Kabanata 26

3.3K 114 9
                                    

Kabanata 26

Pangamba


Bumibilis ang takbo ng oras kapag kasama mo ang taong mahal mo. Ang maganda roon ay bawat minuto, sinusulit. Walang sinasayang na sandali. 

Hindi makapaniwala si Joe sa bilis ng pangyayari. Parang nakalutang parin siya sa alapaap. Talaga bang boyfriend na niya si Lucas? Parang imposible na man yata diba? Ano bang nagustuhan ni Lucas sa kanya? Hamak namang may mas maganda at mas matangkad  pa sa kanya at mula sa marangyang pamilya? 

She has nothing to offer except her love for him. Would that be enough for them to keep going? Paano kung hindi sapat ang pag-ibig na nararamdaman nila para sa isat-isa? 

Napuno ng takot at pagkabahala si Joe. 

Kagaya ng dati ay sa cashier parin siya. Paminsan-minsang lumalapit si Lucas sa kanya at pasimple ring dumadapo ang palad nito sa kanyang beywang. 

Napuna nga ni Lara ang kanyang itsura dahil pulang-pula ang kanyang mukha. 

"May lagnat ka ba Joe? Bat ang pula ng mukha mo?" 

Gusto niyang sapakin si Lucas. Ito ang dahilan ng mukhang kamatis niya. 

"Wala. Okay lang ako Lara. Medyo maalinsangan kasi ang panahon." 

Napatango ito. 

"Sasabihin ko kay Sir Lucas kung pwede bang palakasan ang aircon. Medyo mainit nga." 

Geez! Sasabihin pa nito kay Lucas.

"Naku huwag na." 

Pero lumapit parin si Lara kay Lucas. Bahagya siyang sinulyapan at ngumisi pa ang mokong. Inirapan niya ito at dinaluhan ang kustomer. 

Sumapit ang tanghalian at nagbreak muna sina Lara at Karlo. Pagkatapos ay sila ni Brad. 

"Joe pinapatawag ka ni Sir Lucas sa opisina. May ipalilinis daw sandali," ani Lara mula sa kanyang likuran. 

"Eh? Break time ko na diba?" Napakunot ang noo niya. 

"Baka mabilis lang. Sige na puntahan mo na baka magalit pa 'yon pag hindi ka pumunta." 

Wala siyang nagawa kundi puntahan ang opisina nito. Nakabusangot ang mukha niya. Kumatok siya ng tatlong beses at binuksan ang pinto. First niyang makapasok sa opisina nito. 

Napakalawak at organisado ang mga bagay sa loob. Walang ni isang kalat.Maaliwalas dahil nakabukas ang malaki at makapal na kurtinang nagsisilbing takip sa glass walls. Mukhang mahilig sa libro si Lucas dahil may malaki itong book shelves sa sulok. 

Mas napakunot ang noo ni Joe dahil wala namang tao sa loob. 

"Lucas?" Tawag niya. 

Walang sagot. 

"Lu-"

Napalundag siya nang biglang sumulpot mula sa likuran niya ang mokong. Niyakap siya nito at mabilis na hinalikan sa pisngi. 

"Sabay tayong maglunch." 

Nawala bigla ang inis niya. 

"Akala ko palilinisan mo itong opisina mo," ingos niya. 

He chuckled. 

"It was just an excuse so I can have you here." 

Sabay silang kumain ng tanghalian. Hindi niya hihindian kapag pagkain. 

"Baby, I love watching you eat," he smiled and reached out to clean something at the corner of her lips. 

Namula na naman siya. Baka mukha na siyang baboy sa dami ng kinain niya. Kahiya! At tsaka Baby? Hindi parin siya sanay sa endearment na yan. Parang nagrambulan ang mga bituka niya sa katawan kapag naririnig niya ang salitang 'yon. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now