Kabanata 5

13.1K 348 27
                                    

Kabanata 5

Akala 


"Ikaw?" bulalas ni Joe habang nakaluwa ang mga mata.

Ipinilig niya ang ulo para mahimasmasan.

Na conscious tuloy siya dahil hindi ito natinag sa pwesto. Dumadagundong ang puso niya sa kaba dahil ang lapit ng katawan nito sa kanya.

Bahagya siyang tumikhim at inilagay ang dalawang palad sa harap ng dibdib nito. Sumunod ang tingin ni Lucas sa mga kamay niyang nasa dibdib nito.

Hmm? Naramdaman niya si abs. Sarap tuloy pisilin. Pero hindi ito ang pakay niya.

Tss, ano naman kaya ang iniisip nito? For his information ay itutulak niya ito no!

Kaya yon nga ang ginawa niya. Tinulak niya ito pero sadyang mas malakas yata talaga ang mga lalaki kaya wa epek ang ginawa niya.

"P-wede bang umalis ka sa pagkakadagan sa akin?" pigil- hiningang tanong niya.

"Pwede ring wag na lang," ayon sa kanyang malanding isipan.

Ay naku! Kung anu-ano na ang sumasapi sa utak niya.

"No," tipid na sagot nito

Napaangat ang isang kilay niya sa sagot nito.

Abat!

Napasinghap na lamang siya nang umalis ito sa pagkakadagan sa kanya pero ginawa namang unan ang tiyan niya.

Parang may kung anong init at kumiliti sa loob niya nang ipinatong nito ang ulo sa kanyang tiyan. Nanigas siya sa pagkakahiga sa damuhan.

"O-ooy ano ba! U-malis ka nga diyan!" sita niya rito.

"You disturbed my sleep so this is your consequence," walang ganang sambit nito sabay pikit ng mga mata at pinag-ekis ang mga braso.

"Eh, pakialam ko ba? Pwesto ko kaya 'to kaya ginising kita, tss."

"Oh I didn't know you own this spot. Wala kasing nakasulat na pangalan," sarkastikong sagot nito.

Yeah, right. Tss.

Napakuyom siya sa kanyang kamao at huminga ng malalim.

"Bakit ba kulang ka sa tulog ha?" Wala sa sariling tanong niya.

Huli na ng marealize niya na parang fc siya masyado sa tanong niya.

Pakialam niya ba kung kulang ito sa tulog? Tss, for sure babae ang kasama nito. Naglampungan siguro buong magdamag.

"Ay bitter lang te?" aniya sa kanyang baliw na isipan.

"Her delivery was crucial last night. I need to watch her over night to see ensure that she's okay."

Ha? Anong ibig sabihin nito? M-ay asawa na ito?

Pero ang bata pa nito para maging ama! Parang may kung anong kumirot sa kanyang puso. Kaya pala kulang ito sa tulog.

Nakaawang ang bibig niya habang nakamasid kay Lucas na tumayo at kinuha ang bag pagkatapos ay walang lingon na umalis.

Anong nangyari don? Bigla-bigla na lang umalis? Hindi rin niya maintindihan ang mood swings nito.

Bumangon si Joe sa pagkakahiga at umupo ng maayos.

"Sino kaya ang tinutukoy nitong nanganak kagabi? Baka kamag-anak lang nito ang nanganak. Imposible namang asawa o girlfriend nito," para siyang tanga na kinakausap ang sarili habang binubunot ang mga damo.

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now