Remembering Kitty

3.1K 111 0
                                    

HINDI man kinaya nang matagal, nag-enjoy naman si Dawn sa 'pangingiliti' ng mga isda sa free fish spa sa Kuyba Almoneca. Hinayaan niya ang sariling tumawa nang tumawa. Ilang seconds lang naman. Na-realize ni Dawn, hindi na niya maalala kung kailan siya tumawa nang ganoon.

Parang hindi yata. Wala siyang maalalang happy scene sa buhay niya. Ang mga may 'tawa moment' na eksena lang, noong magkasama pa sila ni Keith. Tinutukso siya ng kaibigan tungkol kay Sier Raullo, ang kanyang crush na asawa na ng babaeng tisay at pang bold star ang boobs. Nilalait ni Keith mula ulo hanggang paa si Sir Sier, na para sa kaibigan ay 'Siraulo' na sa pangalan pa lang. Kapag umabot na sa pangalan, gaganti na si Dawn ng atake. Nilalait na rin niya ang mga crushes ni Keith na lahat ay mala-walis tingting. Attracted ang kaibigan niya sa mga super payat na babae, 'yong tipong parang buto't balat na lang.

Hay, Kitty, 'musta ka na ba?

Napangiti si Dawn, naalala ang mga moments nila ng kaibigan. Kitty ang pang-asar na tawag niya rito. Ang malakas namang pagtawag sa kanya ng 'Diomeda' sa campus ang ganti ni Keith. 'Pag walang asaran, 'Middy' o kaya ay 'Midz' ang tawag sa kanya ni Keith.

Nami-miss na naman niya si Keith Ferrion...

Pumikit si Dawn at huminga nang malalim. Sa mahigit two decades niya sa mundo—twenty tree na siya—si Keith lang talaga ang nami-miss niya. Wala kasi siyang matandaang happy moments niya kasama ang kinilalang pamilya. Painful memories ang marami—na ayaw na niyang balikan pa o mas masasaktan lang siya.

Naisip nga ni Dawn minsan, kung magkaka-chance siyang mag-wish ng isang bagay lang nang hindi pag-iisipan, isa lang ang wish niya—ang bumalik ng Pilipinas si Keith at magkasama uli sila. Sa maikling panahon kasi, mas naging 'kapamilya' pa niya si Keith kaysa sa mga kinilala niyang pamilya.

At ang tunay niyang mga kadugo?

Sa totoo lang, takot na siyang maghanap. Hindi na gusto ni Dawn nang dagdag pang sakit. Tama na ang isang pamilyang paulit-ulit na ipinaramdam sa kanya na hindi siya tanggap. Hindi niya kailangan ng dagdag na rejection. Okay na siyang mag-isa. Mahirap, oo pero kinakaya naman niya. May mga moments lang talaga na napapa-wish siya na sana ay nasa Pilipinas pa rin si Keith.

Diomeda Makulimlim, bakit ka ba nag-e-emote? Nag-decide ka nang ii-enjoy ang trip na 'to, 'di ba? Ano'ng drama na naman 'yan?

Nag-inhale exhale uli si Dawn bago ngumiti sa mga dahon ng halaman sa itaas niya.

Naramdaman niya ang paglapit ng isang tao. Nakuha agad ng bango nito ang atensiyon niya.


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Where stories live. Discover now