Kabanata 18

4.9K 190 13
                                    

Kabanata 18

Didn't Care


Nagsimula na ang foundation day at makulay ang buong campus. May kanya-kanyang booth ang bawat department. Halos abala ang lahat sa mga preparasiyon. Alas nuebe ang simula ng opening program at may parade sa loob lang ng campus. May color coding. Blue sa education department, black sa science and technology at maroon sa engineering. 

Nagsimula na silang pumunta sa linya. Hawak ni Joe ang banner ng department nila at sa kabila naman ay si Rhea. Nakasuot sila ng blue t-shirt na may tatak na education department at white shorts. Wala siyang white shorts kaya nakihiram lamang siya kay Joy. 

"Pres dala ko ang white shorts. Isukat mo nga," anito sabay abot sa paper bag. 

"Salamat Joy." 

Pumunta siya sa cr at nagbihis. Medyo ilang siyang lumabas dahil maikli ang shorts. Hindi siya sanay mag-suot ng ganito ka iksi. Matangkad siya ng konti kumpara rito kaya medyo maiksi ang shorts sa kanya. 

"Sexy mo Pres ah!" kantiyaw ng mga bruhang classmates niya. 

Narinig pa ng ibang department kaya some of the boys are checking her out. Even if most of the people said that she's beautiful but she is not comfortable showing it off. She wanted to remain unnoticed and she doesn't want to be notice by her looks. She wanted to be noticed by what she's capable of. 

Sinamaan lamang niya ang mga ito ng tingin. She has tied her long hair dahil mainit. All students were gathered at the oval track with the school band at the front. Una and education department sa parade, next ay ang engineering at panghuli ang science and technology. 

Nagsimulang tumugtog ang banda at nagsimula na ang parade. Madaling natapos ang parade dahil nasa loob lamang sila ng campus. Unang pumuwesto sa linya ang kanilang department sa covert court, sumunod ang engineering. Nasa unahang linya ang kanilang klase sa tapat ng stage at paglingon niya ay nasa unahang linya rin ang klase ni Lucas. 

He was holding the banner together with Marcco. Before he could catch her looking, she looked away. 

"Pres nakatingin sayo si Papa Lucas," bulong ni Joy sa likuran niya. 

She stiffened. Kasing lakas ng tugtog ng banda ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya lamang ito pinansin. 

"May problema ba kayo Pres?" usisa pa nito. 

"Wala. Tumahimik ka nalang," saway niya sabay balik ng tingin sa harap ng stage. 

"He's checking you out. Mukhang galit dahil sa iksi ng shorts mo," kulit na dagdag ni Joy sabay bungisngis. 

She clenched her teeth and her heart beat faster. 

"Just shut up, okay? I don't care if he's angry or not," inis na bulong niya. 

"May LQ nga," ani Joy at tumahimik na. 

Mabuti at hindi isiniwalat ng dalawa ang nangyari sa kanila noong isang araw. Pilit niyang iniiwasan si Lucas. Nag text ito sa kanya pero binaliwala niya. She wanted to clear her mind and heart. She needed time and space to think. 

Nalilito siya sa nararamdaman. Every time she thinks about him, fear started to invade her whole system. Takot siya. Takot siyang mahulog ng tuluyan dito. As much as possible, she should restraint herself from liking him. Hindi tama. Hindi dapat. The truth made her angry and indifferent. 

Umakyat ang emcee sa stage. 

"Good morning students!" 

"GOOD MORNING!" Everybody answered. 

(On Hold) He Who Saves Me DLC 2 Where stories live. Discover now