Kabanata 19

6.1K 241 29
                                    

Kabanata 19

Risk



Nakatunganga si Joe habang nagliligpit ang kanyang mga kaklase. Nakatingin siya sa pulang ribbon na bigay ni Lucas kamakailan. She wonder if she would still be his date?

"Hoy Pres! Mukha kang namatayan ng aso diyan!" kuha ni Fe sa atensiyon niya.

"Tsk. Don't mind me," sungit niya.

Napakamot ng ulo si Fe at napansin ang hawak niyang ribbon.

"Kanino galing 'yan Pres? Kay Lucas ba?" pabulong nitong tanong.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi. Napulot ko lang 'to sa may oval, tss..." sarkastikong sagot niya sabay alis.

Naiwang naguguluhan si Fe.

Uuwi na sana si Joe nang maalala ang text ni Lucas kagabi. May usapan na sila last week at hindi niya magawang magback out. He already gave the money and she had used it to pay the hospital bills.

Hindi naman mabigat ang pinapagawa nito. Kailangan lang niyang magprepare ng tubig every time na may soccer game at hintaying matapos ang laro bago siya makauwi. She checked the time, halos half game na. Dali-dali siyang bumili ng water at pocari sweat.

Nang makabili ay tinungo niya ang bench kung saan malapit lang sa kinauupuan ng team nito. Even though she started to feel nervous but she should set aside her feelings first.

Pumito ang referee at umalis si Lucas at isa pang kateam nito sa field para makapasok naman ang ibang member. Si Lutian at Marcco ay nanatili parin sa field.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo nang palapit na si Lucas. Kahit malakas ang hiyawan ng mga estudyante dahil nakagoal si Lutian ay mukhang kasing lakas din ang pintig ng puso niya. Hawak niya sa dalawang kamay ang biniling tubig at pocari sweat.

He was covered with sweat and he was panting. His face was dangerously serious yet he still looked so damn hot with his wet and messy hair. 

Napamaang siya nang lumagpas si Lucas sa kinaroroona niya. Hindi man lang siya tinapunan nito ng tingin. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi at napalunok. Nanghina ang bawat tuhod niya at napaupo siyang muli sa bench. Napayuko siya habang mahigpit na nakahawak sa inumin. May kirot siyang naramdaman sa kanyang puso.

Umihip ang panghapong hangin at tinangay nito ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok. Nagsimula ng uminit ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit napaka-emosiyonal niya simula kahapon. Hindi naman siya ganito dati. She always knows how to control her emotion.

Napalunok siyang muli para maibsan ang bara sa kanyang lalamunan. Nakayuko parin siya nang biglang may humablot sa bottled water na hawak niya. She heard the lid being opened. She looked at her left side and found Lucas drinking the water with gusto.

She didn't know that it's possible to feel pain and joy at the same time. Nakatingala lamang siya rito at nakapaskil ang ngiti sa labi. She got fascinated how his strong jaws moved in precision with his Adams apple as he drank the water.

Matapos nitong uminom ay bumaling ito sa gawi niya. Their eyes locked instantly that made her heart skip a bit. Matiim na nakatitig ang mapupungay nitong mga mata.

"You can go home. You don't have to wait for me," malamig nitong sambit sabay kuha sa pocari sweat mula sa isa pa niyang kamay pero hinawakan niya ng ito ng maigi.

His large hand was on top of her small hand holding the bottle. The contact made her feel warm inside.

"Maghihintay ako," may diin na sambit niya at lumaban ng titigan dito.

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now