Kabanata 29

3.2K 102 17
                                    

Kabanata 29

Hate


Malapit ng gumabi nang makauwi si Joe sa bahay. Pagpasok sa sala ay nabigla siya sa lakas ng sampal ng kanyang Inay. Napahawak siya sa kanyang pisngi at unti-unting nararamdaman ang sakit. Ito ang unang pagkakataong pinagbuhatan siya ng kamay. Ibig sabihin napakalaki ng nagawa niyang kasalanan.

"Ano itong narinig kong usap-usapan na nobyo mo na si Sir Lucas?" Bakas ang galit sa boses nito. 

"N-ay..." Hindi makatingin si Joe sa Ina dahil alam niyang guilty siya. 

"Pinagkatiwalaan kita Joennah. Sinabi ko na sayo noon pa na layuan mo siya. Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo." 

Naglakas loob siyang tumitig sa mga mata nito.

"B-akit Nay? Masama ba ang magmahal?" Kahit ayaw niyang sumagot sa Inay ay hindi niya mapigilan. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit tutol ito sa kanila ni Lucas. 

"Kailan man ay hindi masama ang magmahal anak," umamo ang mukha nito. "Minsan ang problema ay kung sa anong sitwasyon." 

"Pero bakit ganito? Bakit parang ang laki ng nagawa kong kasalanan? Dahil ba sa sitwasyong mahirap tayo at mayaman sila?" Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. Bakit kung mahirap ba wala ng karapatang umibig? 

Hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat. 

"Hindi lang dahil diyan anak..."  

Sumabay na rin sa pag-iyak ang kanyang Inay. 

"Gusto ko pong malaman Nay," pagmamakaawa niya. 

Hinila siya nito sa sofa at umupo silang dalawa.

"Gusto ko na sanang kalimutan pa ang lahat pero ang hirap," panimula nito. 

"Ano po ang nangyari?" 

"Tumatakbong Konsehal ang Tatay mo pero sa kabilang partido siya. Kasagsagan noon ng pangungumpanya. Sumama siya kay Mayor para tumulong. Naghintay ako rito sa bahay dahil ang text niya uuwi siya at dito na kakain ng hapunan pero..." Humagulhol ang kanyang Inay at kaagad naman niya itong niyakap. 

Hindi makahinga si Joe. Buong akala niya namatay ang kanyang Tatay dahil sa sakit. Yon pala may ibang dahilan. Ayaw niyang marinig ang kasunod dahil mukhang alam niya kung saan patungo ang kwento ng kanyang Inay. 

"Pinagbabaril ang kanilang sasakyan. Walang nabuhay... kasama ang Tatay mo. Walang kwenta ang imbestigasiyon dahil mas makapangyarihan ang may gawa." 

"S-ino po ang may kasalanan?" 

"Ang mga De la Cerna..." bulong nito. 

Kumalas siya ng yakap at tinitigan ang Inay. 

"Sigurado po kayo?" Walang humpay sa pag-agos ang kanyang mga luha. 

Tumango ito. 

"Narinig ko nang minsang naglilinis ako sa mansion. Si Mayor ang target pero lumaban sila ng barilan kaya lahat napatay." Puno ng paghihinagpis ang boses nito. 

"Bakit hindi niyo po sinabi noon pa?" Walang kapantay ang sakit na nararamdaman niya ngayon. 

"Dahil delikado anak. Sa kagustuhan kong protektahan kayo ay nilihim ko lahat. Ayaw kong mabuhay kayo sa takot. Wala rin tayong mapupuntahan kung aalis tayo." 

Wala na bang lugar ang hustisya para sa kagaya nila? 

"Alam po ba ito ni Ate Dayang?" Hikbing bulong niya. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now