Phone Call And Chandelier

4.7K 145 7
                                    

BIGLAANG meeting or bagong assignment ang naisip ni Dawn na dahilan ng tawag ni Sir Four. Hindi kailangan ni Dawn ng bagong assignment sa status ng utak niya ngayon.

Inspirasyon ang kailangan ko, Sir Four!

Sigurado rin si Dawn na may ibang writer na tatawagan si Sir Four para ibigay ang bagong assignment—kung iyon nga ang dahilan ng tawag.

Inabot niya ang smartphone. May naisip na gawin si Dawn na baka sakaling effective pangwasak ng writer's block. Hinanap niya ang paboritong playlist para i-play ang particular na kanta. Hinagis niya sa kama ang gadget na nasa full volume, hinila ang manipis na kumot at ibinalot sa sarili bago nag-pose na ala ballerina. Hindi nga lang niya kayang gayahin ang mga paa kaya ang kamay na lang ang itinaas, inarko ang baywang at nag-chest out.

Nagsimulang umingay sa kuwarto ang Chandelier ni Sia. Nag-lip sync si Dawn nang bongga. Ginamit na props ang kumot para mag-ala star sa music video. Nakailang-lundag siya, gulong, tumbling, talon sa ibabaw ng kama at gapang na parang tigre, gulong uli at talon na naman sa ibaba at gumapang ala Sadako. Hindi pa nakontento, nag-walling, kinalmot ang kawawang pinto habang nagtu-twerk, nag-tumbling nang paulit-ulit hanggang nahilo, gumapang nang gumapang na parang nawala sa katinuan at nang huminto ay gumapang na naman ala Sadako, balot na ng kumot.

Sunod nang sunod sa kanya ang pusang si Reid—oo, galing kay James Reid ang pangalan ng suwerteng pusa na ang ganda ng mga mata. Alaga si Reid ng katiwala ng 'haunted house'.

Bumanat si Dawn ng kanta. Malayo naman ang kapitbahay, walang magbabato ng bubong sumigaw man siya.

"I'm gonna swing from the chandelier...from the chandelier. I'm gonna live like tomorrow doesn't exist. Like it doesn't exist..." tumalon siya sa kama at binugbog ang mga unan. "I'm gonna fly like a bird through the night, feel my tears as they dry. I'm gonna swing from the chandelier, from the chandelier." Nagpagulong-gulong si Dawn, napasobra ang feel na feel na pag-eemote—bumagsak siya sa sahig na gawa sa kahoy.

Lagot ang balakang niya.

Nakatitig sa kanya si Reid. Kung tao ang pusa, nakanganga na.

Naputol ang musika dahil sa muling pagtawag ni Sir Four.

Hindi pa nangyaring tumawag ang Publisher ng dalawang beses sa isang araw kaya naisip ni Dawn na importante. Hingal kabayo siya nang tinanggap ang tawag. Para siyang galing sa marathon.

"H-Hello, Sir...Good...good evening po," may pagitan ang bawat pagsambit niya sa salita. Hindi niya magawang pigilan ang paghingal.

Tahimik ang kabilang linya. Napakunot noo naman si Dawn. Napindot lang yata ang number niya?

"S-Sir Four?" ulit niya para makasiguro, naghahabol pa rin ng hininga.

"Dawn?" Ang mababa at buong-buong boses nito ang narinig niya. Na sa mga ganoong pagkakataon na nasa kabilang linya ito at magkausap sila, kung character sa kuwento niya ang Publisher ay kapre ito dahil sa timbre ng boses. Pero kung romance ang genre niya, Batman-hero ang magiging character nito sa boses pa lang. "Busy ka?" sanay na siya sa isa o dalawang linya nitong sinasabi. Buhay na patunay si Sir Four ng mga lalaking sobrang tipid magsalita. Hindi rin nga nito gusto ang pagti-text kaya tuwing may tanong si Dawn, kung hindi walang reply ay tatawag ito para ibigay ang sagot.

"Yes...yes, Sir," habol uli ng hininga.

Katahimikan.

Napaisip yata ang Publisher na kung sa manuscript siya busy, bakit siya hinihingal? Hindi nga naman nakakahingal ang manuscript. Pero wala siyang kailangang ipaliwanag. Wala namang pakialam ang Publisher kay Diomeda Makulimlim. Ang buhay niya bilang si 'Dawn Mendez' lang naman ang concern nito.

"Nasa bahay ka?"

Ay, grabe, Sir! Alangan namang nasa sanga ng puno at naglalambitin? Impakta na rin yata ang tingin nito sa kanya dahil sa mga nobela niya.

Sa pagkakatanda ni Dawn, hindi nagtatanong nang ganoon ang Publisher. Pagkatanggap niya ng tawag ay walang ligoy ang pagpapasa ng impormasyon. Lugar at oras ang huling babanggitin nito bago tatapusin ang tawag.

"O-Opo, Sir. Hindi po ako nag-go-ghost hunt ng ganitong oras, promise. Hindi...hindi rin po ako naglalambitin sa sanga ng puno." Hingal uli. Lumapit si Reid at dumikit sa kanya, idinikit ng pusa ang mabalahibong katawan at ikiniskis sa kanya. "Naman, eh. Mamaya na, Reid—aray naman! 'No ba?" kasunod ang tawa dahil naghalo ang sakit at kiliti ng apak-apakan siya ng pusa sa gitna ng mga hita para maidikit ang sarili sa kanya.

Tahimik uli ang kabilang linya. Parang busy sa ibang bagay si Sir Four habang nakikipag-usap. Mas marami pa ang katahimikan kaysa sa mga segundong nagsasalita ito.

"Sir—"

Inagaw ni Sir Four ang sasabihin niya. Nagbigay ng oras at date. Importanteng meeting daw at kailangang pumunta siya. Magtatanong pa sana si Dawn pero mabilis nang pinutol nito ang pag-uusap at nawala na sa kabilang linya.

Si Reid na lang ang tinanong ni Dawn nang dapat niyang itatanong kay Sir Four. Madamdaming 'ngiyaw' ang sagot ng pusa.

Inulit niya ang pag-play sa Chandelier. Nag-lip sync uli siya at nag-ala 'exhibitionist' na may props na kumot at unan. Tumigil lang si Dawn nang pakiramdam niya ay nailabas na ng buong katawan ang pang isang araw na pawis.

Hindi man nawala ang giant block, gumaan naman ang pakiramdam ni Dawn. Umayos yata ang daloy ng dugo niya dahil sa 'exercise'


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon