Sorry Na, Pwede Ba

42.7K 412 42
                                    

Kinabukasan pagdating ni Karylle sa studio, nagkumpulan lahat ng hosts sa Dressing Room ng boys. Tumabi naman si Jhong kay Karylle. Tahimik na lang noon si Vice at kahit di siya komportable sa nakikita niya ay pinilit na lang niyang huwag magpaapekto. Maya-maya pa'y tinawag na sila to start the show in 7 minutes. Nang makalabas na ang iba sa kwarto, hinawakan ni K ang kamay ni Vice. Nagulat ito kaya bigla niyang inalis ang kamay. Napatingin lang si K.


Vice: nagulat naman ako, jowa lang ang peg?
Karylle: arte.

Natawa lang si Vice. Nauna na siyang naglakad kay K.

During the entire show nakakapansin na si Karylle na parang hindi siya pinapansin ni Vice. Si K ang unang nag-intorduce kay Vice sa Hurado Time ng Bida Kapamilya tapos after ng second family si Anne naman, todo energy na si Vice tapos biglang sumingit si K.

Karylle: nagtatampo ko sa 'yo. *Tampo talaga na tono.*

Napatingin si Vice kay K.

Billy: hala ka, anong ginawa mo kay K.
Vice: oy bakit nagtatampo sa 'kin ang girlfriend ko?

Madlang pipol: ayieehhh..

Si Anne na ang sumagot.

Anne: kasi raw di mo raw siya masyadong pinapansin today.
Billy: lagot ka..
Vhong: ba't ba kasi di mo pinapansin si K?
Vice: eh kasi umutang ako sa kanya kahapon. Baka singilin na kasi niya ko eh. Haha.
Vhong: ayun lang.

Natawa lahat except kay Karylle.

Anne: oy, di natuwa si K oh. Hala nagtatampo talaga.
Billy: uy Vice si K oh..

Walang kibot-kibot bumaba si Vice at pinuntahan si K.

Na-hype ang madlang Pipol.

Hinawakan ni Vice si Karylle sa kamay at dinala sa gitna ng stage. Seryoso namang nakatingin si K. Nag-iba rin ang pakiramdam ni Vice kasi akala niya biruan pa pero sa tingin niya totoo na.

Vice: oh my gawwwd, totoo nga.

Nang-asar lahat ng hosts. Sabay hinawakan ni Vice si K sa pisngi at niyakap niya ito ng mahigpit. Bumitaw si K. Nang-asar lalo ang mga hosts.

Vice: hindi ko alam kung anong makakapagtanggal ng tampo mo sa 'kin pero wala na raw time. *Natawa ang mga hosts.* kakanta na lang kita baka sakaling umepek.

Lumapit ulit si Vice kay K.

🎤 Buhay ko'y na sa 'yo
Matitiis mo ba ako oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry... Pwede ba?

...


Maya- maya nag-smile na si Karylle at nagblush. Nang-asar na lahat tapos kiniss siya ni Vice sa cheek. Doon na nagbigay ng comment si Vice habang hawak niya sa bewang si K. Nang magcue for commercial, hinatak agad ni Vice si Karylle sa Dressing Room.

Vice: nagtampo ka nga sa 'kin?
Karylle: oo.
Vice: bakit?
Karylle: ikaw eh ini-snob mo ko. Sa iba ang kulit mo, sakin wala lang.
Vice: selos ka?

Biglang pumasok sina Anne. Pagkakita sa kanila..

Vhong: oy kuys, ano 'to?? Totohanang Vicerylle love team na ba talaga 'to?
Anne: ayiieehhh... Ano na ba, sis?
Ryan: e--er--Q kayo, nanay?
Vhong: anong er-q? LQ!

Hindi na nagsalita sina Karylle at Vice, basta niyakap na lang ni Vice si K.

Kinakasanayan na ni Karylle ang samahan nila ni Vice. Kulitan nila araw-araw. Hindi naman sumagi sa isip niya na nahuhulog na rin pala siya kasi they're good as friends. At sanay na talaga siya sa pagiging sweet na kaibigan ni Vice.

Naisipan ni Vice pagkatapos niyang makausap ang kapatid na baka kailangan lang niya munang bigyan ng distance yung closeness nila ni K. Para magkaroon siya ng time ayusin ang sarili niya.


...


Saturday night nag-aya si Billy lumabas kasama ang kanyang girlfriend para i-celebrate ang kanilang anniversary. Sumama naman ang kasamahan ni Billy sa showtime: Anne, Vhong, Vice, Karylle, Jhong, Ryan at Teddy. The usual eksena, nadala ng inuman si Vice at nalasing ito. Pag-uwi, nagprisinta na lang si Anne na ihatid si Vice. Piangtulungan nina Ryan at Vhong para makasakay si Vice sa sasakyan ni Anne.

Vhong: grabe ang payat pero ang bigat.
Anne: problemado 'tong si Vice. Di naman ganyan yan eh.
Vhong: tungkol kay baby boy?
Anne: no idea.
Vhong: idadrive ko na lang pauwi yung sasakyan nito tutal malapit lang din naman ako.
Anne: o sige ikaw ng bahala dun ingat na lang at naka-shot ka rin.
Vhong: ikaw mag-ingat.
Anne: keri ko na 'to.

Sa sasakyan biglang nagkwento si Vice ng walang control. Natatawa si Anne.

Vice: mare?
Anne: oh?
Vice: alam mo bang naguguluhan na ko sa sarili ko. *Tipsy*
Anne: ha? Naguguluhan?
Vice: oo. Magu--- *tipsy* magulo.
Anne: ang alin?
Vice: ang sarili ko nga. Paulit ulit lang, mare?
Anne: *natawa* magulo ka kausap, mare.
Vice: gusto ko na si karylle, alam mo ba 'yon? *Hiccup* 'yon ba magulo pa rin sa 'yo?
Anne: i like her too.
Vice: hinde... *Tipsy* hinde gustong ganun.
Anne: eh ano?

Vice: nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Iniwan ko nga si baby boy kas--- *hiccup* kash...kasi... Gusto ko na si K. Di ba magulo?

Napapreno si Anne. Napatingin siya kay Vice sa pagkabigla.

Anne: mare?
Vice: *hiccup* bakla ako eh.. Bakla.. Pero... *Biglang hikbi* paano niya ko magugustuhan eh mas girl pa ko sa kanya?
Anne: mare, teka nga... Totoong in love ka na kay K? As in si Karylle Tatlonghari?


Tumango na lang si Vice. Hindi na nagtanong si Anne mula noon.

[Di ako sigurado baka nababagot kayo sa kwento. Basta feel free to comment. Thanks for your time anyways.]

to be continued... :)

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon