Kabanata 13

6.2K 252 14
                                    

Kabanata 13

Sweet Haven

Mabilis lumipas ang mga araw. Pinasasalamat ni Joe na hindi na nagkrus ang landas nila hanggang matapos ang Biyernes. Hiyang-hiya parin siya sa ginawa. Ewan niya ba kung anong pumasok sa kanyang kukote at binigay niya ang panty kay Lucas. Hinubad niya ang panty bago siya lumabas sa classroom ni Yanyan.

Nakagawian na ni Joe na gumising ng maaga kaya kahit Sabado ay ala-singko palang ay gising na siya. Lumabas siya sa kanyang kwarto at nagtungo sa kwarto ng kanyang Mama. Walang pintuan ang kwarto. Tanging kurtina lang ang nagsisilbing takip kaya hinawi niya ang kurtina at nakitang mahimbing na natutulog ang kanyang Mama at kapatid.

"Ma, gising na po," aniya sa mahinang boses, baka magising pa si Yanyan.

"Hmm."

"Diba maaga kayo ngayon sa farm? Maghahanda lang po ako ng almusal bago kayo umalis."

Tumagilid ang Mama niya at hinarap siya. Napansin niyang may kakaiba rito kaya mabilis siyang lumapit. Sinalat niya ang noo ng kanyang ina at medyo mainit ito.

"Ma may lagnat kayo," nababahalang sambit ni Joe.

Pagod itong ngumiti.

"Naku mawawala rin ito anak. O siya maghanda ka na ng almusal. Maliligo muna ako."

Umiling siya at malungkot na ngumiti. Mahirap sa kanyang makitang ganito ang kanyang Ina. Alam niya ang hirap at pagod nito para lang mairaos silang magkakapatid. 

"Ako na po ang pupunta sa farm," suhestiyon niya. "Magpahinga nalang po kayo Ma."

"Hindi na. Mapapagod ka pa. At saka alam kung marami ka pang kailangang pag-aralan. Malapit na ang  exam niyo."

Kadalasan ang Ina ay handang gawin ang lahat para sa kanilang anak. Hindi nila iniinda kahit gaano pa kahirap. She wondered how could a mother be so selfless.

"Ma hindi na po ako kailangang magreview. Matalino yata 'to," birong sabi ni Joe. "Basta ako na po ang bahala. Bumalik na po kayo sa pagtulog. Ihahanda ko nalang po ang almusal at gamot niyo bago ako umalis."

Tumango ang Mama niya at pinikit nito ang mga mata. Hinalikan niya ang noo nito bago siya lumabas.

Mabilis ang kilos niya para makaabot pa siya sa tamang oras. Just recently lumipat ng pinagtatrabahuan ang Mama niya. Nagtatrabaho na ito sa Durian farm.

Sumakay si Joe ng trisikel papunta sa farm. Hindi pa siya nakakapunta sa mismong farm kaya medyo excited siya. Maraming Durian Farms sa kanilang lalawigan pero hindi niya pa nasubukang magtrabaho rito.

Halos tatlumpong minuto ang biyahe bago sila makarating sa farm. Bumaba siya at binayaran ang driver ng trenta pesos.

Malaki at mataas ang gate na may letrang nakaukit, 'Sweet Haven Durian Farm'. Napangiti siya sa pangalan ng farm. Siguro babae ang may-ari ng farm base sa pangalan nito. The name was too feminine.

Lumapit siya sa guard na on duty.

"Good Morning po. Trabahante po rito ang Mama ko pero hindi po siya makakapasok ngayon dahil may sakit siya kaya ako po muna ang papalit sa kanya."

Sinipat si Joe ng guard kaya medyo kinabahan siya pero kalaunan ay ngumiti rin ito. Naibsan ang kaba niya.

"Sige Iha. Isulat mo nalang ang pangalan ng Mama mo sa logbook."

Tumango siya at sinulat ang pangalan ng Mama niya.

"Salamat po!" masayang sabi niya sabay salute dito.

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon