Kabanata 27

3.1K 111 8
                                    

Kabanata 27

Jump Into Conclusion 


Hindi parin makapaniwala si Joe sa nangyari. Everything was so surreal. Nakauwi na mula sa ospital ang Inay niya at si Yanyan. 

Pagpasok niya sa sala ay nadatnan niya ang Inay na nakaupo sa sofang gawa sa kawayan. Malalim ang iniisip at hindi nito pansin ang pagdating niya. 

"Magandang gabi po Nay," aniya sabay kuha sa kamay nito para magmano. 

"Kaawaan ka ng Diyos," hapong sambit nito. 

Nagsimulang kabahan si Joe at umiwas ng tingin. 

"May problema ba anak?" 

Tipid siyang ngumiti. 

"W-ala naman po Nay. Magpahinga na po kayo." 

Natatakot siyang sabihin dito ang namamagitan sa kanila ni Lucas. Baka hindi nito magustuhan ang kanyang desisyon. Her mother already warned her not to get involved with Lucas. 

Malaking palaisipan parin sa kanya ang sinabi nito. Gusto niyang malaman ang rason pero wala siyang lakas ng loob na komprontahin ito. Siguro sa tamang panahon. 

Maaga parin si Joe kinabukasan. Pagdating niya sa Sweet Haven ay nandoon na rin si Lucas mukhang inaabangan ang pagdating niya. Hindi niya mapigilan ang pamumula ng pisngi. 

As soon as he saw her, he went outside and met her halfway. He took her by surprise when he sweetly kissed her. His hands were already on her waist. She immediately snaked her arms around his neck. She tiptoed a bit because of their height difference. 

"Good morning," he whispered after the kiss. 

With a flushed face, she smiled brightly. 

"Magandang umaga rin Senorito," binigyang diin niya ang huling salita. 

Nagusot ang mukha nito at hindi niya mapigilang mapahalakhak. Ang cute pala nito minsan. 

Pagkatapos ng tanghalian ay umalis sila ni Lucas. Bibili raw sila ng ilang kakailanganin sa restaurant. Pumunta sila sa kabilang bayan. 

Napakunot ang noo ni Joe nang hindi sa grocery department ang kanilang punta. Nakaharap sila ngayon sa sinehan. 

"Anong gusto mong panoorin?" Tanong ni Lucas. 

"Akala ko ba maggogrocery tayo?" Hinarap niya ito habang nakapameywang. 

"We'll do that later," he chuckled. 

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Pinili nila ang horror movie. 

"Hindi ka takot sa horror movies?" 

Sinulyapan niya si Lucas at umiling. 

"Hindi naman masyado." 

Hawak ni Lucas ang kanyang kamay kanina pa mula sa sasakyan. Namamawis na yata ang kamay niya. Nakakahiya. 

But holding him was something she would be addicted. 

Bago magsimula ang palabas ay umalis sandali si Lucas para bumili ng snacks at drinks. Pagbalik nito ay siya namang pagsisimula. 

First time ni Joe na makapanood ng sine kasama ang nobyo. She never had a boyfriend so most of these things were new to her. As she looked at him on this dim lighted room, she couldn't stop admiring him. 

She admired how he managed to make time so they can spend it together even for a short while. Being busy is not an excuse. People make time for those who matter to them. She was beyond elated when he made this effort. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now