Writers

4.4K 130 8
                                    

LIMANG minuto bago ang oras ng meeting ay dumating sa office ng Priceless Publishing si Dawn. Lunes ang araw na iyon. Biyernes ng hatinggabi ang tawag ni Sir Four. Hindi siya lutang dahil tinulugan ni Dawn ang tinatapos na Gothic novel. Kung ipipilit niya ay siguradong babanat lang uli siya ng Chandelier at guguluhin ang sariling kama. Baka kalmutin na siya ni Reid sa susunod na 'gumawa' siya ng music video. Iniwan niyang mag-isa ang pusa. Hindi sigurado ni Dawn kung babalik siya sa bahay na iyon sa Rizal o uuwi muna siya sa Caloocan.

"Wala ka pa rin namang makikita sa bag ko," sabi ni Dawn sa lady guard na nasa entrance ng office. Nagsulat siya sa log book ng guard, nag-check naman ito ng kanyang bag "Limpak limpak na salapi lang," kasunod ang nagbibirong ngisi. Natawa ang lady guard. Nagpasalamat pagkatapos gawin ang inspection sa bag niya.

Paalis pa lang si Dawn sa harap ng lady guard ay magkasunod namang dumating ang dalawa niyang co-writers—na hindi man niya kadikit o talagang ka-close ay kilala niya naman sa mga mukha. Salamat sa social media. Nakita na rin niya ang dalawa sa mga nakaraang writers meeting. Paminsan-minsan ay nagkakasabay rin sila sa office sa iba't ibang concern—paychecks, manuscripts, contracts, brainstorming, at annual writer's party.

Si Dream De Gracia, rom-com writer ng PP at si VA Sinclair na kilala namang YA writer ng PP ang mga bagong dating.

Napatitig siya kay VA Sinclair. Bagong gupit. Ang ikli ng buhok ni ateng! Mas umikli ang buhok na maikli na dati pa. Na-emphasize ng bagong gupit nito ang shape ng mukha. Parang mas naging bata sa totoong edad. Una na niyang napansin ang maamong mukha at mabait na mga mata. Slim at petite si VA, malayo ang agwat ng height niya sa height ng babae pero sa skin naman ay ang layo nila. Pakiramdam ni Dawn ay ang itim niya kung itatabi rito. Maputi ang babae at makinis. Siya ay morena—walang magawa ang whitening soaps sa balat niya. Matagal na niyang isinuko ang pangarap na maging ka-skin ng mga kapatid niyang tisay. Ang nagagawa na lang niya ngayon ay protektahan ang morena skin na huwag nang umitim pa—sunblock lotion!

Lumipat kay Dream ang tingin ni Dawn. Mas matangkad ang babae kay VA. Maputi at makinis rin. Gaya ng una niyang nakita ito, tuwid na tuwid na naman ang hanggang baywang na buhok. Kung close sila, magbibiro sana siyang 'nag rejoice ka, te?' Hindi sila close kaya pinilit niyang itikom ang bibig kahit gusto na niyang dumaldal. Naamoy niya ang scent nito—DG light blue.

'Ansabe ng tig fifty pesos na cologne ko kay ateng?

Mas nauna sa kanya ang dalawa sa PP kaya sa hula niya ay pang-fifty pesos cologne pa lang talaga ang talent fee niya kung iku-kompara sa mga ito. Ayos lang. Hindi perfume ang problema niya kundi ang monthly bills.

Ngumiti siya at nag-hi sa dalawa habang abala ang mga ito sa pagsusulat ng mga pangalan sa logbook ng guwardiya. Gumanti ng pagbati si VA. Si Dream ay abala sa pagsusulat sa logbook pero tumango at ngumiti sa kanya. Nagdesisyon si Dawn na hintayin na lang ang dalawa. "Pay check or other things?" walang ingat na tanong niya sa mga ito. Ang sadya nito sa office nang araw iyon tinutukoy niya.

"Other things," sagot ni Dream.

"Other things din," si VA naman, at napatingin sa likuran nito dahil may pumasok uli na bagong dating—si Belle Dame.

Salamat sa pagdating ng kilalang erotic romance writer na si Belle, dalawa na silang magkakulay sa lugar na iyon. Pareho silang morena ng babae pero mas matangkad ito sa kanya. Mga five-nine siguro ang height ni Belle. Paiba-iba ang kulay ng mahaba at curly na buhok nito sa ilang beses na nakita niya ang babae sa office. Natatandaan ni Dawn ang babae dahil pareho silang prangka. Natawa na lang siya no'ng isang beses na nagkasabay sila at walang preno ang bibig nito. Nagkuwento si Belle tungkol sa tinatapos na manuscript. Binanggit nito na nagamit na raw ang lahat ng 'position' sa mga kuwentong naisulat, paulit ulit na rin lang daw ang mga lugar kaya nabo-bored sa tinatapos na manuscript. Wala daw bago. Puro sex. Nag-suggest si Dawn, nakalambitin sa shower ang babae habang nagdo-'do'. Sa pagka-wild ng dalawa, nasira ang shower, namatay ang dalawa dahil sa pagkabagok ng mga ulo. Naging multo sa shower room—tinapos niya ang suggestion na siya na ang bahala sa book two. Tawa sila nang tawa habang nasa lobby ng admin office ng PP.

"Uy, girls! Hi!" masiglang bati Belle sa kanilang lahat.


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Where stories live. Discover now