? Aba't nanadya talaga ang tinamaan ng magaling na lalaking iyon!

Bumuka pa lang ang bibig ni Dawn para magsalita ay naunahan na siya ng teenager. "Para daw po Ma'am hindi na kayo nag nang nag. Ubusin n'yo raw sa isang araw lang para maalis ang mood n'yong parang laging nagme-menopause—" napaatras ang teenager nang magtagis ang mga ngipin niya. Nanlisik din yata ang mga mata niya kaya natakot ito. "Sorry, Ma'am," dugtong agad ng teenager. "Pasensiya na po, napag-utusan lang. Bayad na po ito, Ma'am. Babalik daw si Sir para i-check ang CCTV. Kung kami daw ang kumuha nito at hindi kayo, mawawalan kami ng trabaho. May connection daw siya sa awtoridad dito, Ma'am. Sabi ni Ate Ming," nilingon nito ang cashier. "Artista daw 'yon si Sir kaya malabong magsinungaling. Baka mawalan nga kami ng trabaho kung 'di n'yo tatanggapin, Ma'am."

Baliw na Impakto talaga. Mang-aasar lang, kailangan pang takutin ang teenager. Siya lang naman ang target, nandamay pa ng ibang tao.

Tumango si Dawn. "Sige, akin na 'yan," sabi niya. "'Wag ka nang mag-alala sa trabaho mo. Ngumiti ka at mag hi sa camera. At 'yong artista? 'Yong 'ex husband ko?" may sobrang diin sa artista at 'ex husband' "Kung sakaling bumalik, sabihin mong 'wag siyang magkakamaling magpakita sa akin kundi, babasagin ko kamo ang itlog niya."

Natawa ang teenager bago kumamot sa ulo. Sa anyo ay mukhang hindi akalain na sa kanya maririnig iyon. Walang preno talaga ang dila niya kapag pikon na. At pikon na pikon na siya kay Toryo. "Sige po, Ma'am.

"Pasensiya na rin," sabi naman ni Dawn na ngumiti na. "Mainit lang talaga ang ulo ko. 'Init kasi sa labas, o?"

May paglalagyan talaga sa nobela niya si Toryong Impakto!


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Where stories live. Discover now