Kabanata 7

11.8K 339 31
                                    

Kabanata 7

Oxymoron



Tahimik ang kabahayan nang pumasok sila. Dinala siya sa kwarto ni Lucas. 

"Stay here. I'll just take a shower," ani Lucas sabay punta sa banyo. 

Umupo si Joe sa paanan ng malaking kama nito. Napayakap siya sa sarili niya ng wala sa oras. Kinakabahan siya sa mangyayari. Ano ba kasing klaseng trabaho ang gagawin niya? At bakit kailangan pa nitong maligo bago nila simulan ang trabaho?

Huwag mong sabihing gagawin siyang sex slave ni Lucas? May nababasa siyang mga ganun na mga novels eh. May kasalanan 'yong girl tapos ang hinihinging kapalit nong guy ay maging sex slave nito para pahirapan at parausan kahit kailan gusto ng lalaki. 

Paano na ang pinakakaingatang dangal niya? Mawawala nalang basta-basta. 

"Hindi ka na rin lugi kay Lucas. Ang gwapo kaya niya!" ani nang malanding isipan niya. 

Aizt! Kahit na gwapo ito ay hindi sapat 'yon na ibigay niya nalang ang pagkababae niya. 

Bumukas ang pinto ng banyo at napaigtad siya. Bumilis ang pintig ng puso niya. 

"Lord patawarin niyo po ako. Kailangan ko pong gawin ito para makabayad sa kasalanan ko sa kanya," lihim na dasal niya habang nakapikit ang mga mata at nakadaop ang mga palad malapit sa dibdib. 

"Anong ginagawa mo?" 

Nagulat siya sa biglaang pagsalita nito at umayos siya ng upo. Nagdilat siya ng mga mata at halos malaglag ang panga niya nang tumambad sa kanya ang hubad nitong katawan. Well, kalahati lang pala dahil may nakatakip na towel sa ibabang parte ng katawan nito. 

Napalunok siya sa sariling laway. Bakit ba ang daming baon nitong pandesal? Makabaon din nga ng 3-in-1 coffee sa susunod. 

Pinitik ni Lucas ang daliri sa harap ng mukha niya dahil natulala siya ng ilang segundo. 

"Wipe your mouth. Tumutulo na ang laway mo," sarkastiko nitong sambit. 

"Eh, meron ba?" aniya tapos kinapa ang bibig kung may laway ba talaga. 

"Tsk, stupid." 

Napagtanto niyang wala naman talagang laway na tumutulo sa bibig niya. Inis na tiningala niya ito at hinampas sa braso. 

"Wala naman eh!"

"Did you just hit me?" his voice sounded dangerous and he took a step forward. 

"Oo. Bakit? Nakakainis ka kasi eh-" 

Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin dahil sinugod siya ni Lucas. Napahiga siya sa kama habang kinukubawan siya nito. 

"A-no ba! U-malis ka nga sa ibabaw ko!" pilit na pinatatag niya ang boses kahit na nanginginig na siya. 

Pero hindi ito nakinig sa kanya. Kinabahan na siya kaya wala siyang ibang naisip na paraan kundi ang hampasin itong muli. Tumama ang kamay niya sa dibdib nito. 

"Hit me again and you'll see what I can do to you," banda nito. 

"Hindi ako natatakot sayo! Umalis ka sabi eh!" 

Hinampas niya itong muli pero hinuli nito ang kamay niya at inilagay sa ibabaw ng ulo niya. 

"I already warned you," paalala nito habang galit na tumitig sa kanya. 

"Pakialam-...Hmmm..." 

His mouth captured her lips in an instant. Marahas ang halik nito at nararamdaman niya ang hapdi sa kanyang mga labi. She struggled to push him away but it was no use. Mas malakas ito sa kanya.

She didn't expect that her first kiss would be like this. 

She was dreaming of a sweet and romantic first kiss under the moonlight on the grassy hill with fireflies scattered in the darkness. He ruined her first-kiss fantasy. 

Hot tears rolled down her cheeks. She didn't try to struggle anymore. Instead she just laid passively until he stopped kissing her. 

Bahagya itong lumayo sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin habang tahimik na umiiyak. Umupo si Lucas sa tabi niya at napahilamos sa mukha. 

Pinahid niya ang basang pisngi gamit ang kamay at tumayo. Inayos niya ang sarili at walang lingon na lumabas ng kwarto. Tumakbo siya palabas ng mansiyon, palayo sa taong kinamumuhian niya. 


Nakailang buntong-hininga na si Joe habang nakikinig sa teacher nila sa Philippine Literature. Literary Imagery ang topic nila ngayon. 

"Pres. tinatawag ka ni Mrs. Fama," untag ng katabi niyang si Angel.

Para siyang natauhan at tumingin sa teacher nila na malapit ng mairita. 

"Ah? Yes Mam." 

"Give me an example of Oxymoron." 

"Oxymoron? Ano nga ba ang meaning non?" aniya sa sarili. 

Napadapo ang tingin niya sa kanyang libro at pinasidahan ng tingin ang kahulugan ng oxymoron. 

A contradiction that seemingly cannot be resolved. 

Tumikhim siya at nag-isip sandali. 

"I had no choice but to do what I was told." 

Hindi niya alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig niya. 

"What's the key words?"

"No choice Mam." 

"Very good. You may take your seat." 


Nakahinga si Joe ng maayos nang matapos ang Phil. Lit. nila. Muntik na siyang mapagalitan ng teacher nila. 

"Pres may problema ka ba? Pansin namin nitong nakaraang araw ay tahimik ka. Parang malalim ang iniisip mo," concern na sambit ni Claire. 

"Wala naman akong problema. Stress lang siguro ako sa case study natin." 

'"May susuotin kana para sa Acquaintance Party Pres?" tanong ni Fe. 

"Maghahanap pa ako eh. Kayo?"

"Meron na. Dapat maganda ka sa Acquaintance Party Pres para makasayaw mo si Papa Lucas," bungisngis ni Rhea. 

Umasim ang mukha ni Joe pagkarinig sa pangalan nito. Sariwa parin sa alaala niya ang nangyari. 

"Tsk. Magpapaganda ako para sa sarili, hindi para sa ibang tao," walang ganang sagot niya sabay walk out. 

"Anong nangyari? May dalaw yata si Ms. President." 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now