Sir Four And Theo James

5.2K 133 8
                                    

Sir Four?

Walang kupas talaga ang Publisher ng Priceless Publishing na si Rafael Dimahingan IV o Sir Four sa kanilang lahat. Pang horror din ang peg! May sa multo kung magparamdam! Maghahatinggabi talaga kung tumawag—iyon ang laging oras ng tawag nito.

Sa hula ni Dawn ay gising lagi sa ganoong oras ang Publisher nila pero himalang hindi nagkaka-eyebags. Hashtag immortal si Sir Four. Hindi gaya nilang mga writers na kilo kilo ang eyebags. Kung may genie na lalabas sa isa sa mga pages ng books niya na hindi tumutupad ng kahilingan kundi sumasagot ng mga tanong—oo, may ganoong genie, walang basagan ng trip—ang unang itatanong ni Dawn ay: "Genie, bakit walang eyebags si Sir Four at limang kilo ang eyebags ko?" Kapag nagkamali ng sagot ang genie, hahampasin niya ng boteng nilabasan nito hanggang matsugi. Walang silbing genie, parang Google lang, hindi masagot nang matino ang tanong niya tungkol sa kawalan ng eyebags ni Sir Four. Images ni Theo James ang sagot sa kanya ng Google nang subukan niyang itanong.

Ano'ng gagawin niya kay Theo James? Mamahalin? Salamat na lang. Nagmahal na siya. Nagmahal siya pero walang sila—wala, eh. Secret love lang. Ang hirap kaya mag-move on kung hindi naman naging kayo!

Kaya tama na.

Kung tatayo sa harap ni Dawn si Theo James, mabilis siyang luluha. Magbe-break down siya at puno ng feelings ang linya:

"Pagod na akong magmahal, Theo. Tama na, please. 'Wag mo na akong mahalin kasi ang sakit na. Ipaparamdam mo sa akin na prinsesa mo ako? Ibibigay mo sa akin ang affection na kailangan ko? At ako naman si Tanga na mafo-fall kasi pa-fall kang Impakto ka! Tapos ano? 'Pag mahal na kita, manlalamig ka na lang basta? Ako naman si gaga na mag-iisip ng kung ano ano, mapa-paranoid, magkakaroon ng kutob na may iba ka. Na hindi na ako nag-iisa sa puso mo. Na hindi na posible ang sana ako lang, sana ako pa rin, at sana ako na lang uli? Galing na ako sa moment na 'yan, Theo. Masakit kaya 'wag na nating ulitin. Hindi na kaya ng puso ko. Wasak na wasak na, eh. Ni hindi ko nga alam kung kailan 'to mabubuo. And please, 'wag mong sabihin na ikaw ang kailangan ko, Theo! Na ikaw ang lalaking maghi-heal ng mga scars ko. Ano ka, Sebo de macho? Contractubex? 'Wag ako. Iba na lang, Theo! Don't me!

Sa exact moment na nakita ni Dawn si Theo James sa dilim na handa nang magbitaw ng linya bilang sagot sa madamdamin niyang speech, saka naman nagliwanag. Bad timing ang Meralco. Naglaho si Theo James. Bumulaga sa kanya ang katotohanan na nag-iisa siya sa kuwarto ng ala haunted house. May kasama nga pala siya, si Reid.

Nawala na ang liwanag ng smartphone ni Dawn.


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon