Kabanata 28

2.9K 88 1
                                    

Kabanata 28

Cold


Nakatanggap siya ng text mula kay Lucas.

"Babe I'm here at the front gate." 

Hindi niya mapigilan ang ngiti. Maybe that was just some kind of gossips. 

"Palabas na ako." 

Mabilis ang hakbang niya papunta sa front gate. Nandoon nga si Lucas at nakasandal sa kotse nito. He waved when he saw her coming. Pinagbuksan siya nito at pumasok siya sa front seat. Gumilid si Lucas sa kabila at sumakay na rin. 

"May ginawa ka kanina?" kagat-labing tanong niya. 

He looked at her and nodded. 

"Hindi naman importante. Nakipag-usap lang si Mariah sandali." 

Joe stiffened upon mentioning that girl's name. She heaved a sigh of relief. Wala siyang dapat ikabahala. Gusto niyang malaman kung anong pinag-usapan ng mga ito pero nagdalawang isip siya. He said it wasn't that important anyway. 

"Okay," tipid na sagot niya. 

"Can we stop at Sweet Haven for a while? May kukunin lang ako," anito at pinaandar na ang sasakyan. 


Matuling lumipas ang panahon at closing program na. May balak silang mag-out of town sa Davao. Pinayagan naman si Joe ng kayang Ina. Sakay ng van, magkatabi sila ni Lucas. Si Lutian at Queennie tapos sina Marcco at Jewel. 

Wala siyang alam kay Jewel pero may masama siyang kutob sa babae. Maganda ito at mukhang mahinhin pero she knew better not to trust the person based on looks. 

They first stopped at Seda Hotel to check in. The girls were together habang iba ang kwarto ng mga boys. After nilang mag-ayos ng gamit ay umidlip sila sandali. Kinatok sila ng magtanghali na. After taking their lunch at the hotel, they were heading now to Abreeza Mall to buy some stuffs. Balak nilang pumunta ng Samal kinabukasan. 

Pumasok sila sa isang store. Excited na pumili si Jewel sa susuoting two piece pero sila ni In-in ay mukhang walang balak na pumili. 

Naglibot siya sa kabilang section. Wala siyang mapili. Hindi naman siya mahilig sa ganito. She never worn a two piece before. Nakakahiya! 

Nakuha ng atensiyon niya ang orange na two piece. It was a classy two piece swimsuit with a halter style that forms a sexy V neckline in front and high waist. 

Napalunok siya. It was nice but would she be able to wear this? 

""Get that one." 

Napaigtad siya sa boses ni Lucas mula sa kanyang likuran. 

"H-uwag na," pigil hiningang sambit niya. 

Napamaang na lamang si Joe dahil kinuha mismo nito ang swimsuit. She was horrified. Kinuha ni Lucas ang kamay niya at hinigit siya nito sa iba pang section. He saw a white long summer dress and took it. Pumunta sila sa counter pagkatapos at binayaran ni Lucas ang mga gamit. 

Hinanap ni Joe sina In-in at nakita niya itong tumakbo paalis. Mukhang may hindi magandang nangyari. Susundan sana niya ito pero pinigilan siya ni Lucas. Nakasunod na rin si Lutian dito. Bumalik silang apat sa hotel at siya namang pag-dating ng text galing sa kaibigan. 

"Joe, saan kayo? Kasama mo silang tatlo?" 

Kaagad siyang nagtipa ng reply. 

"Nandito na kami sa hotel. Oo kasama ko silang tatlo. Okay na kayo ni Lutian? Mukhang may pinag-awayan kayo kanina ah. Nakita kitang tumakbo palabas. Susundan sana kita pero nakasunod na si Lutian." 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon