Meeting

4.6K 130 9
                                    

SA private office ni Sir Four ang meeting. Nagpunta sa rest room si Dawn at pagbalik niya, wala na ang tatlong kasama sa lobby ng admin office. Si Miss Marlie ang naabutan niya, ang forty-five years old na secretary ni Sir Four. In-assist siya ng babae patungo sa private office ng boss nito—at doon ay nakita ni Dawn sina VA Sinclair, Dream De Gracia at Belle Dame.

Apat lang kami? Sa isip ni Dawn. Ano'ng meron?

Sa tingin niya ay iyon rin ang iniisip ng tatlo; napapatingin sila sa isa't isa. Base sa katahimikan ay napapaisip rin ang mga kasama niya. Bakit silang apat lang? May thirty na yata ang writers ng PP. Wala rin sa kanilang apat ang senior batch. By batch kaya ang meeting na 'yon? Pero hindi niya naman ka-batch ang tatlo. Siya ang pinakabago sa mga ito.

Inilapat ni Miss Marlie ang pinto pagkapasok ni Dawn. Umupo siya sa tabi ni Dream. "Tayo lang kaya o may iba pang hihintayin?" basag niya sa katahimikan.

"Iniisip ko rin," sagot ni Dream, hinagod ang rebonded na buhok. "Kung tayo lang, bakit? Nasa'n 'yong iba?"

"By batch ang meeting?" singit ni VA na Victoria ang real name.

"First batch tayo?" si Belle naman, abala na sa iPad. Handang-handa yatang magsulat ng notes. "Monday ngayon, eleven thirty pa lang. Ten AM ang dating ni Sir Four sa office, di ba?"

"Kung may dumating ng ten AM, second batch na tayo," si Dawn naman. "Para saan kaya ang meeting?"

"Royalty?" bulong ni Dream na katabi niya, napapangiti.

"Ay naman, 'te! Wish ko lang!" bulalas niya, wala siyang inilabas kahit small notebooks dahil wala siyang dala. Sunblock, payong, bottled water at laptop lang ang nasa bag niya.

"Wish ko rin 'yan!" si VA naman.

"Hindi ko wish 'yan. Want!" si Belle.

Tawanan sila.

Tawanan na naputol nang pumasok si Piolo Pascual—este si Rafael Dimahingan IV o Sir Four na naka-jeans at shirt lang. Sabay sabay lang na umayos sila ng upo at nawala ang mga ngiti. Napatingin na naman siya sa mga mata ng Publisher. Nakakainis talagang hindi ito nagkaka-eyebags samantalang gising ng late night.

"Good morning!" buong-buo ang boses, pantay ang tono na bati nito pagpasok sa private office. Kasunod nito si Miss Marlie na may dalang mga notes.

"Good morning, Sir Four!" sagot nila sa magkakaibang level ng boses. Dalawang malakas at dalawang mas mahina.

"Kumusta kayo?"

Pagkaupo sa harap nilang apat ay tanong nito. Pabilog ang mesa sa office kaya magkakaharap sila at hindi malalayo ang distansiya. Isa-isa silang apat na dinaanan ng mga mata ng Publisher. Mula kay VA hanggang sa kanya at bumalik uli kay VA bago nagtanong. "VA," huminto ang mga mata nito sa babae. "Ano'ng tinatapos mo ngayon? Genre, title and chapter?"

"YA po, Sir. Antonette's First Love. Chapter nine."

Tumango si Sir Four. "Dream?"

"Rom-com pa rin po, Sir. Si Crush Next Door. Chapter five."

"Belle?"

"Forbidden Affair. Chapter three po, Sir."

"Dawn?"

"Captured, Sir. Connected po sa ire-release kong gothic book next week. Chapter four pa rin."

Tumango-tango si Sir Four, nanahimik na para bang nag-isip. Mayamaya ay isa-isa uli silang tiningnan. Mula kay VA hanggang sa kanya na naman. "YA, Rom-com, erotic, gothic, tama?" kasabay ang isa isang pagturo sa kanilang apat.

BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Where stories live. Discover now