Writers' Escorts

3.4K 119 1
                                    

GAYA ni Dawn, gusto rin ng mga kasama na hindi lang sila gala na lang nang gala habang ang iba ay nananahimik lang, nananalangin o kaya ay inuubos ang oras sa reflection at meditation activities dahil sa Holy Week.

Nagkasundo silang apat na pumunta sa Kuyba Almoneca, isang meditation garden na ni-recommend sa kanila ng driver ng nasakyan nilang tricycle. Gusto rin ni Dawn ng katahimikan kaya nagkukuwento pa lang ang driver, nabuhay na ang interes niya. Gusto niyang puntahan ang lugar. Kung may ibang plano ang mga kasama, naisip ni Dawn na sumaglit sa lugar kahit mag-isa lang sila.

Natuwa ang dalaga nang lahat sila ay nag-come up sa iisang desisyon—pupuntahan nila ang meditation garden. Parang side trip, wala kasi sa itinerary nila ng tour ang Kuyba Almoneca. Buo na ang plano, na nagkaroon bigla ng twist nang dahil kay Victoria. Ang iniisip niyang shy na kasama, parang bigla ay gusto ng na ng ka-love team. At si Roberto, the macho man ang target. Pinigil ni Dawn na mapangiti sa naisip. Pansin niya kasi ang mga nakaw na tingin ni Victoria sa machong kaibigan ni Sir Four na perfect ang pagiging kayumanggi. Ewan kung bakit, pero si Machete talaga ang naiisip niya kapag napapasulyap kay Roberto.

Bago mag-midnight nang nagdaang gabi, lumipat sa kuwarto nila ni Dream sina Victoria at Belle. Kay Victoria nagmula ang ideya na isama nila sa Kuyba Almoneca ang kanilang mga 'housemates'

Umani ng iba't-ibang reaction ang suggestion ni Victoria. Si Dream ay namilog ang mga mata at umawang ang bibig. Parang tutol pero hindi. Na kung lalagyan ng hashtag ang description sa mukha nito, #GirlNaLito ang bagay.

Si Belle naman ay agad tumutol, nalukot ang mukha. "Isama na lahat," matatag na sabi nito. 'Wag lang si Dr. Octopus!" ang biglang pagtayo ni Belle at diin ng pagsasalita ay parang ex girlfriend na biglang nag-appear sa simbahan at tumututol sa kasal ng nang-iwang boyfriend. Na kung lalagyan ng hashtag ay #DiMakaMoveOnNaGf ang bagay. Nahuhulaan na ni Dawn ang ganoong reaksiyon ni Belle—war ito at si Kale. Hindi niya alam kung may malalim na dahilan o kung mainit lang talaga ang ulo nito sa lalaki. Naisip rin ni Dawn na baka 'instant inis' lang, pareho ng pakiramdam niya kay Thor sa mga una nilang encounter.

Si Dawn naman, dahil nga nag-decide na siyang mag-let go ng mga negative feelings, sumama man o hindi ang mga housemates nila ay okay sa kanya. Walang kaso. Hindi siya pro, hindi rin against. Hahayaan na niyang mag-decide ang mga kasama. Kung ano ang gusto ng mga ito, gusto na rin niya. Hindi na rin kasi iniisip ni Dawn ang 'hangin' ni Toryong Impakto. Napag-isip isip ng dalaga na mas magaan ang buhay kung wala na lang siyang pakialam. Kung kakausapin siya ng lalaki, walang problema. Makikipag-usap siya. "Kung magyayabang naman ang Toryo, ayos lang din. Pakikinggan niya sa isang tainga at ilalabas sa kabila. Naka-focus na siya sa isang bagay—relaxation, na naiisip niyang solusyon para gumana uli ang utak niya. Na-realize rin ni Dawn na masyado niyang pinu-push ang sarili kaya nagsilayas ang mga muse niya. Hayun, nganga tuloy ang ending niya.

"Kung saan ang bet ng group, go ako," sabi ni Dawn sa magaang boses. Tumingin sa kanya ang mga kasama. Si Victoria ay obvious na natuwa, si Belle ay nagtaka, si Dream ay kumurap-kurap lang bago ngumiti. Alam ni Dawn kung bakit, witness ang roommate niya sa pagkaasar niya kay Thor. Hindi yata nito inaasahan ang biglaang change of heart—hindi, mood swing yata ang tamang term—niya.

Ang final decision?

Kasama nila sa Kuyba Almoneca ang mga god na naligaw sa millionaire's village.

Sa Kuyba Almoneca ang una nilang rampa na may mga escort.

Bakit parang nae-excite siya?


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon