The Family

36.7K 609 166
                                    

3 months after manganak si Karylle kay Miguel Krystian, nakapag-adjust naman na ang mag-asawa sa bago nilang buhay sa pagkakaroon nila ng anak. Tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Karylle. Once lang sila nag-upload ng picture ng baby nila for safety purposes. Bumibisita sila kapag libre si Vice sa pamilya nila, minsan kila Vice pero madalas kina Zsazsa at pag may mahabang bakasyon, pumupunta rin sina K sa Papa niya para naman makasama niya ang apo niya.

Tumaba lalo si Baby Miguel. Lagi kasi siyang nagdedede kay Karylle at kapag nasa trabaho naman ang Mommy niya, formula milk muna ang ibinibigay sa kanya kaya mas mataba siya. At dahil tumatawa na ito at tila nakikipag-usap mas naaaliw si Vice sa kanya.

Pauwi na sila galing ng Showtime. Sa sasakyan...

Karylle: Babe, may schedule pala ako ng commercial next tuesday. Tapos sa Sabado, may pupuntahan akong event sa Subic.

Vice: Parang ang tagal naman ng mga gagawin mo. Paano si Miguel? Baka pumayat 'yon.

Karylle: Gusto ko nga sana isama.

Vice: Sinong mag-aalaga sa kanya?

Karylle: Isasama nga kita.

Vice: Babe, sa Sabado may trabaho rin ako. Sa tuesday, kaya ko pa mag-alaga.

Tumahimik lang muna si Karylle.

Vice: Sige. Ako na lang din mag-aalaga sa kanya sa Sabado. Sabihin ko na lang na hindi na muna ko pupunta.

Karylle: Paano 'yong trabaho mo?

Vice: Ako ng bahala. Basta sa umaga, alagaan mo muna siya ha. Mamimiss ka no'n.

Karylle: Sama na lang kayo sa akin para hindi ko kayo ma-miss.

Vice: Baka makakuha ng sakit 'yong bata.

Karylle: Ay oo nga.

Niyakap na lang ni Vice si Karylle.

...

Tuesday Afternoon.

Prepared na lahat ng milk bottles ni Baby Miguel with diapers na gagamitin ni Vice para hindi na ito mahirapang maghanap at kumuha pa. Kasama naman ni Vice mag-alaga ang mga kaibigan niya.

Nakaidlip si Vice habang kalong niya si Miguel nang biglang umiyak ito ng malakas.

Vice: *nagulat* Ayy jusko, anak! Anong nangyari? *napabangon* O sige, tahan na. Kukuha na si Daddy ng gatas.

Habang kalong ni Vice ang baby ay nagtitimpla siya ng gatas. Iyak pa rin ng iyak si Baby Miguel.

Vice: Ang baby ko, mainipin. Mana kay Mommy haha. *pakantang sinasabi* Pag narinig niya tayo, lagot na naman si Daddy haha.

Pagkatimpla ni Vice, binigay na niya ito agad sa anak niya. Kung magdede si Baby Miguel parang di pinagatas ng isang buwan. Gutom na gutom.

Vice: Anak, dahan-dahan lang. Baka pati tsupon malunok mo na haha.

Tapos nagke-create ng sound 'yong baby na parang nagrereklamo pa at may tears pa na tumutulo sa mata.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon