Kabanata 4

13.1K 350 17
                                    

Kabanata 4

Pond


Nagtanong tanong si Joe sa mga kasambahay at itinuro sa kanya kung sino ang mayordoma. Nilapitan niya ito kaagad at hiningi ang bayad.Buti na lang at mabait ito. Binigyan siya ng pera at nakangiting tinahak ang daan palabas ng mansiyon.

Lunes, maaga siyang nagtungo sa school dahil marami pa siyang tatapusing research para sa reports.

Stress sila masyado sa major subjects nila. Dalawa kasi sa major subjects ang hawak ni Madam Villar. Mabait naman ang naturang guro pero boring minsan dahil palaging reporting ang peg nila.

Kapag nagbigay naman ito ng exams ay malaking kalbaryo para sa kanila dahil mukhang nakalimutan yata ng teacher nila na tao sila, akala nito na parang memory card ang mga utak nila na pwedeng istore lahat ng data.

Hindi marami ang questions niya pero napakaraming sagot. Last year, ito rin ang teacher nila sa sa major subjects.

Sa finals, binigyan lang sila ng limang tanong. Dapat masaya sila dahil limang tanong lang pero hindi eh. Lagpas one hundred ang score non.

Enumeration lahat tapos i-explain pa kada bullets. Isang number lang labin-dalawang bullets na. Hanep na buhay!

Lumabas na siya ng library pagkatapos magresearch. Pasalampak siyang umupo at nangalumbaba. Halos nandito na lahat ng classmates niya.

May kumalabit sa kanya mula sa likod at nilingon niya si Claire.

"Oy, Pres anong pinag-usapan sa meeting niyo noong Friday?"

Classroom president kasi siya simula pa noong first year. Block section kasi ang system dito sa unibersidad kaya classmates parin sila hanggang sa 4th year.

Nagkibit siya ng balikat.

"Tungkol lang sa upcoming Acquaintance party. I'll tell the rest later na after sa subject na 'to," sagot niya.

"Okay. Nandito na rin pala si Madam Villar."

Umayos na sila ng upo. Haay... Reporting na naman. Wala namang bago eh.

"Who's the reporter for today?"

"Si Rhea Mam," chorus na sagot ng ilang kaklase niya.

"Post your visual aids in front," sambit ni Madam at pumunta sa likuran at umupo.

Pumunta na si Rhea sa unahan at idinikit ang mga manila papers sa white board.

"Good morning Mam, good morning classmates... My topic for today is about the Contents of the IEP..."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Rhea habang nakatuon ang atenisyon nila sa harap. Hanggang sa matapos ito at nakahinga sila ng maayos.

Yes! Time na!

Ang iba sa kanila ay nag-unat pa dahil baka sumasakit ang mga pwet sa kauupo. Tsk,tsk.

"That's all for today class. Study the whole chapter two. We'll have a quiz on Wednesday before the reporting. Bye class..."

Nang lumabas si Madam Villar ay nagmaktol ang mga kaklase niya.

"Anak ng! Quiz na naman! Paniguradong enumeration lahat yan tapos explain each. Kaloka si Madam!" bulalas ni Fe, classmate niyang may tatlong anak na.

"Haay, o siya mamaya na 'yan. Pag-uusapan muna natin ang naging meeting namin noong Friday," sabad niya at pinaupo ang mga kaklase niya.

Tumalima naman ang mga ito at nakinig sa kanya.

Pagkatapos ng meeting nila ay nagsilabasan na sila. Ala-una pa kasi ang sunod nilang subject.

Nagtungo si Joe sa likod ng education building. May kakahuyan dito pero hindi masyadong malapad. Sa dulo nito ay may fishponds at ito ang paborito niyang tambayan kapag free time.

May klase pa kasi si Queennie at masyadong abala rin ang babaeng 'yon.

Abala kay Lutian!

Bahagya siyang napatawa at medyo kinilig kapag naiisip niya ang dalawa na parang aso't pusa kung magbangayan. Pero kahit ganun ang dalawa ay ubod ng sila kasweetan.

Malapit na siya sa fishpond. Natigilan siya dahil may taong nakahiga malapit sa puno. Ito palagi ang paboritong pwesto niya dahil maganda ang spot.

Covered kasi ng carabao grass ang paligid ng pond kaya malinis at pwedeng higaan.

Tahimik na lumapit si Joe. Ang kumportable ng higa nito.

He's a guy. A hot one. Matangkad ito at may magandang katawan. Ang dalawang braso nito ay nakalagay sa likod ng ulo na parang ginawang unan.

She bet ang firm ng mga biceps nito at mukhang may abs. Nakaopen kasi lahat ng butones sa male uniform nito at ang panloob na white v-neck shirt ay bakat sa katawan nito. Hmm, yummy.

Ngek! Kung saan-saan na humahantong ang imahinasiyon
niya. Bahagya niyang sinampal ang sarili upang magising sa katotohanan.

"Aray!" mahinang daing ni Joe.

Ang bobo rin niya eh. Sampalin ba daw ang sarili, tsk.

Sino kaya ang lalaking 'to? Hindi lantad ang mukha nito kasi natatakpan ito ng libro. Sa gilid lang ng ulo nito ay ang bag na kulay itim na Jansport.

"Psst..." sitsit niya rito, baka sakaling magising.

Pero hindi ito natinag. Ang lalim ng tulog ah! Humakbang pa siya palapit. Isang hakbang na lang ang distansiya niya mula rito. Malapit siya sa nakatuping braso nito.

"Pssst..." ulit na sitsit niya.

Haay. Wala pa rin.

Napanguso siya at may nagbabadiyang kapilyuhang naisip. Sinapo niya ang kanyang bibig para pigilan ang paghagikhik. Bahagya niyang inangat ang kanang paa at mahinang sinipa ang braso nito.

Nawala ang kanyang ngiti nang wala pa rin itong reaksiyon. Muli niya itong sinipa pero gaya kanina ay mahina lang. Bakit hindi man lang ito natinag? Kinakabahan siyang napaluhod sa gilid nito.

Patay ba ang isang 'to?

"Hoy... P- atay ka ba! Bakit hindi ka kumilos diyan nang sinipa kita?"

Hindi ito sumagot. Kung patay ito, malamang hindi ito makakasagot. Anak ng! Ano ang gagawin niya?

Nagpanic na siya. Baka habang natutulog ay binangungot ito at hindi na nagising!

Pinagmasdan niya ang didbdib nito. Steady lang ang chest nito. Wala sa sariling binitawan niya ang dalang bag sa damuhan at itinapat ang tenga sa dibdib nito para pakiramdaman ang tibok ng puso nito.

Dugdug... Dugdug...

Eh? His heart was beating...?

Everything was so sudden and she found herself shrieking when she was pinned on the grassy ground.

Napapikit pa siya sabay ungol sa sakit dahil tumama ang libro sa noo niya.

Peste ang sakit!

"Damn noisy woman!" matigas ang bawat bigkas nito na may bahid na galit.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis sa pagtibok ang puso niya pagkarinig sa swabeng boses nito.

Heh! Kahit boses ang sexy! Shit na malagkit!

Ang lapit ng katawan nito dahil nakadagan ito sa kanya at nakakaliyo ang bango nito. Nanunuot sa kanyang ilong at parang kumiliti sa tiyan niya.

Dahan-dahan niyang ibinuka ang isang mata at halos mabilaukan siya nang makita kung sino ito.

"I-kaw?"

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now